You are on page 1of 4

BANGHAY- ARALIN SA ESP 8

(COT THIRD QUARTER)

I. LAYUNIN
A. CONTENT STANDARD: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsunod at paggalang
sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.

B. PERFORMANCE STANDARD: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos ng pagsunod


at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensya sa kapwa
kabataan na maipamalas ang mga ito.

C. LEARNING COMPETENCY: Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang,


nakatatanda at may awtoridad (EsP8PB-IIIc-10.2)

II. NILALAMAN
A. Modyul 10: Pagsuno at Paggalang sa mga Magulan, Nakatatand, at may Awtoridad

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pp.256-287
B. Karagdagang Kagamitan: laptop, TV, video clip ng pelikulang Anak, mga larawan

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Balik-aral
Sabihin: Magbigay ng isang palakpak kung tama ang isinasaad ng pahayag. Dalawang palakpak
naman kung mali.
1. Ang ating nakaraang aralin ay tungkol sa pasasalamat.
2. Ang kabaliktaran ng pasasalamat ay tinatawag na “entitlement mentality”
3. Ipahayag lamang natin ang pasasalamat sa mga nakagawa ng kabutihan sa atin.
4. Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawaib ang mga
nagpapasalamat kaysa sa mga hindi.
5. Ang taong may kabutihang loob ay naghihintay ng kapalit.

d. Paglalahad
Sabihin: Sa araw na ito, ang ating paksa ay “Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,
Nakatatanda, at mga Awtoridad.” Narito ang ating layunin:

1
 Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad

e. Pagganyak
Sabihin: Magpapakita ng mga larawan. Magthumbs up kung ito ay nagpapakita ng paggalang.
Thumbs down naman kung pagpapakita ng kawalan ng paggalang.

B. AKTIBITI
 Sabihin: Upang mas maintindihan natin ang aralin, panoorin ang ilan sa mga eksena sa
pelikulang “Anak.”
 Bago manood, magbigay ng synopsis tungkol sa pelikula.
 Igrupo ang klase sa apat na pangkat. Sabihin na ang bawat pangkat ay magpapahayag ng
kanilang reaksiyon tungkol sa pinanood na clip.
 Pagkatapos ipanood ang pelikula, ibabahagi ng bawat grupo ang kanilang reaksiyon.

C. ANALISIS
 Itanong:
1. Ano-ano ang paglabag sa paggalang at pagsunod ang ipinakita sa pelikula? Bakit kaya
nangyari ang mga bagay na ito? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, tama ba ang ipinakitang pagrerebelde ni Carla? Pangatwiranan.
3. Ano ang naging resulta ng paglabag na ginawa ni Carla sa mga tagubilin ng kaniyang ina?
Ipaliwanag.
4. Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Carla kung ikaw ang nasa sitwasyon niya? Ipaliwanag.

D. ABSTRAKSIYON
2
 Sabihin: Tulad ni Carla, isang malaking hamon para sa mga kabataang tulad ninyo ang
pagpapanatili at pagpapatibay ng mga birtud ng paggalang at pagsunod sa mga
magulang, nakatatanda, at may awtoridad.
 Magkaroon ng pagtatalakayan sa mga gawain nagpapakita ng paglabag sa magulang,
nakatatanda, at awtoridad.
 Paglabag sa paggalang sa magulang
Pagsuway sa kanilang utos
Pagsagot sa mga magulang
Hindi pakikinig sa kanilang sinasabi
Pagmumura o pagsasabi ng masama sa magulang
 Paglabag sa paggalang sa awtoridad
Pambabastos
Pagsagot sa nakatatanda kahit hindi tama
Paglabag sa mga panuntunan ng gobyerno
Pangloloko kahit na nakasasakit na ng ibang tao
 Paglabag sa paggalang sa nakatatanda
Pagsagot ng pabalang
Pakikialam/pagsingit sa usapan ng mga nakatatanda
Pagdadabog
Pagmumura sa kausap/ magulang/ nakatatanda
 Itanong: Ano-ano ang mga paraan na dapat mong gawin upang maiwasan ang paglabag sa
paggalang sa mga magulang? Nakatatanda? Awtoridad?

E. APLIKASYON
 Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Sulat ni Nanay at Tatay.” Magpatugtog ng instrumental
music habang nagbabasa ang mga bata.
 Pagkatapos magbasa, itanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos basahin ang sulat? Ipaliwanag
2. Ano-ano ang iyong mga reyalisasyon?
3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal
ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad?

F. EBALWASYON
PANUTO: Punan ang graphic organizer. Isulat sa unang hanay ang mabuting dulot ng pagsunod sa
magulang, nakatatanda, at awtoridad. Sa kabilang hanay naman, isulat ang maaring maging epekto
sa paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda, at awtoridad.
3
Mga Mabuting Dulod ng Pagsunod sa Epekto ng Paglabag sa Paggalang sa
Magulang, Nakatatanda, at Awtoridad Magulang, Nakatatanda, at Awtoridad

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

V. TAKDANG- ARALIN
PANUTO: Gumawa ng liham para sa iyong magulang o sa kung sino mang nakatatanda na naglalahad
ng iyong gagawing pagsusumukap na maisabuhay ang mga birtud ng paggalang at pagsunod.

VI. REMARKS

VII. REFLECTION

You might also like