You are on page 1of 4

Lesson Plan

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa Baitang 8

MODYUL 13: Ang Seksuwalidad ng Tao

I. Yunit IV Mga Isyu sa Pakikipagkapwa


Paksa Modyul 13: Ang Seksuwalidad ng Tao
Sanggunian Bognot, R.M.,et.al. 2013 Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong Baitang. Pasig
City: Vibal Publishing, Inc.
Kagamitan Laptop, LCD projector, chalk, activity paraphernalia
Batayang Konsepto Ang pag-unawa sa mga paglabag sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa
paggamit ng kalayaan tungo sa paggalang ng dignidad ng sarili at kapwa.
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa
sekswalidad ng Tao.
Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa
susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang
bokasyon na magmahal.

II. Mga Layunin

A. Mga Kasanayang Pampagkatuto

KP1. Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa seksuwalidad

KP2. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa seksuwalidad.
KP3. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa seksuwalidad ay mahalaga para sa
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad
niya sa kanyang bokasyon na magmahal.
KP4. Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal. B. Mga
Layunin sa Pagtuturo at Pampagkatuto

1. Nabibigyan ng tamang pakahulugan ang sekswalidad; 2. Natatalakay ang ilang napapanahong


isyu na may kinalaman sa seksuwalidad; 3. Napatutunayan na ang pagkakaroon ng tamang
pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng
isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal. 4.
Nakapaninindigan na magsasagawa ng mga kilos upang mapangalagaan at mapaunlad ang
sariling seksuwalidad sa pamamagitan ng pagiging responsableng nagdadalaga at nagbibinata.

DAY 1

III. Paunang Pagtataya

Panuto: Ang mga mag-aaral ay aanyayahang sumagot sa isang love quiz. Sasagot sila ng “Push”
kung sila ay sumasang-ayon sa mga pahayag, at “Hay nako” naman kung hindi sila sang-ayon.

LOVE QUIZ 1. “Love at first sight” 2. Alam na alam ko ang pagkakaiba ng “True love” sa
“Puppy love” 3. Ang mga taong tunay na nagmamahalan, hindi nag-aaway 4. Naniniwala ako na
may taong naka-destiny na para sa akin 5. Kung ang isang lalaki at babae ay tunay na
nagmamahalan, hindi sila masisira at maaapektuhan ng mga pagsubok na dadating sa kanilang
relasyon. 6. Mas okay ng magpakasal sa maling tao kaysa maging single habang buhay. 7.
Naniniwala ako na hindi naman makasalanan makipagtalik sa aking minamahal kahit hindi pa
kami kasal 8. “May Forever” 9. Panliligaw? Di na uso yan! 10. Ang teenager na tulad ko ay mas
may kakayahang magmahal ng tunay kaysa sa mga nakakatanda.

IV. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pampagkatuto


A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Panuto: Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo, grupo ng mga babae at lalaki. Ang dalawang
grupo ay guguhit ng larawan at bibigyan ito ng deskripsyon. Ang larawang kanilang iguguhit ay
ang katapat nilang kasarian. Ang mga lalaki ay guguhit ng larawan ng babae, habang ang mga
babae naman ay ang sa larawan ng lalaki. Ang deskripsyong ilalagay ay maaaring tungkol sa
mga katangian ng mga ito, pisikal man o personalidad.

Mga Tanong: 1. Naging madali ba ang pagsasalarawan ng katapat na kasarian? Bakit? 2. Ano
ang naging batayan niyo sa pagsasalarawan? Ipaliwanag. 3. Bilang isang babae o lalaki na
inilarawan, kayo ba ay sumasang-ayon sa paglalarawang ginawa sa inyo? Bakit oo, bakit hindi?
4. Batay sa gawain, ano ang kahulugan ng seksuwalidad?

B. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa

Gawain 1: LOVE NOTES

Panuto: Magkakaroon ng dalawampung (20) boluntaryo mula sa klase, sampung kababaihan at


sampung kalalakihan, na magpapanggap bilang mga radio DJ’s. Ang mga napiling radio DJ’s ay
magbibigay ng payo sa mga love notes na may kinalaman sa seksuwalidad na ipapakita ng guro
sa harapan. Dapat siguraduhin ng mga radio DJ’s na ang payo na kanilang ibibigay ay
makakabuti para sa mga taong humihingi ng tulong sa love notes.

Dear: _____________________,
Anong masasabi mo sa mga magkasintahang sobrang PDA na kahit ang dami daming tao sa
paligid, todo halikan at yakapan pa rin sila. Anong say mo dito?

Love,
-------------------------------------------------
Ms. Observer

Dear: _____________________,
Inaasar po ako ng mga classmates ko na “ako na lang ang natitirang virgin sa mundo”. Hindi na
raw uso ang virgin. Ayokong maleft-out. Anong dapat kong gawin?

Love,
-------------------------------------------------
Babes

Dear: _____________________,
My girlfriend and I are grade 8 students. Kahapon nagpunta kami sa doctor at napag-alaman
namin na 2 months pregnant na pala ang girlfriend ko. Anong gagawin namin? Please help.

Love,
-------------------------------------------------
Jack and Jill

Dear: _____________________,
Simula ng sinagot ko si Ryan, bumaba lahat ng grades ko. I can’t concentrate kasi eh- he is
always in my mind. Tell me what to do.

Love,
-------------------------------------------------
Ms. Seventy-Three
Dear: _____________________,
Inaaya ako ng boyfriend ko na makipagtalik sa kanya. Sabi niya sakin, ito lang daw ang paraan
para mapatunyan kong mahal ko talaga siya. Ayokong mawala siya sa akin.

Love,
-------------------------------------------------
Ms. P.M.S.

Dear: _____________________,
Ang problema ko ay galit nanaman kami ng girlfriend ko because she wants me to visit her in
their home. Bakit ganoon eh, niligawan ko at pinasagot ko lang naman siya sa phone tapos
pinapapunta pa niya ako sa bahay nila. Bad trip talaga!!!

Love,
-------------------------------------------------
Goliath
Dear: _____________________,
I have a big crush on my classmate, Amanda. Gustong gusto ko siyang ligawan pero
kinakabahan ako. Sa palagay mo, anu-ano ba ang qualities na hinahanap ng babae sa isang
lalaking tulad ko?

Love,
-------------------------------------------------
Mr. Maginoo

Dear: _____________________,
My boyfriend and I spend most of the time hugging, kissing, and touching. Minsan lang namin
pag-usapan ang mga plano namin sa buhay pati na din ang future. Palagi na rin ako
nagsisinungaling sa mga magulang ko makasama ko lang siya. It seems that I am losing control
but I can’t resist him. Send your advice right away please!!!

Love,
-------------------------------------------------
Miss Philippines

Dear: _____________________,
Ngayong Saturday, meron akong big date. Sa totoo lang, ito ang first time kong makipagdate sa
babaeng gusto ko. Can you recommend me places kung saan ko siya pwedeng dalhin?

Love,
-------------------------------------------------
Mr. First Time

Dear: _____________________,
Inaaya ako ng mga barkada ko na manood ng porn sa bahay ng isa naming kaibigan. Lahat daw
ng mga tunay na lalaki dapat manood non. Ayokong matawag na di tunay na lalaki, dapat ba
akong sumama?

Love,
Mr. Matcho Guy

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang naramdaman mo habang nagbibigay ka ng advice? 2. Ang
mga naging payo ba ng mga kamag-aral mo ay naging katanggap-tanggap? Bakit oo? Bakit
hindi? 3. Saan patungkol ang mga love notes o problema sa ating gawain? 4. Paano naapektuhan
ng mga ganitong problema ang mga kabataan? 5. Sa iyong palagay, bakit kaya nararanasan ng
mga kabataan ang mga ganitong problema? 6. Bilang isang mag-aaral, anong mga paraan ang
handa mong gawin upang mapangalagaan at mapaunlad ang sariling seksuwalidad?
Takdang-Aralin:
Basahin at unawaing mabuti ang talakayan tungkol sa seksuwalidad ng tao. Ito ay makikita sa
pahina 352-363 ng inyong modyul.

