You are on page 1of 5

Edukasyon sa Pagpakatao (ESP 8)

Quarter 1, Week 5

PANGALAN: _______________________________ SEKSYON: _______________


Inihanda ni: Gng. Mary Grace S. Maata

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o


pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng
pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon EsP8PB-Ie-3.1

Modyul 3: Ang
Kahalagahan ng
Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng
Pamilya

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Kaalaman : Nabibigyang-diin ang mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon

Saykomotor : Nasusuri ang mga sitwasyonng nagpapakita ng mabuting komunikasyon sa pamamagitan ng


mga larawan

Apektiv : Nakapagpapamalas ng maayos na mga paraan kung paano malampasan ang mga hadlang
sa mabuting komunikasyon

1
Ang pamilya ang itinuturing na batayang yunit ng lipunan.Ang unang salita natin ay sa pamilya natin
natutuhan.Dito unang nahuhubog ang ating kasanayan sa komunikasyon.Dito tayo unang natututong
makipagkapwa at bumuo ng pamayanan. Ayon kay St.John Paul II,isa sa mga pangunahing tungkulin ng
pamilya ang bumuo ng pamayanan. Hindi possible ang makipagkapwa o bumuo ng pamayanan nang walang
komunikasyon, pasalita man o di-pasalita. Mahalagang magkaroon ng mabuting komunikasyon at ugnayan sa
pamilya sapagkat dito nakasalalay ang maayos at mabuting pakikipagkapwa.

Ang komunikasyon ay anumang tanda o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at
pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawa.

Mga Hadlang sa Mabuting Komunikasyon


Binanggit ni Leandro C.Villanueva (2003) ang mga sanhi,dahilan o hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng
mag-asawa. Ang mga ito ay maaaring totoo rin sa ating komunikasyon sa kapwa.

1. Pagiging umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang pagbabakod ng sarili
hindi ito mapasok ng Iba. Ayon kay Villanueva, mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw
magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin ng kapwa.

2. Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba,
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung titingnan ng isa na higit siyang tama o higit siyang magaling,
maaaring hindi sila magkaunawaan lalo na kung nararamdaman ng taong kausap na siya ay minamaliit o
hinahamak.

3. Pagkainis o ilag sa kausap. Mayroon mga taong tila namimili ng kausap. Kapag pakiramdam nila na
wala sila sa kondisyong makipag-usap,hindi sila kumikibo. May mga taong umiiwas na makipag-usap lalo
na kung pakiramdam nila ay wala sa katuwiran ang kausap.

4. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin. Iniisip minsan ng tao na


magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya nananahimik na lamang siya o
kaya’y nagsisinungaling sa kapwa.

5. Ati-atin Mabuti sa isang sambahayan ang pagkakaroon ng sama-samang usapan at pagpapalitan ng


kuro o magkaroon ng masayang balitaan at pagbabahaginan ng karanasan na maaaring pag-usapan ng
pamilya at kaibigan. Subalit mayroong mga suliranin sa pamilya lamang dapat pag- usapan. Kung ang
suliranin ay para sa mag-asawa lamang at ang pagsasabi nito sa mga anak ay magdudulot lamang ng
kalituhan,kailangan na lutasin ito nang palihim sa mga kapitbahay. Ang “atin-ating”usapan ay hindi
pagsasangkot o paninisi sa ibang tao

Anekdota

Habang patungo sa Ilog Ganges upang maligo ang isang gurong Hindu, nadaanan niya ang isang
pamilyang nagtatalo-talo at galit na sinisigawan ang isa’t isa. Tinanong nito ang kasamang mag-aaral,”Bakit
sumisigaw ang tao sa pakikipag-usap kung siya ay nagagalit? ”sumagot ang isa,” Nawawalan tayo ng pasensiya
kaya’t tayo’y sumisigaw.
“Ngunit bakit kailangan nating sumigaw gayong ang ating kausap ay katabi lang natin? Maaari namang
sabihin ang ating ikinagagalit sa mahinahong paraan?“ tanong muli ng guro.
Nagbigay pa ng sagot ang ilan sa mga mag-aaral ngunit hindi nasiyahan ang guro sa kanilang mga
ibinigay na katuwiran. Sa huli’y nagpaliwanag ang guro, ”Pinaglalayo ng galit ang puso ng isa’t isa. Dahil dito

2
kailangan nilang sumigaw upang marinig ang isa’t isa. Samakatuwid, mas lumalakas ang pagsigaw habang
lalong tumitindi ang galit at lalong naglalayo ang kanilang mga damdamin”.

