You are on page 1of 5

DEPARTMENT OF EDUCATION

Division of Davao City


STA. ANA NATIONAL HIGH SCHOOL
D. SUAZO ST. DAVAO CITY

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Modyul 15
February_____, 2019

Pamantayang Nilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa agwat


teknolohikal.

Pamantayan sa Pagganap:

Nakapaghahain ang mga mag-aaral ng mga hakbang para matugunan ang hamon ng
agwat teknolohikal.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Natutukoy ang kahulugan ng Agwat Teknolohikal

 Nahihinuha ang pag-unawa sa pagkakaiba ng mga henerasyon sa pananaw sa


teknolohiya ay makakatulong sa pagpaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipaliwanag ang kahulugan ng Agwat Teknolohikal;


b. Nasusuri ang katangian ng mga henerasyon sa pagsulong ng teknolohiya;
c. Nakapagbigay ng kahalagahan sa pagrespeto at pag-unawa sa katangian ng
bawat henerasyon

II. Paksang Aralin


Paksa: Agwat Teknolohikal – sa Pagitan ng mga Henerasyon
Sangunian: Edukasyon sa Pagpapakatao (Ikawalong Baitang),Pasig
City, Vibal Publishing, Inc. Pahina 401-431
Kagamitan: pictures, Manila paper, crayons, speaker

III. Pamamaraan
Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagsuri ng pagdalo
3. Pagbabalik-Aral
 Anu-ano ang mga uri ng mga pambubulas?
 Paano nakakaapekto ang pambubulas sa paaralan?
 Bakit kaiangan maapigilan o masugpo ang pambubulas sa
paaralan?

A. Gawain (Activity)
“Picture Analysis”

Panuto: Ang guro ay magpapakita ng mga larawan sa iba’t-ibang uri ng buhay na


maaaring tunguhin ng tao.

B. Pagsusuri (Analysis):

Tanong:
 Ano ang ipinakita sa mga larawan?
 Anu-ano ang epekto ng pagbabagong teknolohikal sa buhay ng
tao?
 Bakit kailangan nating maintindihan ang pagsulong ng teknolohiya
at ang epekto nito sa bawat henerasyon o buhay ng tao?

C. PAGHAHALAW (ABSTRACTION)

Presentation of the topic: “Agwat Teknolohikal”


Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon

• 1900-1945 - Builders – Silent Generation


• 1946-1964 - Boomers
• 1965-1980 - Generation X
• 1981-1997 - Generation Y
• 1998 pataas - Generation Z

Gawain 1: Cooperative Strategy- Brainstorming

Panuto: Triad: ang bawat pangkat ay magtalakayan tungkol sa mga katangian na


kanilang naranasan sa ibang henerasyon.
Sa taong: 1900-1945 (70+ yrs. Old)
1946-1964 (51-69 yrs. Old)
1965-1980 (36-50 yrs. Old)
1981-1997 (21-35 yrs. Old)
1998 pataas (6-20 yrs. Old)
Tanong:
 Anu-ano ang pagkakaiba ng bawat henerasyon?
 Bakit kasabay ng pagkakaroon ng agwat teknolohikal ay
nagkakaroon rin ng agwat ang mga henerasyon?
 Mayroon bang hindi magandang epekto ang pagkakaroon ng agwat
sa teknolohiya man o henerasyon? Bakit?
 Paano mo matutugunan ang agwat teknolohikal sa pagitan ng mga
henerasyon?

D. PAGLALAPAT (APPLICATION)

Gawain: Role Playing/Reporting

Panuto: Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa lima. Ang bawat grupo ay may
representanting bubunot sa kanilang gawain. Base sa henerasyon na kanilang nabunot,
ipapakita nila ang mga magandang katangian ng partikular na henerasyon na dapat
tularan, ang relasyon o pakikitungo nila sa iba pang henerasyon at bigyan ng solusyon
ang problemang nakikita dito lalo na sa relasyon sa mga apo, anak o magulang.
Tanong:
1. Anu-ano ang mga birtud at pagpapahalaga na naranasan mo sa mga
nakakatandang henerasyon?
2. Anu-ano ang mga birtud at pagpapahalaga na naranasan mo sa iyong
henerasyon?

IV. PAGTATAYA (EVALUATION)

Gawain: Quiz

Panuto: Pagkilala sa tinutukoy na paksa.

1. Ang herasyong ipinanganak sat lumaking walang makabagong teknolohiya.

2. Ang henerasyong ipinanganak sa panahon ng information overload.

3. Ang henerasyong ipinanganak sa panahon ng Martial Law.

4. Ang henerasyong namumuno at mga politiko sa bansa.

5. Ang agwat o pagkakaiba-iba sa pananaw ayon sa edad.

Tama o mali

6. Ang agwat sa pagitan ng mga henerasyon ay nagpapahiwatig sa pagkakaiba-iba


ng pananaw dahil sa pag-unlad ng teknolohiya.

7. Ang paggalang ay tungkulin ng nakakatandang henerasyon.

8. Ang teknolohiya ay nararanasan ng silent generation.

9. Si Ana ay bihasa sa paggamit ng teknolohiya kaya tinatawag siyang digital


native.

10. Si Maria ay ipinanganak sa panahon ng Martial Law kaya kasapi siya sa


henerasyong baby boomers.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Pagninilay. Gumawa ng sanaysay tungkol sa adbentahi at hindi


adbentahe ng pag-usbong ng teknolohiya. Magbigay ng konkretong halimbawa.
Inihanda ni : Sr. Carmela G. Cagas, fma
Intern

Ipinasa Kay: Sir Neil Angelo E. Licmoan


Cooperating Teacher

You might also like