You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-B MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
LUMANGBAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Baco

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Petsa: Setyembre 24, 2019 Taon/Pangkat:8-Masunurin


Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Oras:1:50-2:50 PM

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa sa mga konsepto tungkol sa emosyon tungo sa mabuting
pakikipagkapwa.

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na


kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

1. Napangangatuwiranan na:
a. Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng
mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa.
b. Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong
upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot
at galit. EsP8P-IIf-7.3 2.
2.Nakabubuo at nakapagpapaliwanag ng emotional intelligence.
3. Nakapagpapahayag ng damdamin kung bakit mahalaga ang pagtataglay ng
mga birtud sa wastong pamamahala ng emosyon.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Modyul 7: Emosyon


B. Sanggunian: LM. pp. 175-177;180-188
Iba pang Kagamitang Panturo:
https://m.youtube.com/watch?v=xNY0AAUtH3g
https://www.youtube.com/watch?v=MepJp7KpaH4

C. Mga Kagamitan: Laptop


TV
Powerpoint Presentation

D. Integrasyon sa Ibang Asignatura : Filipino


English (video)
Science

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid
4. Pagtala ng Lumiban

B. PAGBABALIK-ARAL
Sa ating nakaraang talakayan, inyong natutunan ang uri ng
pakikipagkaibigan at kahalagahan ng pagpapatawad.Para
sa inyo, gaano ba kahalaga ang pagpapatawad?
C. PAGHAHABI NG LAYUNIN
Gawain 1: Guess that Emotion Game
(Ipapakita ng guro ang mga emoticons at sasabihin kung
anong emosyon ang ipinapakita nito)

D. PAG-UUGNAY NG HALIMBAWA Tataas ang kamay ng mga mag-


1. Ano ang karaniwang emosyon ang iyong nararanasan at aaral na gustong sumagot sa mga
naipapakita? katanungan ng guro.
2. Ano ang kahalagahan ng pag-unawa nito sa ating pang-
araw-araw na buhay?
3. Sa inyong palagay, saan ba nagmumula ang ating
emosyon?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #1

Ipapakita ng guro ang video tungkol sa emosyon.


(“Emotions and the Brain”)

https://m.youtube.com/watch?v=xNY0AAUtH3g

Ano ang inyong natutunan sa video?

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #2

 Mga Apat na Uri ng Damdamin


 Mga Pangunahing Emosyon
 Paano napapaunlad ng EQ ang tao?

Ipapakita ng guro ang video (Emotional Intelligence by


Daniel Goleman )
(https://www.youtube.com/watch?v=MepJp7KpaH4) 1. Mahalaga ang Emotional
Intelligence sa pagkamit ng
1. Ano ang kahalagahan ng Emotional Intelligence? tagumpay ng isang tao.
2. Paano napapaunlad ng EQ ang tao? 2. a. Pagkilala sa sariling emosyon.
b.Pamamahala sa sariling
emosyon.
c. Motibasyon
d. Pagkilala at pag-ugnawa sa
damdamin ng iba.
e. Pamamahala ng ugnayan.
G. PAGLALAPAT
. (Pangkatang Gawain)
Panuto:
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
2. Basahin ang bawat sitwasyon sa loob ng speech
balloon.
3. Isaisip na sa inyo nangyayari ang sitwasyon. Bigyan
ang bawat isa ng gampanin sa magiging pag-uusap.
4. Gamit ang powerpoint, buuin ang usapan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag upang
maipakita ang iyong magiging damdamin kung
maharap ka sa ganitong sitwasyon. Gawing gabay ang
unang bilang.
H. PAGLALAHAT. Ang matalinong paghusga o ang may
mataas na emotional quotient ay hindi lamang tumutukoy sa
kung ano ang dapat gawin ng tao sa paglutas sa mga krisis o
suliranin sa buhay kung hindi kakayahan ring makagawa ng
pasya sa napapanahong paraan.

IV. PAGTATAYA
Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit
pang pangungusap na nagpapaliwanag tungkol sa
kahalagahan ng emotional intelligence sa paghubog ng iyong
pagkatao gamit ang sumusunod na kraytirya. (gawin sa loob
ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

SALVACION F. UNTALAN
TEACHER I
Inobserbahan ni:

ERIC M. ANDAYA
HTIII/TIC

You might also like