Ano naman ang nangyayari kung nagmamahalan ang dalawang tao? Hindi sila sumisigaw sa halip ay
mahina at mahinahon ang kanilang pag-uusap sapagkat magkalapit ang kanilang mga puso.
Habang lalo nilang minamahal ang isa’t isa, lalo namang naglalapit ang kanilang mga kalooban, kaya’t
sapat na ang mga bulong upang ipahayag ang damdamin. Sa huli’y ni hindi na kailangan pa ang mga salita o
pangungusap. Ang kanilang mga tingin ay sapat na. Ganyan sila nagiging kalapit sa isa’t isa.

Matapos ang paliwanag ay sinabi ng guro,” Kung kayo’y nakikipagtalo o nakikipagpaliwanagan, lalo’t sa
minamahal, huwag ninyong hayaang maglayo ang inyong kalooban. Maaaring dumating ang panahong
malimot na ang daan patungo sa isa’t isa. Maaaring maging dahilan ito ng inyong tuluyang paghihiwalay ng
landas.

Dalawang uri ng komunikasyon:


 Diyalogo- ay nagsisimula sa sining ng pakikinig. Ang dalawang tao ay dumudulog sa diyalog nang lubos
na pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa.

 Monologo- kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili o kung
ang pakay ay margining lamang at hindi ang making.

GAWAIN 1:

7. 8. 9.

10.

3
Panuto: Buuin ang puzzle upang masagot ang mga sumusunod
GAWAIN 2:
na tanong

Pahalang: Pababa:
1. “Kung kayo ay nakipagtalo o 2. Positibong nagagawa ng
nakikipagliwanagan, lalo’t sa komunikasyon ang kala____ sa
minamahal, huwag hayaang pakikipagkapwa
maglayo ang inyong mga 3. Isang hadlang sa mabuting
___________”. komunikasyon.
4. Isang paraan para mapabuti ang
5. Maipakita ang makabuluhang ugnayan. Pagiging ___
pakikipagkapwa sa 7. Mabisang paraan ng
pamamagitan ng kakayahang komunikasyon ay _____.
______.
6. Negatibong pagbabago ng
mabisang komunikasyon sa
pamilya sa modernong panahon 4
ay ang kawalang ____ sa mga
nakatatanda. 1 7
8. Ang tunay na pagma_____ ay
pagkakaisa ng isip at puso
dalawang 9.____.
10. Sa pamamagitan ng 9 6
komunikasyon nagagawa ng
mga ka___ ng pamilya na
malutas ang problema.
2

3,5

10

4
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng pinakaangkop na
sagot sa patlang.

______ 1. Ito ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal


ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot,puro, at romantikong pagmamahal.

A. Pamahalaan B.Pamilya C.Simbahan D. Ekonomiya

______ 2. Siya ang nagsabing may mga sanhi,dahilan o hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng
mag-asawa. Binanggit rin niya ang mga paraan upang mapabuti ang komunikasyon.
A. Thomas Aquinas C. Leandro C.Villanueva
B. Alejandro C. Abadilla D. lahat

______ 3. Bakit mahalagang magkaroon ng mabuting ugnayan o komunikasyon ang pamilya?


A. Dahil dito nakasalalay ang mabuting pakikipagkapwa at maayos na lipunan
B. Simbolo ito ng pagkakaisa
C. Upang magkaroon ng matibay at matatag na bigkis ng pamilya
D. lahat na nabanggit

______4. Ito ay sanhi o dahilan sa komunikasyon kung saan iniisip minsan ng tao na magdaramdam
o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya nananahimik na lamang siya o kaya’y
nagsisinungaling sa kapwa.
A. Pagkainis o ilag sa kausap
B. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin
C. Pagiging umid
D. Mali o magkaibang pananaw

______5. Ayon kay Villanueva,mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw
magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin ng kapwa.
A. Pagiging umid o walang kibo C. Mali o magkaibang pananaw
B. Pagakinis D. Takot

______6. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba,nagkakaroon ng hindi


pagkakaunawaan.
A. Pagiging umid C. Pagkainis o ilag sa kausap
B. Ang mali o magkaibang pananaw D. lahat

______7. Mahalaga ang ______________________ dahil ito ay mabisang paraan, isang pakikipag-
ugnayan upang magkaunawaan.
A. komunikasyon B. anekdota C. pabula D. sanaysay

8. Ang________________ ay isang literature o sanaysay na may layuning magbahagi ng karanasan


o kuwento.
A. komunikasyon B. anekdota C. epiko D. tula

9.Alin sa sumusunod ang epektibo sa pakikipag-usap?


A. nagsisigawan C. nag-uusap ng mahinahon
B. umid o walang kibo D. lahat

10.Ang salitang matatag ay kasingkahulugan ng ______________________.


A. marupok B. magara C. mayumi D. matibay

You might also like