You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII- Eastern Visayas
DIVISION OF BILIRAN
TABUNAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Baitang/Antas 8 Einstein
Pang-araw-araw na Guro Viviene Ann B. Estanislao Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa August 23 Markahan Ikalawa
I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang pangkatang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga ma
kabataan sa paaralan o pamayanan.
C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa at ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng pa
Pagkatuto. ugnayan sa kapwa. EsP8P-IIa-5.1
2. Nakapagsasagawa ng isang talaang tumutukoy sa kasalukuyang kalagayan ng kani-kanilang kaka
pakikipagkapwa.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng mabuting pakikipagkapwa.
II. Nilalaman Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa
1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 79-83
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag- Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 103-113
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
B. Iba pang Kagamitang Telebisyon, laptop, bond paper, pencil
Panturo
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang A. Talakayin ang panimula sa Modyul 5. Iugnay ang kasalukuyang aralin tungkol sa kahalagahan ng
aralin at pagsisimula ng pakikipagkapwa sa nakaraang aralin na tumalakay sa papel na panlipunan at pampolitikal ng
bagong aralin pamilya. Tumawag ng 2 mag-aaral at sagutin ang sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 2
minuto) (Reflective Approach)

1. Masasabi mo bang maaari kang mag-isa sa mundo?


2. Ito ba ay posible? Pangatuwiranan.
3. Paano magiging makabuluhan ang iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa?
4. Paano ka makatutugon sa pangangailangan ng mga kapwa mo mag-aaral o kabataan sa paaralan
o pamayanan?
B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa
notbuk ang titik ng pinakatamang sagot. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kanyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kanyang pangangailangan.

2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________


a. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. Nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. Pagtrato sa kanya nang may paggalang at dignidad.
d. Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa
_______________.
a. Kakayahan ng taong umunawa
b. Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d. Pagtulong at pakikiramay sa kapwa

4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng


_________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. Hanapbuhay
b. Libangan
c. Pagtutulungan
d. Kultura
5. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan
b. Pangkabuhayan
c. Politikal
d. Intelektuwal

6. Nalilinang ng tao ang kanyang ________ sa pamamagitan ng kanyang pakikiisa at


pakikibahagi sa mga samahan.
a. Kusa at pananagutan
b. Sipag at tiyaga
c. Talino at kakayahan
d. Tungkulin at karapatan

7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.


a. Kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. Kakayahan nilang makiramdam
c. Kanilang pagtanaw ng utang na loob
d. Kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot

8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?


a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:


a. Naipakikita ang kakayahang makipagdiyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kanyang kapwa ang tunay na pagkalinga.

10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?


a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

C. Pagkatapos iwasto ang kanilang sagot, gamiting gabay ang resulta ng pagsusulit upang mataya
ang mga konseptong nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay.
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa at ang kahalagahan ng
pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
2. Nakapagsasagawa ng isang talaang tumutukoy sa kasalukuyang kalagayan ng kani-
kanilang kakayahan sa pakikipagkapwa.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng mabuting pakikipagkapwa.

B. Ipakita ang bawat larawan gamit ang PowerPoint Presentation. Tumawag ng 5 mag-
aaral na tutukoy sa tungkuling ginagampanan sa lipunan ng mga tao sa larawan at sagutin
ang tanong na: Maituturing ba ninyong kapwa ang mga taong ipinakita sa mga larawan?
Bakit?
(gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang PowerPoint Presentation, magsagawa ng isang talaang nagpapakita ng
halimbawa sa bagong aralin kakayahang maisakatuparan ang isang makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa.
Pasagutan ng buong katapatan ang bawat pahayag sa pamamagitan ng pagsuri ng sariling
kakayahan kung ang mga pahayag ay ginagawa Palagi, Madalas, Paminsan-minsan o Hindi
Kailanman. Kopyahin sa notbuk ang talaan at lagyan ng tsek (/) ang sagot. (gawin sa loob
ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
D. Pagtalakay ng bagong Buuin ang isang puzzle na ipakikita ng guro sa inihandang PowerPoint Presentation.
konsepto at paglalahad ng Hanapin at tukuyin ang sampung salitang maituturing mong kapwa. Maaaring ang mga
bagong kasanayan #1 titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik o padayagonal. Isulat sa notbuk at sagutin ang
sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
1. Nakuha mo ba ang lahat ng sagot?
2. Maliban sa kanila, sino-sino pa ang iyong itinuturing na kapwa?
E. Pagtalakay ng bagong Gabay ang Worksheet 1 na ipakikita sa PowerPoint Presentation, iguhit ang dyip at isulat
konsepto at paglalahad ng sa bondpaper ang pangalan ng mga taong itinuturing mong kapwa. Gamitin ang pagiging
bagong kasanayan #2 malikhain sa pagguhit ng larawan sa pamamagitan ng paglalagay ng kulay dito. Maaari
ring gumuhit ng karagdagang kasama sa dyip. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist Approach)

F. Paglinang sa Kabihasahan Gamit ang resulta ng katatapos na gawain, ipakikilala ng bawat mag-aaral ang mga taong
(Tungo sa Formative naitala sa iginuhit nilang larawan. Gabay ang sumusunod na tsart, punan ito ng kaukulang
Assessment) impormasyon. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Pangalan Siya ay aking: Natulungan ko siya sa: Tinulungan niya ako sa:
1
2
3
G. Paglalapat sa aralin sa Isagawa ang Think-Pair-Share. Ang bawat mag-aaral ay hahanap ng isa pang kapwa mag-
pang-araw-araw na buhay aaral o kaibigan na pagbabahagihan ng resulta ng kanilang katatapos na gawain. Itala sa
notbuk ang mahahalagang pangyayari na naganap sa ginawang pagbabahagi tungkol sa
ginagampanan ng kapwa sa iyong buhay. Gamiting gabay sa pagsulat ang sumusunod na
tanong. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
a. Sino-sino ang itinuturing mong kapwa? Gaano sila kahalaga at ano ang bahaging
ginagampanan nila sa iyong buhay?
b. Kaya mo bang mabuhay nang walang kapwa? Sang-ayon ka ba sa pahayag na “No man
is an
island?” Ipaliwanag.
c. Ano ang iyong nararamdaman kapag tinutulungan ka ng iba sa iyong mga
pangangailangan? Ano
ang iyong nararamdaman kapag nakatutulong ka sa iba?
d. Maliban sa mga taong isinulat mo sa Worksheet 2, sino-sino pa ang itinuturing mong
kapwa at
paano mo sila paglilingkuran?
H. Paglalahat sa aralin Ang kapwa ay taong labas sa iyong sarili, maaaring iyong magulang, kamag-anak, kaibigan,
kaklase at pati na rin kaaway (Agapay, 1991). Ang pagtukoy at pagkilala sa mga taongs
itinuturing mong kapwa ang simula ng paglinang sa intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal na aspekto ng iyong pagkatao.
I. Pagtataya ng aralin Sumulat ng islogan tungkol sa “Kahalagahan ng Kapwa” gabay ang sumusunod na
kraytirya. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa - 40%
b. Paggamit ng Salita - 30%
c. Orihinalidad - 20%
d. Kalinisan - 10%
J. Karagdagang gawain para Magsaliksik sa internet, diyaryo, mga pahayagan at magasin ng mga balita na naglalathala
sa takdang aralin at ng mga ginawang kabutihan ng kapwa na walang hinihintay na kapalit. Maghanda para sa
remediation pagbabahagi sa klase.
IV. Pagtatala at
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like