You are on page 1of 6

GRADE 1 to 12 School Lindawan National High School Grade Level 8

DAILY LESSON LOG Teacher Joan Bayangan Learning Area ESP


Teaching Dates and Time March 28,2023 Quarter Third Quarter

I. LAYUNIN 1.Naipapaliwanag ang katangian at pagkakaiba ng Sex, Gender at SOGIE


2.Natutukoy ang iba’t ibang kasarian ayon sa SOGIE
3. Nakakagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay
ng tao bilang kasapi ng pamayanan

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag - aaral ang pag -unawa sa mga konsepto sa sekswalidad ng Tao.

B. Pamantayang Pagganap . Naisasagawa ng mag - aaral ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at
nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.
C. Mga Kasanayang Pagkatuto 13.1 Natutukoy ang tamang pagpaqpakahulugan sa sekswalidad EsP8IPIVa - 13.1
Isulat ang code ng bawat kasanayan
II. NILALAMAN Konsepto ng Sex, Gender at ng SOGIE

III. KAGAMITANG PANTURO Laptop, TV, Board


A. Sanggunian Esp modyul 8
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Pages 404
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- Pages 407
aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk Pages 404-407
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo


IV. PAMAMARAAN Talakayan
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin Balikan natin an gating napag-aralan sa huling leksiyon na ating napag-usapan.
at/o pagsisimula ng bagong aralin Tanong:
1. Ano ang huling tinalakay natin na aralin noong nakaraang lingo?
2. Magbigay ng paraan kung paano natin igalang ang ating mga magulang, nakakatanda at may otoridad.

Bago natin tukuyin ang layunin at ang aralin natin sa araw na ito ay kayo muna ay aking hahatiin sa limang grupo ayon sa
grupo ninyo sa Cleaning schedule. Kayo ay mahahati sa limang grupo. Ito ngayon ang magsisilbing grupo niyo mula sa
umpisa ng Gawain hanggang sa huling Gawain.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Activity 1: Salita ko! Hulaan mo!
Panuto: Ang bawat grupo ay bibigyan ng mga hiwa-hiwalay na letra ng salitang sekswalidad ito ay kanilang bubuoin para
lumabas ang salitang sekswalidad.
Clue: Ang salita ay may kaugnayan sa kabuoan ng ating pagkatao na nagsisismula sa letter S.
Tanong:
1.Sinong grupo ang unang nakakuha ng sagot?
2. Maari bang ipaliwanag niyo ang inyong sariling pakahulugan sa nabuo niyong salita?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin Pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng sekswalidad

Activity 2: Simbolo- Hulaan mo


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Panuto: Ang guro ay magpapakita ng simbolo ng lalaki,babae at LGBTQAI+
paglalahad ng bagong kasanayan #1

Tanong:
1. Nakakita na ba kayo ng mga simbolong ito?
2. Ano ang sinisimbolo ng unang larawan?
3. Ano naman ang sinisimbolo ng pangalawa at pangatlong larawan?
4. Ano ang mensahe ng mga ito?
Activity 3: Para ba kay Inday o Kay Dodong
Panuto: Magpapakita ang guro ng mga larawan na mabibili sa abot kaya commercial at tutukuyin ng mga mag-aaral kung
ano ang particular na bagay na ito , ito ba ay para sa lalaki o para sa babae. Pag ito ay para sa lalaki, tatayo ang mga mag-
aaral na lalaki, kung ang bagay ay para sa mga babae tatayo naman ang mag-aaral na babae.
Pamprosesong tanong:

1.Alin sa mga larawan ang para sa mga lalaki, banggiti ang mga ito.

2. Alin naman sa mga larawan ang para sa babe?

3. Paano niyo nasabi na ang mga bagay nay un ay para sa mga lalaki at para sa mga babae, ito ay nakita, naranasang
gamitin?

4. Ano ngayun sa tingin niyo ang magiging talakayan natin sa araw na ito?

Activity 4: Katangian ni Adan at Eba


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2

Kilala niyo ba kung sino si adan at kung sino si Eba?


