You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

I. Layunin:
a. Nakikilala ang mga uri, sanhi, at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan.
b. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at pagmamahal sa kapuwa na
kailangan upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan.
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga
karahasan sa kaniyang paaralan.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Karahasan sa Paaralan
b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Pahina 367-400
c. Kagamitan: Projector, Laptop, Puzzle Pictures, Answer Sheet
d. Pagpapahalaga: Pagmamahal at Respeto sa Kapwa

III. Pamamaraan:

A. Pangunahing Gawain
 Panalangin
 Classroom Management
 Greetings
 Pagbabalik-Aral
- Ano ang leksyon natin kahapon?
- Ano ang natutunan nyo sa leksyon natin?
 Pagganyak
- Buuin ang mga puzzle na matatagpuan sa loob ng sobre.
- Matapos mabuo ang lahat ng puzzle ay itaas ang kamay.

Ang puzzle pagnabuo

Presentasyon ng Paksa
“Karahasan sa Paaralan”
B. Paglalahad:
Ang Pambubulas o Bullying

Ang pambubulas o bullying ay isang sinadsadya at madalas na malisyosong


pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit
pang biktima sa paaralan.

Uri ng Pambubulas

1. Pasalitang Pambubulas
Pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang tao. Kasama rito
ang pangangatyaw, pangungutya, panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw,
pagmumura sa isang tao.

2. Sosyal o Relasyunal na Pambubulas


Ito ay may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Kasama rito ang hindi pagtanggap sa isang tao o sadyang pang-iiwan sa kaniya sa
maraming pagkakataon, pagkakalat ng tsisimis, pagpapahiya sa isang tao sa gitna
ng nakararami.

3. Pisikal na Pambubulas
Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal at paninira ng kaniyang mga
pag-aari. Kasama rito ang panununtok, paninipa, pananampal at pangungurot.
Kabilang din dito ang pagkuha at pagsira sa gamit o pagpapakita ng hindi
magagandang senyas ng kamay.
Profile ng mga Karakter sa Pambubulas
Ang Nambubulas
Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Karin E. Tusinski (2008) ang dahilan ng
pambubulas ng isang tao ay maaring maugat sa pamamaraan ng pagpapalaki ng kaniyang mga
magulang. Sabi niya sa kanyang pag-aaral, ang isang bata na nambubulas ay:
1. Mas malamang na napalaki ng isang pamilyang napabayaan na gawin ang lahat
ng kaniyang gustong gawin at hindi napaaalalahan lalo na sa mga hindi tamang
nagagawa.
2. Hindi naramdam sa kaniyang pamilya ang pagmamahal.
3. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya.
4. Ginamitan ng pananakit bilang pagdisiplina.
5. Nakita ang pagiging marahas ng magulang ng magdudulot ng pagkakaroon ng
damdamin ng poot sa kapuwa at malaon ay makaramdam ng kasiyahan sa
pananakit sa iba.
Ang Binubulas
1. Kaibahang Pisikal (Physically Different)
Ang halimbawa nito ay mga may kapansanan, masyadong mataba o payat,
mahina o astigin, masyadong matangkad o bansot.

2. Kakaibang Estilo ng Pananamit (Dresses up Differently)


Masyadong maiksi o bulgar ka sa iyong pananamit, o di kaya masyado namang
mahaba o balot ang katawan o konserbatibo ka kung manumit.

3. Oryentasyong seksuwal (Sexual Orientation)


Nakikitaan ka nila ng pagiging mahina bilang isang lalaki o di kaya sa pagiging
astigin mo bilang isang babae.

4. Madaling mapikon (Short Tempered)


Matutuwa ang isang nambubulas kung makikitang kagyat ang galit na ipakikita
kapag tinuktukso o kinukutya.

5. Balisa at di Panatag sa Sarili (Anxious and Insecure)


Ang kawalan ng seguridad sa sarili ay isang palatandaan ng kahinaan.

6. Mababa ang tingin sa Sarili (Low self-esteem)


Kawalan ng tiwala ay napakagandang indikasyon na magiging madali para sa
isang mambulas na maipakita ang kanyang kapangyarihan.

