You are on page 1of 5

BANGAHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

Yugto ng Pagkatuto

A. Pamantayang pangnilalaman

a. Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng


sinaunang kabihasnang Asyano.

B. Pamantayan sa pagganap
b. Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao
sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
I. Mga Layunin
A. Pangkalahatang Layunin
a. Natatalakay ang ibat ibang uri ng anyong tubig sa Asya.
B. Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng Aralin, ang 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nakikita ang pagkakaiba ng karagatan, ilog, lawa at dagat sa Asya.
2. Nakikilala ang kahalagahan ng karagatan, ilog, lawa at dagat.
3. Nakahahanap ng mga karagatan, ilog, lawa at dagat sa Asya.
II. Nilalaman
Paksang Aralin : Mga Anyong Tubig sa Asya
Sanggunian: Kasysayan ng Asya
May-Akda: Elizida Bustamante
Mga Kagamitang Panturo
A. Mga Kagamitang Biswal( Larawan, graphic organizer)
B. E-devices(laptop, projector)
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Panimulang Gawain
1.1 Pagdarasal
 Magtatawag ng mag-aaral para pangunahan ang  Tatayo ang lahat para manalangin
panalangin.
1.2 Pagbati
 “Isang Makasaysayang araw sa inyong lahat!”  “Isang Makasaysayang araw din po Ginoo!”
1.3 Pagtala ng Lumiban at Pumasok sa Klase
 Sino-sino ang lumiban sa klase sa araw na ito?  “Kinagagalak ko pong sabihin na walang
lumiban sa klase sa araw na ito.”
1.4 Pagsasanay (Trivia/ Balitaan)  “Ang trivia/balitaan po sa araw na ito ay
 “Sino ang naatasan para sa Balitaan/Trivia sa araw na tungkol sa _______.”
ito?”
1.5 Pagbabalik – Aral  “opo! Ang tinalakay po natin kahapon ay
 “Naaalala nyo pa ba ang tinalakay natin kahapon?” tungkol sa _______.”
1.6 Pagwawasto ng Takdang – Aralin
 “Ngayon naman ilabas ang inyong takdang – aralin at  Ilalabas ng mag-aaral ang takdang aralin at
ipasa ito sa harapan ng maayos at tahimik.” ipapasa ito sa harap ng tahimik at maayos.
2. Paglinang ng Gawain
2.1 Pagganyak
“Anyong Tubig”
May apat na anyong tubig kaming nakita,  Tatayo ang mga mag-aaral para kumanta
Maganda, malawak na anyong tubig,
Pero sila magaganda talaga,
Ito ang karagatan ilog at lawa,
Tsaka dagat,
Ito ang anyong tubig sa Asya.

2.2 Paglalahad
 Batay sa ating kinanta, sa inyong palagay, ano ang  Anyong Tubig
paksa natin sa araw na ito?
 Ngayon naman, isa-isahin natin ang nabanggit na  Karagatan, ilog, lawa at dagat
mga anyong tubig sa kanta?

2.3 Pagtatalakay
Question and answer:
“Suri Larawan”
Sa pamamagitan ng mga larawan, susuriin ng mga mag-aaral ang
ibat-ibang uri ng anyong tubig sa Asya.

1. Karagatan
 Ang karagatan ay ang pinakamalawak at
pinakamalalim na anyong-tubig.
 Maalat ang tubig nito.

2. Dagat  Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na


mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
 Maalat ang tubig ng dagat sapagkat
nakadugtong ito sa karagatan.

 Ang ilog ay isang mahaba at makipot na


3. Ilog
anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng
bundok o burol.

 Ang lawa ay isang anyong tubig na


4. Lawa
napapaligiran ng lupa.

2.4 Paglalahat
 Gamit ang visual aid, bumuo ng isang pangungusap
batay dito.

2.5 Paglalapat
 Sa ating natalakay na mga uri ng anyong tubig, saan sa
mga sumusunod ang pinaka importante sa inyo?
 Sa kasalukuyan, anong sululiranin ang kinakaharap ng
ating bansa patungkol sa anyong tubig?

2.6 Pangkatang Gawain


Hahatin ang klase sa Dalawang pangkat.
 Bawat pangkat ay aatasan na maghanap ng mga
pangalan ng ibat ibang anyong tubig na makikita sa Asya at
saang bansa ito makikita. Iuulat ng napiling lider ng bawat
pangkat ang iniatas na gawain

Panuto: Isulat ang anyong tubig na makikita sa Asya batay sa


ating tinalakay. Isulat ang pangalan nito at lugar kung saan ito
matatagpuan. Pipili ng lider ang bawat pangkat para iulat ang
gawa.

 Unang pangkat (Karagatan at Dagat)


 Pangalawang Pangkat(Lawa at Ilog)

Mga Alituntunin:
1. Gumawa ng tahimik at maayos
2. Makiisa sa pangkat.
3. Gumawa ng naayon sa takdang oras

Mga Pamantayan
1. Nilalaman - 50%
2. Presentasyon - 30%
3. Kooperasyon - 20%
Kabuuan - 100 %

2.6 Pagsasabuhay
 Bilang mag-aaral sa kasalukuyan, paano mo
mapapanglagaan ang mga anyong tubig sa kapaligiran.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot sa sumusunod.

Anyong Tubig Dagat Karagatang Pasipiko

Karagatan Karagatang India

Ilog Ilog Yangtze

Lawa Ilog Huang Ho

1. Ito ay ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo.


2. Pinakamalaking uri ng anyong tubig.
3. Uri ng anyong tubig na napapalibutan ng kalupaan.
4. Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungo ng dagat.
5. Ito ang pangatko sa pinakamahabang ilog sa mundo.
6. Ito ang halos bumubuo sa daigdig.
7. Malawak na anyong tubig ngunit mas maliit ang sukat kaysa sa karagatan.

V. Takdang Aralin
1. Gumawa ng isang tungkol sa pangangalaga ng Anyong Tubig. Gawin ito sa isang pirasong papel.
2. Pag aralan ang pahina 31 hanggang 35 sa inyong libro para sa susunod na talakayan.

You might also like