You are on page 1of 4

ESP 8 3RD QUARTER QUARTERLY TEST

NAME: _________________________________________ SECTION: 8 -_Mendel DATE: _______ SCORE: ______

Panuto: Piliin lamang ang letra ng tamang sagot. Handa ka na ba? Simulan na ang
pagsagot.

1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


A. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang
pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin
sa kaniyang pinanggalingan.
C. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
D. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi
bukal sa kaniyang kalooban.
2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang
trabaho nito
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
3. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
A. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng
depresyon.
B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
C. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga
bacteria sa katawan.
4. Ano ang entitlement mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na
dapat bigyan ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na
tustusan ang kanilang pangangailangan.
3
5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng
kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa
pananaw sa buhay
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
6. Ang mga sumusunod ay ilang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa:
A. magpadala ng liham-pasasalamat.
B. gumawa ng kabutihan sa kapwa na naghihintay ng kapalit
C. magpasalamat sa bawat araw
D. magbigay ng munti at simpleng regalo
7.. Ang pagbibigay ng simpleng regalo ay pagpapakita ng:
A. inaasahan nating sa bawat kabutihang nagawa ay may kapalit
B. pag-alaala sa taong gumawa sa atin ng kabutihan
C. pagsukli ng naibigay ding regalo sa atin
D. pagbibigayan sa mga taong gusto nating bigyan
8. Ang berso sa Salmo 23:1-2 na nagsasaad na “Ang Panginoon ay aking pastol, di ako
kukulangan sa anuman. Pinahihimlay niya ako sa luntiang pastulan, inaakay ako sa
payapang batisan”, ay nagdudulot ng:
A. pag-aalinlangan sa bawat hakbang na gagawin
B. kalungkutan sa panahon ng maraming pagsubok
C.kaguluhan sa kung ano ang gagawin sa hinaharap
D. ginhawa ng kalooban at nagpapalaya sa gipit na kalagayan
9. Ang hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa ay patunay
ng:
A. walang kakayahang alalahanin man lamang ang iyong kabutihan
B. nasa proseso pa sila ng pag-unlad sa pagiging sensitibo sa kapwa at sa epekto ng
kanilang gawain sa kapwa.
C. hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo upang maging maganda ang iyong
buhay
D. lahat ng nabanggit
10. Ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagagampanan mo ang iyong
________ na obligasyon.
A. moral B. sosyal C. emosyunal D. political

11. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog
ang kilos-loob ng isang bata,ang bata ay_____________:
A. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang
B. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay
C. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda
D. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang
12.Hinahangan ni Jay si Danny na taglay niyang kagalingan sa pamumuno.Nang si
Danny ang naging lider ng kanilang grupo ,lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang
sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol , kahit pa minsan ay napapabayaan
na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita
ng_________________________.
A. katarungan B. kasipagan C. pagpapasakop d. pagsunod

13. Nag-iisang itinaguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang
ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang
napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba
siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa
pamamagitan ng_______________:
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang
linggo
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email
kung nasa malayong lugar
C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan , tulad ng pag-uwi
nang maaga
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa
kalagayan ng bawat isa
14. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na
ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na
maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakitaan ng ibang mga
kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa
isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalahanan
siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksiyon ni Vangie. Ano
ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon
at huwag magsawa.
B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang
marka.Nasa lahi nila ang pagiging magaling kailangan lang ng pagpapaalala
C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga natuklasang dahilan
D. Isaalang-alang ang kakayahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin
siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
15. Maraming balita tungkol sa mga tao sa mga may awtoridad ang kinakitaan mo
ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan . Maraming kabataang tulad mo
ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at
pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban
at gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan.Sumangguni sa ibang may
awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob
C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng
pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa
batas.Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag
dito.

Answer key
A
B
C
B
D
B
B
D
D
A
C
D
C
A
A

You might also like