You are on page 1of 4

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.
1. Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang nanay na abala sa mga
gawaing bahay at sa kanilang tindahan. Paano ipinakita ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang
nanay?
A. Maagang papasok si Ryan sa paaralan.
B. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho.
C. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan.
D. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan.

2. Kalilipat lang ni Cristy kaya wala siyang kaibigan sa klase. Mabuti na lang at may nagpakilala sa kanya at
nagbigay impormasyon tungkol sa kanilang paaralan. Paano naipakita ng kaklase ang kabutihang ginawa
kay Cristy?
A. Pakikipagkaibigan ni Cristy at ang bagong kaklase.
B. Paglapit ng mag-aaral kay Cristy para may makausap.
C. Paglipat ni Cristy ng paaralan para magkaroon ng bagong kaibigan.
D. Pagpapakilala ng mag-aaral kay Cristy at pagtuturo sa kanya ng tungkol sa kanilang paaralan.

3. Bata pa si Lito ngunit kakikitaan na siya ng kabaitan. Minsan nagkasundo sila ng kanyang kalaro na mag-
unahan sa pagtakbo. Sa kanilang pagtakbo ay biglang nadapa ang kanyang kalaro kaya binalikan niya ito at
tinulungang makatayo. Paano naipakita ni Lito ang kabutihan sa kalaro?
A. Sa paglalaro, gumawa siya ng kasunduan.
B. Para maipakita ang lakas niya sa pagtakbo.
C. Pakikipaglaro sa kaibigan para hindi ito mabagot.
D. Pagpapahalaga sa kapakananan ng kalaro kaysa manalo.

4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob?


A. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan
B. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay
C. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya
D. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain
5. Magkasabay na umuuwi galing sa paaralan sina Gng. Reyes at ang ilan niyang mag-aaral. Agad na kinuha
ng isang mag-aaral ang mga gamit ng guro upang tulungan ito sa pagdadala; samantala ang iba ay
masayang nakikipag-usap kay Gng. Reyes. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng kabutihang ginawa sa
kapwa?
A. Pakikipag-usap ng guro sa mga mag-aaral
B. Pagpapadala ni Gng. Reyes ng kanyang mga gamit sa mag-aaral
C. Pagtulong ng mag-aaral kay Gng. Reyes sa pagdadala ng gamit nito
D. Pagiging masayahin ng mga mag-aaral dahil guro ang kanilang kasama

6. Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang nanay na abala sa mga
gawaing bahay at sa kanilang tindahan. Paano ipinakita ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang
nanay?
A. Maagang papasok si Ryan sa paaralan.
B. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho.
C. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan.
D. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan.
7. Kalilipat lang ni Cristy kaya wala siyang kaibigan sa klase. Mabuti na lang at may nagpakilala sa kanya at
nagbigay impormasyon tungkol sa kanilang paaralan. Paano naipakita ng kaklase ang kabutihang ginawa
kay Cristy?
A. Pakikipagkaibigan ni Cristy at ang bagong kaklase.
B. Paglapit ng mag-aaral kay Cristy para may makausap.
C. Paglipat ni Cristy ng paaralan para magkaroon ng bagong kaibigan.
D. Pagpapakilala ng mag-aaral kay Cristy at pagtuturo sa kanya ng tungkol sa kanilang paaralan.

8. Bata pa si Lito ngunit kakikitaan na siya ng kabaitan. Minsan nagkasundo sila ng kanyang kalaro na mag-
unahan sa pagtakbo. Sa kanilang pagtakbo ay biglang nadapa ang kanyang kalaro kaya binalikan niya ito at
tinulungang makatayo. Paano naipakita ni Lito ang kabutihan sa kalaro?
A. Sa paglalaro, gumawa siya ng kasunduan.
B. Para maipakita ang lakas niya sa pagtakbo.
C. Pakikipaglaro sa kaibigan para hindi ito mabagot.
D. Pagpapahalaga sa kapakananan ng kalaro kaysa manalo.

9. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob?


A. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan
B. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay
C. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya
D. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain

10. Magkasabay na umuuwi galing sa paaralan sina Gng. Reyes at ang ilan niyang mag-aaral. Agad na
kinuha ng isang mag-aaral ang mga gamit ng guro upang tulungan ito sa pagdadala; samantala ang iba ay
masayang nakikipag-usap kay Gng. Reyes. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng kabutihang ginawa sa
kapwa?
A. Pakikipag-usap ng guro sa mga mag-aaral
B. Pagpapadala ni Gng. Reyes ng kanyang mga gamit sa mag-aaral
C. Pagtulong ng mag-aaral kay Gng. Reyes sa pagdadala ng gamit nito
D. Pagiging masayahin ng mga mag-aaral dahil guro ang kanilang kasama

11. Paano mo maipapakita ang katapatan sa iyong mga magulang? Sa pamamagitan ng:
A. pagtulong sa mga gawaing bahay. B. pagsasabi ng katotohanan sa magulang.
C. paghingi ng sobrang pera bago pumasok. D. pagpapakita ng mga marka sa bawat markahan.
12. Nakita ni Teddy na nahulog ang cellphone ng isang babae na papuntang canteen kaya pinulot niya ito at
ibinigay sa may-ari. Bakit ito ginawa ni Teddy? Dahil:
A. kilala niya ang babae. B. isa siyang tapat na bata. C. may crush siya sa babae. D. gusto niya ng
gantimpala.

13. Bakit mahalagang maging matapat sa salita at sa gawa ang isang tao? Upang:
A. maging sikat. B. makatanggap ng pabuya.
C. makatanggap ng papuri mula sa iba. D. magkaroon ng kapayapaan ang kalooban.

14. Nang naglaba si Tinay ay may nakita siyang pera sa bulsa ng pantalon ng tatay niya. Tumpak ito sa
presyo ng nagustuhan niyang tsinelas kaya ibinili niya ito nang walang paalam. Bakit ito nagawa ni Tinay?
A. Dahil wala na siyang tsinelas na maisusuot.
B. Dahil hindi siya binigyan ng pera na pambili ng tsinelas.
C. Dahil siya ang nakakita sa pera ibig sabihin sa kanya na ito.
D. Dahil hindi siya naging matapat sa sarili at sa mga magulang.
15. Ano ang tawag sa paggawa ng mabuti o pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras, bagay, pangyayari o
sitwasyon?
A. kadakilaan B. karunungan C. kasikatan D. katapatan
16.Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagbabahagi ng sariling problema sa pamilya at
kaibigan?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda.
B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao.
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito.
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan.

17.Kung ang tao ay may mataas na paggalang sa nakatatanda, ano ang maaring bunga nito?
A. Hindi magkakaintidihan.
B. Takot itong magsinungaling.
C. Anumang kabutihan na iyung naibigay sa kapwa ay magbubunga rin ito ng kabutihan sa ’yo.
D. Sa mga magulang nagsisimula ang mabuting edukasyon kung paano hinubog ng mabuti ang mabuting
asal ng mga anak.
18.Inutusan na bumili ng prutas ang magkapatid na Ben at Dan ng kanilang ina. Dali-dali na tumungo ang
dalawang magkapatid sa tindahan ng mga prutas upang mamili. Nang sinuklian na ang magkapatid ay
napansin ng dalawa na sobra ang sukling ibinigay. Agad naman nila itong ibinalik sa may-ari. Anong
katapatan ang kanilang ipinakita?
A. Katapatan sa gawa B. Katapatan sa salita
C. Katapatan sa paggawa D. Katapatan sa pangangasiwa
19.Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagsunod sa utos ng magulang?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda. B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao.
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling
kapakanan

20. Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagbibigay impormasyon sa isang tao o dayuhan na
nagtatanong ?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang
tao
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling
kapakanan
26. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Seksuwalidad ay ang pagkakilanlan ng isang indibidwal sa kanyang
sarili na nakapokus sa kanyang bayolohikal na pagkilala, pagsasakilos ng mga nais gawin, pagkakaroon ng
kagustuhan o pagnanasa sa kapwa at pagkilala sa gampanin ng isang tao sa lipunan.”
A. Ito ay daan upang maging ganap na tao.
B. Maari mong piliin ang iyong seksuwalidad.
C. Walang tiyak na seksuwalidad ang isang tao.
D. Ang seksuwalidad ay sumasalamin sa iyong pagkatao at pagpapakatao.
27. Alin sa sumusunod ang tumutugma sa mensahe ng pahayag na, “Isang hamon sa bawat indibidwal ang
pagbuo ng seksuwalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki”?
A. Hindi magkatugma ang seksuwalidad at pagkatao.
B. Lalaki ay dapat lalaki lamang, at gayundin ang babae.
C. Mahalagang behikulo sa pag-unawa ng pagpapakatao ang seksuwalidad.
D. Hindi itinuturing na ganap na tao kung hindi buo ang kanyang seksuwalidad at pagkatao.
28. Simula nang ikaw ay isilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa kaganapan ng pagkikilala sa
iyong seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa pahayag?
A. kabutihan B. kaganapan C. kakayahan D. kasarian
29. Ano sa mga sumusunod ang may malaking bahagi sa ating pagpapakatao?
A. pagkababae B. pagkatao C. pagkalalake D. seksuwalidad
30. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Ang katawan ng tao, kasama ang kanyang itinakdang kasarian ay
hindi lamang instrumento sa pagpaparami at pagtiyak ng pagpapatuloy ng bawat salinlahi, kundi ito rin ay
daan sa pagpapahayag natin ng pagmamahal.”?
A. Ginagamit natin ang ating kasarian upang magparami.
B. Pinapalaganap natin ang pagiging maka-Diyos upang magparami.
C. Hindi ginagamit ang sekuswalidad para sa hindi kaaya-ayang gawain kaya ito’y napapariwara.
D. Ang ating kasarian at seksuwalidad ay ating taglay upang magmahal ng taos-puso at magpatuloy ng
salinlahi.

31 Magtatapos na sana ng High School si Nimfa. Ngunit nalaman ng kanyang mga magulang na siya ay
buntis. Sa iyong palagay, ano ang mas mainam na gawin ng kanyang mga magulang?
A. Pag-usapan nang mahinahon ang problema.
B. Ilihim ang nangyari upang maka-iwas sa kahihiyahan.
C. Itakwil ang anak dahil nadungisan nito ang kanilang pangalan.
D. Pagalitan ang anak dahil sinira nito ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng
magandang buhay.

32. Ano ang dahilan ng paglaganap at pagdami ng mga napapanahong isyu ng sekswalidad sa lipunan?
A. impluwensya ng medya, telebisyon at internet
B. pagpili ng mga taong makipagsabayan sa uso
C. paglaganap ng mga babasahing naglalaman ng karahasan
D. nakakalimutan ng mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak
33. Ano ang maaring gawin upang maiwasan ang panonood ng mga bata ng malalaswang palabas?
A. Ugaliing samahan ang mga anak sa lahat ng oras ng panonod ng palabas.
B. Hikayatin ang mga anak na maging aktibo sa ibang bagay o gawain na makabuluhan.
C. Pag-iwas sa paglilihim sa mga magulang ng kanilang mga anak.
D. Hayaang pakialaman ng mga magulang ang personal gadgets ng kanilang mga anak upang mas
mabantayan ang kanilang tinitingnan sa internet.
34. Nakita ni Teacher Monica ang mga nagkukumpulang mga bata sa ilalim ng malaking puno. Hindi
napansin ng mga bata ang papalapit na guro, kung kaya ay laking gulat ng guro nang makina na ang
pinapanood ng mga bata ay malalaswang palabas. Ano ang nararapat gawin ni Teacher Monica?
A. Pagagalitan ang mga bata
B. Ipapatawag ang mga magulang dahil sa kanilang maling pagpapalaki sa mga anak
C. Dadalhin ang mga mag-aaral sa Guidance Office pagsasabihan at bibigyan ng tamang paggabay
D. Paparusahan ang mga bata sa kanilang ginawang walang kabuluhan

35. Madalas na naiuugnay ang pahayag na ito sa pagdedesisyon ukol sa premarital sex: “Kung tunay ang
nararamdaman mo, ibibigay mo ang iyong sarili sa akin kahit hindi pa tayo pinag-iisang dibdib.” Bilang
kabataan na may tamang pananaw tungkol sa sekswalidad, ano ang nararapat mong gawin kung
makaririnig ka ng ganitong pahayag mula sa iyong kasintahan?
A. Pumayag sa gusto nito upang mapatunayan ang iyong damdamin.
B. Pagtataasan ito ng boses at isusumbong sa kanyang mga magulang.
C. Magtatanong sa kakilala tungkol sa bagay na ito dahil naguguluhan ka.
D. Masinsinang kausapin ang karelasyon at sabihing hindi ka pa handa sa ganitong uri ng gawain

You might also like