You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA HEKASI III

I. Layunin:

Sa tulong ng mgalarawan at iba pang kasanayan, angmga mag-aaral sa ikalawang baitang na may
80% tagumpay ay inaasahang:

a. Makilala ang iba’t ibang anyong tubig;


b. Magpakita ng pagpahalaga sa mgaa nyung-tubig sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iwas
sa pagtapon ng basura dito.
c. Makabuo ng tulatungkol sa anyong tubig.

II. PaksangAralin:MgaAnyongTubig
Sanggunian:Lakbay sa Lahing Pilipino 3
Kagamitan:larawan, plaskard, kartolina,activity card

III. Pamamaraan:
A. Panimulanggawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasanay –magpapakita ng mgasalita upang maihanda ang mga mag –aaral

B. Panlinangna Gawain
1. Pagganyak – magpapakita ng mgalarawan ng anyongtubig
2. Paglalahad
3. Pangkatang Gawain
 Kikilalanin ng mga mag –aaral ang mga larawan ng anyong tubig at iuugnay ang
hanay A sa hanay B.
A B

 Ilog

 Karagatan

 Lawa

 Talon

C. Pangwakasna Gawain
1. Pagtalakay
 Dagat
 Karagatan – ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang
tubig nito. Karagatang Pasipiko ang pinakamalawak na karagatansa mundo.
 Dagat- malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

 Ilog – isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.


Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol. Ang ilog Cagayan ang
pinakamalaking ilog sa Pilipinas.

 Talon - ay isang anyong tubig na nagmumula sa mataas na lugar at bumabagsak


pababa.Maria Cristina Falls ang pinakamalaking pinagkukunan ng enerhiya ng
Mindanao. Aliwagwag Falls ang pinakamataas na talon sa bansa

 Lawa – isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Lawa ng Bai (Laguna de Bay )
ang pinakamalaking lawa sa bansa. Lawa ng Taal may maliit na Bulkan sa gitna nito.

2. Paglalahat

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mga mag – aaral ang mga
nabuong kaalaman ukol sa Anyong Tubig.

 Anu-ano naman ang ibat- ibang anyong tubig?

3. Pagpapahalaga
 Ano kaya ang mangyayari sa mga tao, hayop at halaman at kapaligiran kung wala
itong mga anyong tubig?
 Nagtitipidba kayo ng tubig sa inyo?Paano?
 Bilang mag-aaral anu-ano ang mga hakbang na inyong gagawin upang ito ay
mapangangalagaan?
IV. Paglalapat

Panuto: ibigay ang tamang sagot.

1. Isang anyong tubig na pinakamalawak at pinakamalalim na tubig


2. Isang anyong tubig na pinalilibutan ng lupa.
3. Isang anyong tubig na mas maliit kaysa karagatan.
4. Isang anyong tubig na nagmumula sa mataas na lugar at bumabagsak pababa.
5. Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungongdagat.

V. TakdangAralin
 Gumawa ng tula tungkol sa pangangalaga sa mga anyong-tubig.(10pts)

You might also like