You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Isabela State University


Rang-Ayan, Roxas, Isabela

Masusing Banghay-Aralin sa
Agwat Teknolohikal

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng Dalawampung minuto na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang kahulugan ng generation gap;
b. nasusuri ang pagkakaiba-iba ng mga henerasyon sa pananaw sa teknolohiya;
c. naisasagawa ang mga angkop na kilos upang makatugon sa hamon ng agwat
teknolohikal.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Agwat Teknolohikal
b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul 15, pahina 18-23
c. May-Akda: Kagawaran ng Edukasyon
d. Kagamitang Pampagtuturo: Laptap, makulay na papel, at video clip.
e. Metodolohiya: Diskusyon, isahan at pangkatang gawain.

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paunang Gawain

 Panalangin

Tumayo tayong lahat at manalangin.


Normel, pangunahan ang Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
panalangin. Santo, Amen.

 Pagbati

Magandang umaga sa ating lahat! Magandang umaga po.

 Pagsasaayos ng Silid-aralan

Bago kayo tuluyang umupo ay


mangyaring kamayan ang katabi at Pupulutin ang mga kalat at aayusin ang mga
sabihing paki pulot narin ang mga upuan ng mga mag-aaral.
kalat sa silok ng inyong mga upuan.
 Pagtsek ng Atendans

Revelyn, pakitala ang mga wala sa


ating klase. Opo ma’am.

 Pagpapangkat

Ang klase ay mahahati sa dalawang


grupo. Mahahati-hati sa dalawang grupo ang mga
mag-aaral.

B. Pagganyak

Sa umagang ito ay magkakaroon


tayo ng isang laro na kung saan kayo
ay mananalo ng limpak-limpak na
mga puntos.

Handa na ba kayo kalas? Handa na po kami.

Ang larong ito ay pinamagatang


“Insta-napin mo ako”

Panuto:
May mga larawan akong itinago dito
sa apat na sulok ng klasrum. Ang
kailangan niyo lang gawin ay
hanapin ito. Upang malaman kung
anong mga bagay ito, magpapakita
ako ng larawan gamit ang social
media na Instagram.

Handa na ba kayo klas? Handa na po kami.

Sa aking hudyat maari na ninyong (Ang mga mag-aaral ay maghahanap)


hanapin.
Maraming Salamat sa inyong
kooperasyon.

C. Paglalahad

Batay sa inyong mga nahanapang


larawan, ano sa tingin ninyo ang
ating magiging paksa? Tungkol po ito sa Agwat Teknolohikal

Mahusay!

Maari ba ninyong buksan ang


inyong mga bag at tignan kung (Ang mga mag-aaral ay bubuksan ang
mayroong nakarolyong papel. kanilang bag)

Princess, at dahil nasa bag mo ang


papel na nakarolyo maari ka bang
pumaharap at idikit ito sa ating (Pupunta si Princess sa harapan at ididikit
pisara. ang nakarolyong papel)

Basahin ng sabay-sabay klas. Agwat Teknolohikal

D. Pagtalakay

Mekaniks sa talakayan:
Sa ating magiging talakayan ay
gagamitin natin ang isang social
media na talaga naman ay ginagamit
ng mga milenyals. Ito ay ang
Facebook.

Handa na ba kayo klas? Handa na po kami.

Pakibasa ang layunin ng sabay-


sabay klas. LAYUNIN:
Pagkatapos ng Dalawampung minuto na
talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. natutukoy ang kahulugan ng
generation gap;
b. nasusuri ang pagkakaiba-iba ng mga
henerasyon sa pananaw sa teknolohiya;
c. naisasagawa ang mga angkop na
kilos upang makatugon sa hamon ng agwat
teknolohikal.

May nagtatanong, ano daw ang


Generation gap at technological Ma’am, mayroon pong nagkomento.
gap?

Tignan nga natin kung anong


komento ito.

