You are on page 1of 1

Department of Education

Region VI Western Visayas


DIVISION OF CAPIZ
DISTRICT OF DUMALAG
DULANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Lagumang Pagsusulit 3 (Ikalawang Markahan )
Pangalan: ______________________________ Taon at Seksyon: _________________ Petsa: __________________
I. Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa bawat aytem at isulat sa patlang ang titik na naglalaman ng
tamang sagot.
1. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
a. Suntukin na lamang ang pader
b. Kumain ng mga paboritong pagkain
c. Huwag na lamang syang kausapin muli
d. Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba
2. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng
iyong kilos?
a. Nailabas mo ang iyong sama ng loob.
b. Hindi na niya inulit ang kanyang ginawa.
c. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti.
d. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan ng iyong kapatid.
3. “Gusto kong tumalon sa tuwa” sambit ni Jimmy. Ano ang angkop na emosyon sa pahayag na ito?
a. Pagkabagot b. Pagkagalak c. Paghahangad d. Pagkatakot
4. Napagsalitaan ka nang hindi masama ng iyong nakatatandang kapatid. Ngunit dahil ayaw mong mas lumaki
pa ang inyong di pagkakaintindihan, pinili mo nalang manahimik kahit nasasaktan ka na. Ano ang dahilan
ng iyong pagtitimpi?
a. Dahil nakatatanda mo syang kapatid
b. Dahil mas mahalagang mapanatili ang inyong magandang relasyon.
c. Dahil ayaw mong kamuhian ka niya
d. Dahil wala ka sa posisyon para magsalita
5. Ikaw ay tuwang-tuwa nang may nakita kang pagkain sa inyong refrigerator. Bagama’t ikaw ay nagugutom
na, pinili mong hintayin ang iyong ina upang tanungin kung kanino ito at kung pwede ba itong kainin. Ano
ang indikasyon sa iyong nagiging kilos?
a. Napamahalaan mo nang wasto ang iyong emosyon c.Hindi ka kakain nang pagkaing hindi sa iyo
b. Takot kang mapagalitan d.Lahat ng nabanggit

II.Panuto: Suriing mabuti ang sitwasyon sa bawat aytem at mula sa kahon ay piliin ang pinakaangkop na emosyon.
Pagkagalit Paghahangad Pag-iwas Pag-asa

Pagkatuwa Pagkatakot Pagkamuhi

__________________1. Dahil gustong makaahon sa kahirapan ni Juliet, nagsusumikap siyang


makapagtapos ng pag-aaral.
__________________2. Ni anino ni James ay ayaw makita ni Nadz.
__________________3. Hanggang tenga ang ngiti ni Jose nang malamang nakapasa siya sa eksam.
__________________4. Matindi ang pananampalataya ni Maria, ni minsan hindi siya natinag sa
kanyang paniniwalang sa tamang panahon ay magkakaroon din sila ng anak ng
asawang si Wally.
__________________5. Sa tuwing magkakasalubong ang dating magkasintahang si Ben at Benna ay
hindi sila nagbabatian.

III.Performance Task (5 points) – Reflection


Panuto: Sumulat ng isang repleksyon kung paano ka naiimpluwensiyahan sa emosyong hindi mo
napamahalaan ng wasto.
Rubriks sa Pagmamarka

Napakahusay Medyo Mahusay Nangangailan ng Pag- Nangangailan ng


(5pts) (4pts.) unlad Pag-unlad (3pts.)
(3pts.)
Nakapagsulat ng 3 angkop Nakapagsulat ng 2 angkop Nakapagsulat ng 1 Hindi angkop ang
na pangungusap na na pangungusap na angkop na pangungusap pangungusap na
naglalarawan ng iyong naglalarawan ng iyong na naglalarawan ng naglalarawan sa
karanasan kung paano ka karanasan kung paano ka iyong karanasan kung karanasan kung paano ka
naimpluwensyahan ng naimpluwensyahan ng paano ka naimpluwensyahan ng
emosyong hindi mo emosyong hindi mo naimpluwensyahan ng emosyong hindi mo
napamahalaan ng wasto. napamahalaan ng wasto. emosyong hindi mo napamahalaan ng wasto.
napamahalaan ng wasto.
(Isulat sa isang pirasong papel)

You might also like