DAY 2 C. Pagpapalalim

Tanong: Bakit mahalaga ang tamang pananaw sa seksuwalidad?

Ang Seksuwalidad ng Tao * Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap
na babae o lalaki. * Ang seksuwalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao –
lalaki o babae – na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakayahan lamang.
Sex Drive o Libido * Ang libido, sa pangkaraniwang paggamit ng salita, ay nangangahulugang
simbuyo, udyok, gana o pagnanasang seksuwal ng tao. * Ang seksuwal na pagnanasa ng tao ay
maaari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa kaniyang pagkatao. * “Ang udyok o
pagnanasang seksuwal ng tao ay isang katotohanang kailangang kilalanin at tanggapin bilang
bukal ng likas na enerhiya” – Pope John Paul II
Ang Puppy Love * Madalas mapagkamalang tunay na pagmamahal. * Maaaring bunga ng
sensuwalidad, na pinupukaw ng mga pandama (senses) at damdamin na tinatawag na sentiment
na bunsod naman ng emosyon.
Paggamit sa Kapwa at Pagmamahal * Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang
magmahal. * Mahahalagang elementong isinasaalang-alang ang tunay na pagmamahal. * Una,
tinitingnan mo ang minamahal bilang kapares at kapantay. * Ikalawa, iginagalang ninyo kapwa
ang dignidad at kalayaan ng bawat isa.
Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal * Ang kalinisang puri ay isang pagkilos – pag-oo at pag-
hindi; pag-oo sa pagkatao ng tao. * Ang birtud na ito ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan
ang minamahal bilang isang bagay. * “Ang taong may kalinisang puri lamang ang may
kakayahang magmahal ng tunay.” – Pope John Paul II.
Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod * Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog
ng buong pagkatao sa minamahal. Pagpapakasal ang palatandaan ng paghahandog ng pagkatao
sa minamahal.

Ang Pagmamahal ay Isang Birtud * Ang pagmamahal ay nangangailangan ng paglinang at


pagkilos upang mapaunlad ito. Laging ang tugon dito ay ang ikabubuti ng minamahal at ng
dalawang taong ngayon ay pinag-isa. * Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal kung sa
paglipas ng panahon ay lalo pang napapabuti nito ang mga taong nagmamahalan. * Pisikal
(pagsisilang ng sanggol) * Ispirituwal (ang mabuhay bilang biyaya na nagbibigay-buhay din sa
iba)

D. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto

Pagganap: Kontrata ng pagiging Responsable


Panuto: Aanyayahan ang mga mag-aaral na sabay-sabay basahin at analisahin ang pahayag mula
sa Pro-Life Philippines tungkol sa pagiging responsableng babae at lalaki. Mula sa babasahin ay
sasagutan ng mga mag-aaral ang kontrata ng pagiging responsable.

Pagninilay
Magpost sa facebook page ng lalalalalife and lalalalalove ng lahat ng iyong natutunan mula sa
aralin at i-share din ito sa iyong sariling timeline. V. Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin ang mga salitang may salungguhit kung Tama o
Mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
TAMA 1. Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki.
MALI 2. Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang pagpili.
MALI 3. Ang birtud na pagmamahal ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang minamahal
bilang isang bagay.
TAMA 4. Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao sa
minamahal.
TAMA 5. Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal kung sa paglipas ng panahon ay lalo
pang napapabuti nito ang mga taong nagmamahalan.

VI. Takdang Aralin Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa mga natuklasan mo tungkol sa
iyong sarili pagkatapos mong malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa seksuwalidad ng
tao.…...

You might also like