Christian, maari ka bang pumaharap


pusuan mo ang bidyong iyong
napanood at ibigay mo ang iyong
komento. Ang bidyong ito ay nagpapakita na ang
generation gap ay ang agwat o pagkakaiba
sa pagitan ng mga nakababata at
nakatatandang henerasyon katulad na
lamang sa pagitan ng mga anak at mga
magulang. Dahil nga sa pag-unlad sa
teknolohiya, lalo pang lumawak ang agwat
na ito.

Mahusay!
Mayroong nagbahagi ng mga
larawan at bidyo. Ano kaya ito? Mga larawan noong Martial Law

Mahusay!

Princes, maari ka bang pumaharap


lagyan ito ng “Wow” reaksyon at
mag komento ka tungkol sa bidyong
iyong napanood. Ang Generation X ay ang mga taong
ipinanganak sa panahon ng Martial Law.
Sila ang mga taong may maraming tanong
noong sila ay musmus pa. Kadalasan sila
ngayon ay mga Guro.

Mahusay!

Binanggit ako sa isang komento.


Jolina, maari ka bang pumaharap at
pindutin ang notipikasyon. (pupunta sa harapan si Jolina)
Dyan, maaari ka bang pumaharap
pindutin ang pindutan ng ibahagi at
magkomento. Ang Generation Y naman ay ang mga taong
ipinanganak sa mga taong 1980-1997,
kadalasan sila ngayun ay ang mga binata at
dalaga.

Mahusay!

May nagpadala ng mensahe.

Jeraldine, maari ka bang pumaharap


at iyong tugunan ang mensaheng
ipinadala saatin. Ang Generation Z ay ang mga kabataang
ipinanganak sa taong 1998 pataas.
Ipinanganak sila sa panahon ng information
load. Kaya naman magaling sila magsala ng
impormasyon at hindi madaling makuha
ang kanilang atensyon.

Mahusay!

E. Paglalapat

Mayroong nagtanong, at sasagutin


iyan nang nag komento. Kung sino
siya tignan natin.

Joel at dahil nasa komento ang iyong


larawan, maari mo bang sagutin ang
katanungang ito:

Bilang isang mag-aaral o kabataan, Isa sa magagawa ko upang makatulong sa


ano ang iyong magagawa upang pagharap sa isyu ng agwat teknolohikal ay
makatugon sa hamon ng agwat ang pag-ibayuhin ko ang aking sariling
teknolohiya? kakayahan sa larangan ng inpormasyong
pang teknolohiya.

Mahusay!

F. Pagpapahalaga
Jolina at dahil nasa komento ang
iyong larawan, maari mo bang
sagutin ang katanungang ito:
Bilang isang guro sa hinaharap ay nararapat
Bilang isang guro sa hinaharap, na hindi ipagwalang-bahala ang benepisyo
bakit kailangan nating malaman ang ng paggamit ng teknolohiya sa
mga henerasyon na ating tinalakay? pagpapaunlad ng aking sariling kabuhayan
at pagpapaunlad ng ating bansa. Tungkulin
nating makasabay sa agos ng mga
pagbabago sa teknolohiya na mayroon sa
bansa.
Mahusay!

IV. EBALWASYON

Panuto:
Ang larong ito ay pinamagatang Ano-bato-pick. May mga cards na may larawan ng
bato, papel, at gunting. bubunot ang players ng ilalaban na card. kapag sinabing ano
bato pick, ipapakita ang card. kung sinoman ang mananalo ay magbabato siya ng
tanong tungkol sa ating paksang tinalakay na sasagutan ng natalong kalaban.

V. TAKDANG-ARALIN

Gumawa ng repleksyon tungkol sa Agwat teknolohikal.

Inihanda ni:

Lycea Femaica A. Valdez


(Demonstreytor)

Sinuri ni:
Marilyn S. Luzano. Ph,D.
(Guro sa Filipino)

You might also like