7. Tahimik at lumalayo sa nakararami (Quiet and Withdrawn)


8. Wala kang kakayang ipangtanggol ang sarili (Inability to defend oneself)

Mga Epekto ng Pambubulas


Nakababahala ang palaki nang palaki ang bilang ng mga nabibiktima ng pambubulas dahil ang mga
biktima nito ay mayroong posibilidad na makalinang ng pagiging mailap at ng takot na makaapekto sa
pamamaraan ng kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang kapuwa, makahahadlang sa kanilang
pakikilahok sa paaralan makapagpapababa ng kanilang marka sa pag-aaral.
1. Ang mga biktima ng pambubulas ay may posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa,
kalungkutan, mababang tiwala sa sarili.
2. Pag-iisa at pagiging malayo sa nakararami at magkakaroon sila ng paniniwala na hindi sila
karapat-dapat na magkaroon ng kaibigan.
3. Isa pa sa posibleng epekto sa biktima ng pambubulas ay ang posibilidad na sila mismo ay
maging marahas, maaaring sa panahon ng pambubulas o sa hinaharap.
Pagmamahal sa SARILI, KAPUWA, at BUHAY: Mga Sandata laban sa Karahasan sa Paaralan
Isapuso mo ang katotohanan na nag-iisa ka lamang sa mundo. Mahalaga ka, isa kang hindi na
mauulit na ekspresyon ng diwa ng Diyos. Ikaw lang ang mayroong natatanging pagkakataon upang
kilalanin nang malalim ang iyong sarili at tuklasin ang landas na para sa iyo.
Dalawang bagay ang mahalaga upang maiwasan ang pagiging mapaghanap at ang kawalang ng
kapanatagan ng tao:
1. Kaalaman sa Sarili- Mahalagang kilalanin ang sarili. Sa ganitong paraan mo lamang
mauunawaan at matatanggap ang iyong sarili bilang ikaw at hindi maghanap ng mga bagay na
hindi naman talaga para sa iyo.

2. Paggalang sa Sarili- Upang magkaroon ka ng paggalang sa kapuwa, kailangan mo munang


magkaroon ng paggalang sa iyong sarili. Ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga
sa sarili.

C. Pagsusuri:
 Ano-ano ang mga uri ng Pambubulas?
 Ano ang sanhi ng Pambubulas?

D. Paglalahat:
Ang paaaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan na maraming mga mag-aaral. Katulad
ng kaligtasan at kapanatagan na mayroon sa tahanan ay inaaasahan din na makakamtan ito sa
paaralan. Ang pambubulas ay bahagi ng yugto ng pagdadalaga/pagbibinata. Sabi nga ng ilan “That’s
part of growing up” . Mahalagang maunawaan ng lahat ng kabataan na hindi normal na kasama sa
paglago ang biktima ng pananakit ng kapuwa.
E. Paglalapat:
Gumawa ng isang minutong “skit” tungkol sa Pambubulas.

Pamantayan sa Skit

Pamantayan Bahagdan %
1. Nilalaman ng Skit 50%
2. Maganda ang Ekspresyon ng Mukha 25%
3. Makitaan ng pagiging malikhain sa 25%
presentasyon
Kabuuan 100%
IV. Pagtataya:

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang umiiral na karahasan sa paaralan?


a. Pandaraya
b. Pambubulas
c. Pagtakas
2. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
a. Matalino
b. Kaibahang Pisikal
c. Tahimik
3. Ito ay pisikal, sosyal at pasalitang pananakit?
a. Pandaraya
b. Pagtakas
c. Pambubulas
4. Panununtok at paninipa ay anong uri ng pambubulas?
a. Relasyon
b. Soyal
c. Pisikal
5. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapuwa maliban sa:
a. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na bayarin.
b. Pagtanggap sa kaniya sa anuman ang estado sa buhay.
c. Paggalang sa kanyang bilang tao.

V. Takdang Aralin

Isulat sa isang buong papel.

 Lumikha ng isang newsletter na ang pangunahing paksa ay tungkol sa karahasan sa


paaralan.

You might also like