You are on page 1of 2

Department of Education

REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
CATO NATIONAL HIGH SCHOOL
Infanta

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 8
Pangalan:___________________________________________ Marka:______________________________
Grade/Section:_______________________________________ Lagda ng Magulang:__________________
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.
____1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
a.Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyng pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap
niya mula sa iba at sa Diyos?
b.Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan.
c.Nag-aaral nang mabuti s Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
d.Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
____2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapuwa kahit naghihintay ng kapalit.
b.Pagkilala sa kabutihang ginagawa ng kapuwa at pagsasabi ng pasasalamat.
c.Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapuwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
d.Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
____3.Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
a.Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkakaroon ng depresyon.
b.Naghihikayat upang aging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng
dugo at pulse rate.
c.Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d.Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
____4.Ano ang entitlement mentality?
a.Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao
b.Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
c.Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d.Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.
____5.Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a.Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapuwa
b.Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
c.Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
d.Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao.
____6.Ang sumsunod ay may gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa :
a.Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b.pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
c.paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang
d.pag-aalala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sakanya.
____7.Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
a. kalooban c. damdamin
b.isip d.konsensiya
____8.Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a.Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapuwa b. Pasasalamat
c.Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d.Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapuwa sa abot ng makakaya
____9.Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
a. ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b.ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c.ang pagiging abusado sa kapuwa sa paghingi ng tulong
d.ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong
____10.Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat , maliban sa:
a. kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
b.pagpapasalamat nang hindi bukas sa puso
c.hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d.Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad.
II.Pagiisa-isa
11-15 Mga ilang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
16-18 Tatlong antas ng pasasalamat
19-23 Mga dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan sa tao ng pasasalamat
24-26 Dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan sa tao ang pasasalamat
27-30 Tatlong antas ng kawalan ng pasasalamat

III. Tukuyin ang tamang sagot.


_______________31.Ito ay isang gawi o kilos na kelangan magpatuloy hanggang sa ito ay maging birtud
_______________32. Ito ay nagmula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay nakalulugod
_______________33.Ito ay salitang latin na ang ibig sabhin ay pagtanggi o kabutihan
_______________34. Ayon kay ______________ “GRATITUDE IS THE SIGN OF NOBLE SOULS”.-
_______________35.Ito ay ang pagkilala o pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng matinding
pangangailangan
_______________36.Ang kawalan ng pasasalamat,isang masamang ugali na nakapagpababa ng pagkatao.-Ingratitude
_______________37.Isang paniniwala o pagiisip ng anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na bigyan ng dagliang
pansin
_______________38.Isang pamamaraan ng pasasalamat ng mga Muslim ay ang pagdiriwang ng __________________.
_______________39.Uri ng pagdiriwang ng mga Visayan bilang pasasalamat.
_______________40. Isang pagdiriwang na psasalamat kay San Isidro Labrador para sa magandang ani.

Pasasalamat gratia Aesop Utang na Loob

Atihan at Dinagyang Entitlement mentality Kanduli Gratus Pahiyas

IV. Tama o Mali.Isulat ang titik T kung ang pahayag ay TAMA at titik M kung ang pahayag ay MALI.
____41.Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
____42.Ang utang-na-loob ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman.
____43. Ang pagtanaw ng mabuting kalooban ng ibang tao ay maaring matumbasan ng pagganti rin ng mabuting
kalooban sa iba pang tao.
____44.Ang Bacao ay isang pagdiriwang para kay San Jose dahil sa magndang ani ng mais.
____45.Ang taong may pasasalamat ay marunong tumingin sa positibong bahagi ng buhay sa kabila ng mga
pagsubok.
____46.Ang entitlement mentality ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapa
bigyan ng dagliang pansin.
____47.Ang pasasalamat ay pumipigil sa tao na maging maiinggitin sa iba.
____48.Nararapat lamang na pasalamatan ang mga magulang na walang sawang nagpapakita ng kalinga saiyo.
____49.Pinagtitibay ng pasasalamat sa kapuwa ang samahan dahil sa magandang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
____50.Gratitude is the sign of noble souls.

PREPARED BY: NOTED BY:

HAZEL JUNE M. SANTOS RUBEN E. LAO, ED.D


Teacher I Principal IV

You might also like