Ano ang masasabi niyo tungkol sa kanila?
 Tama si adan ay lalaki at si eba ay babae
Activity 5:
Panuto: Tutukuyin ng mga mag-aaral ang bawat bayolohikal at pisikal na katangian na makikita lamang sa mga lalaki, at
katangiang pisikal na makikita sa bawat babae, pagkatapos ay inaanyayahan ang mga mag-aaral na magbahagi ng
kanilang kasagutan.(60 seconds)

Pamprosesong Tanong:
1. Sa tingin niyo ang mga katangian ba ay tumutukoy sa sex o Gender?
2. Paano niyo nasabi?
Pagtalakay sa depinisyon ng sex
Activity 6: Gender Roles
Panuto: Ang bawat grupo ay magbabahgi ng mga Gawain na mga Gawain na kadalasang ginagawa ng lalaki at gawaing
kadalasang ginagawa ng babae
Pamprosesong Tanong:
1. Yung mga nabanggit niyong Gawain, anong kayegorya natin siya ihahanay sa sex o sa gender?
 Pagtalakay sa depinisyon ng gender

F. Paglinang sa Kabihasnan Activity7: Flag ko, Hulaan mo


(tungo sa Format ive Assessment) Panuto: Tukuyin kung kanino o para saang grupo ang gumagamit ng particular na flag na ito

Pamprosesong Tanong:
1.Kaninong grupo ang sumisimbolo sa flag na yan?
2. Ano ang ibig sabihin ng mga kulay na yan sa mga LGBTQ?
 Pagtalakay sa ibig sabihin ng mga kulay sa lgbtq flag
 Pagtalakay sa depinisyon ng SOGIE
 Mainit na Rosas - Kasarian

 Pula - Buha
 Kahel - Paglunas

 Dilaw - Sikat ng araw



 Berde - Kalikasan

 Turkesa - Sining

 Indigo - Pagkakaisa
 Lila – Espiritu
Gilbert Baker designed the rainbow flag for the 1978 San Francisco's Gay Freedom Celebration. In the original
eight-color version, pink stood for sexuality, red for life, orange for healing, yellow for the sun, green for nature,
turquoise for art, indigo for harmony and violet for the soul. The original flag’s hot pink and turquoise
stripes were soon removed because of difficulty manufacturing and/or dying the fabric, resulting in the six-
color rainbow flag we are familiar with today.
G. Paglalapat ng Aralin sa pang-Araw-araw na Ngayong nalaman niyo na ang depinisyon o kahulan ng sex, gender at sogie at kung ano ang pagkakaiba ng sex
buhay sa gender, ngayun naman ay gagawin niyo ang huling activity
Activity 8: Talento ko, Pakita ko
Panuto: Kayo ngayon ay gagawa ulit ng gawin as a group, at kayo ay magpapakita ng malikhaing presentasyon
na nagpapakita kung paano natin pinapahalagahan ang ating kasarian o kaya ay kung paano natin igalang
anuman ang kasarian ng ating kapwa. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng Tula, awit, slogan, sayaw,tiktok,
maaari ding gawin ito sa sariling linggwahe na naisin na mapag uusapan ng bawat grupo.
( Pagkatap0s ng 7 minutes)
 Presentasyon ng bawat grupo

H. Paglalahat ng Aralin 1.Ano ang napakahalagang natutunan niyo sa aralin natin ngayun?
2. Maliban sa ipinakitang presentasyon, paano ba natin ipapakita an gating paggalang sa iba’t- ibang kasarian
lalong lalo na sa mga kabilang sa LGBTQ?
I.Pagtataya ng Aralin At para masubok kung naintindihan an gating napag-usapan ay sagutin ang mga sumusunud na katanungan,
gamitin ang placard sa pagsagot.
Panuto:isulat ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunud na katanungan
1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian
na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae at lalaki?
A. bi-sexual B. transgender C. gender D. sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakdang lipunan para sa mga babae at
lalaki.
A. Sex B. gender C. bi-sexual D. transgender
3. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian
ngunitakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian.
Ano ang tawag sa isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan at ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma?
A. bakla B. lesbian C. transgender D. homosexual
4.Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae
sa lalaki.
A. sex B. gender C. bakla D. tomboy
5.. Ito ay tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
A. tomboy B. bakla C. gender D. sex
6.Ano ang ibig sabihin ng SOGI?
A. sexual organization general identity
B. sexual orientation at gender identity
C. sexual ob-gyne interactions
D. sexual org-gen incorporated
7. Tawag sa mga taong nagnanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. heterosexual B. homosexual C. tomboy D. bakla
8-10- Magbanggit ng tatlong kulay na nasa LGBTQ flag at ibig sabihin nito
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin
at remediation

V. Mga Tala

VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?Bilang ng Mag-aaral na nakaunawa sa aralin.


D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Binigyang Pansin ni:

STEPHEN C. DORIANO
SCHOOL HEAD

You might also like