You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region XI
Sta. Ana National High School
Guerrero St., Poblacion District, Davao City
Banghay Aralin
Araling Panlipunan
Baitang 10

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi


at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa
pagkamit ng pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng programang


pangkabuhayan (livelihood project) batay sa mga pinagkukunang yaman na
matatagpuan sa pamayanan upang makatulong sa paglutas sa mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan.

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang pangkasaysayan, pampulitikal,


pang-ekonomiya, at sosyo-kultural na pinagmulan ng globalisasyon.
Code: AP10IPE-Ih-18

I. Layunin
Pagkatapos ng dalawang sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nauuri ang iba’t ibang anyo ng globalisasyon;
b. napag-uugnay ang mga anyo ng globalisasyon sa pang-araw araw nilang
pamumuhay; at
c. napagtitimbang ang mga positibo at negatibong epekto ng globalisasyon
sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng paggawa
ng isang graphic organizer.
II. Nilalaman
A. Paksa: Anyo ng Globalisasyon
B. Sanggunian:
 https://www.slideshare.net/kheesa/grade-10-
globalisasyon?from_action=save
 https://sites.google.com/site/ap10gtdlnhs/lesson-3---
globalisasyong-ekonomiko
 Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, Batayang Aklat IV.
2012. pp. 421-430
C. Mga Kagamitan: visual aids, chalk, marker
III. Pamamaraan

Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pangunahing Pagbati
3. Pag-aayos ng silid
4. Balik-aral
A. Pagganyak
Gawain: Unscramble Me
Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat, bawat pangkat ay
bibigyan ng sobre na may lamang ginupit na salita. Kailangang
mabuo ito ng bawat grupo sa loob lamang ng tatlong minuto.
Pagkatapos ay ipaliliwanag ng isang miyembro bawat grupo kung
ano ang kanilang ideya tungkol sa mga salita.
B. Paunlarin
1. Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral ng:
 madali niyo bang nabuo ang mga salita?
 ano ang napansin ninyo sa mga salitang nabuo?
 ano kaya sa tingin ninyo ang koneksyon nito sa ating
paksa ngayong araw na ito?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Ang guro ay:
 magpapakita ng mga visual aids tungkol sa anyo ng
globalisayon,
 magtatanong tungkol sa iba’t ibang anyo ng globalisasyon;
at
 ilalahad ang iba’t ibang uri o anto ng globalisasyon at ang
mga epekto nito sa iba’t ibang aspeto;
 aatasan ang mga mag-aaral na paghambingin ang iba’t
ibang uri ng outsourcing.
2. Ang mga mag-aaral ay:
 ibibigay ang iba’t ibang anyo ng globalisasyon,
 magbibigay ng halimbawa ng negosyo at kompanyang
napapabilang sa globalisasyong ekonomiko;
 paghahambingin ang iba’t ibang uri ng outsourcing; at
 papatotohanan ang mga negatibo at positibong epekto
ng globalisasyon sa aspetong teknolohikal at sosyo-
kultural.
D. Paglalapat
Sagutan ang tanong sa isang kalahating papel.
Sa pangkabuuan, nakabubuti ba ang globalisasyong ekonomiko?
Patotohanan ang sagot.
E. Ang globalisasyon ay nangyayari sa iba’t ibang aspeto ng lipunan.
Sa talakayan kanina y nabanggit na ito ay makikita sa ekonomiya,
pulitika, teknolohiya at sosyo-kultural. Totoong mayroon itong
positibong naitutulong sa bansa, ngunit pakaisipin na lahat ng
posibong bagay ay may kaakibat din itong negatibo. Ang mga ito ay
hindi maiiwasan, ngunit maaari itong mabawasan kung gugustuhin
lamang ng pamahalaan at ng tao mismo na gumawa ng paraan
upang ito ay maibsan.
IV. Pagtataya
Sa isang sangkapat na papel, sagutin ang sumusunod:
1. Ang ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyo na
nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang mga
produkto at serbisyo ay nakabatay sa pangangailangang local.
TNC
2. Ito ay tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang
bansa. At ang kanilang mga produkto at serbisyo ay hindi
nakabatay sa local needs. MNC
3. Ang ay tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng
serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
OUTSOURCING
4. Ibigay ang tatlong uri ng Outsourcing. OFFSHORING
5. NEARSHORING
6. ONSHORING
7. Ito ay isang uri ng Outsourcing na kumukuha ng serbisyo ng
isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas
mababang bayad. OFFSHORING
8. Ang outsourcing na ito naman ay tumutukoy sa pagkuha ng
serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
NEARSHORING
9. Isa pang uri ng Outsourcing na tinatawag ring domestic
outsourcing, o pagkuha ng serbisyo mula rin sa loob ng bansa.
ONSHORING
10. Ibigay ang kahulugan ng acronym na BPO. BUSINESS
PROCESS OUTSOURCING

V. Takdang Aralin
Sa isang short bond paper, gumawa ng isang graphic organizer
patungkol sa mga positibo at negatibong epekto ng globalisasyon sa
ekonomiya ng isang bansa.

You might also like