You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

I. Layunin: Sa araling ito ang mga mag aaral ay inaasahan na:


a. Matutukoy ang ibat-ibang uri ng klima at panahon sa Pilipinas; at
b. Maipapaliwanag ang pinagkaiba ng klima at panahon
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Panahon at Klima sa Pilipinas
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 5, Gabuat, Maria Ananalyn P., Mercado Michael
M. et al. Pahina 18-37
C. Kagamitan: Visual Aids, Poewrpoint, Laptop, Papel
D. Pagpapahalaga: Matutukoy ang pinagkaiba ng Klima at Panahon

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa
panalangin na pangungunahan ni
Joy. Sa ngalan ng ama ng anak, ng
esperito santo. Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga mg bata. Magandang umaga din po Bb. Jenie.
Okay, magsiupo ang lahat.
3. Pagtala ng lumiban
(tumayo ang taga monitor ng klase)
Maari ko bang malaman kung
Kinalulugod ko pong sabihin na
sino ang lumiban sa araw na ito?
wala pong lumiban ngayong araw.
Mabuti, kinagagalak ko marinig
na walang lumiban sa klase ko
ngayong araw.
4. Pagpapaalala sa Alituntunin sa Loob
ng Silid Aralan.
 Una ay kapag gustong
sumagot itaas lamang ang
kanya kamay at hintaying
tawagin.
 Pangalawa wag mag- ingay
kapag hindi ito kasali sa
paksa.
 Pangatlo kapag lalabas ay
mag pa alam muna sa akin.
 Panghuli ay makinig ng Opo bb. Jenie
mabuti at maging aktibo.
 Maliwanag ba iyon mga
bata?
 Mabuti kung ganun mga
bata.

b. Paghahanda
1. Balik-Aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong
paksa tayo muna ay magbabalik aral
tungkol sa huli nating tinalakay, tungkol
saan ang huli nating tinalakay Bea?
Ang huli po nating tinalakay ay
tungkol sa Lokasyon ng Pilipinas
na nasa pagitan ng 4 degree 23’ at
21’ degree hilagang latitude.

Magaling Bea ito at tama!


May mga tanong pa ba kayo tungkol sa Wala na po bb. Jenie
nakaraan nating tinalakay?
2. Pagganyak
“Mayroon tayong gagawing laro ang
tawag doon ay "charades" kung sa
Ingles. Mahahati ang klase sa tatlong
pangkat at ang bawat pangkat ay
kailangang pumili ng isang representanti
na pupunta sa harapan.”
“Ang bawat representanti at kailangang
bumunot sa kahon ng salitang kanilang e
aarte. Ang mga naiwang miyembro ang
mag huhula. Hindi puwedeng sabihin ng
representanti ang salita kundi dapat niya
lng ito e arte. Ang kategorya ng mga
salita sa kahon ay tungkol sa panahon.
(nagsimula na sa pag arte ang bawat
Sinong mas maraming mahulaan ay ang
pangkat)
pangkat na mananalo “
“Magaling mga bata ang nanalo ay ang
pangkat una.”
“Palakpakan ang mga sarili dahil kayo (nagsipalakpakan ang mga bata)
ay napakagaling.”
3. Paglalahad
Batay sa ating nilaro kanina ano kaya
ang ating panibagong paksa?
Sa araling ito nais kong makinig kayo ng
mabuti at maging aktibo. Mayroon ako
mga katanungan mamaya at mga gawain
kaya dapat naka pokus kayo sa akin at Opo bb. Jenie
nakikinig ng mabuti maliwanag ba yon?

Inaasahan ko din na pagkatapos ng


araling ito ay matutukoy ninyo ang iba't-
ibang uri ng klima at panahon sa
Pilipinas. Pangalawa maipapaliwanag
ang pinagkaiba ng klima at panahon.

Pang huling paalala nais ko rin makita


na ginagawa ninyo ang ating alituntunin
sa loob ng Silid Aralan na aking
Opo bb. Jenie
binanggit kanina.
Maliwanag ai yon?
Mahusay mga bata.
c. Pagtatalakay sa Aralin/Panlinang na Gawain
a. Gawain/Mga Gawain (Activity)
Mayroon akong ipakikitang larawan at
huhulaan ninyo kung anong uri ng
panahon ito kung sino ang maunang
maka tayo ay siya ang unang sasagot.

Kung sino ang mas maraming sagot ay


siyang mananalo. Opo bb. Jenie
Maliwanag ba mga bata?
Mahusay mga bata.
Unang larawan Joy (makulimlim)
(makulimlim) Joy (maulap)
(maulap) Ana (maulan)
(maulan) Bea (maaraw)
(maaraw)
Napakagaling naman mga bata ang (nagsipalakpakan)
nanalo ay si Joy. Palakpakan si Joy at
ang inyong mga sarili.
b. Pagsusuri (Analysis)
1. Ngayon mga bata nais ko kayong
tanungin ano-anu ang mga uri ng Joy (Ang uri ng panahon at klima sa
klima at panahon sa Pilipinas? Pilipinas ay maaraw, maulan,
makulimlim at maulap.)
Clyde (Ang uri ng panahon at klima sa
pilipinas ay tag araw at tag ulan.)

Magaling mga bata tama lahat ang (nagsipalakpakan)


inyong mga sagot. Palakpakan sina Joy
at Clyde. Ako po bb. Jenie
2. Sinu-sino ang mga nakaranas ng
ganitong klima at panahon?

Magaling halos lahat ay nakaranas ng


ganong klima. Johanah (tag ulan po kasi malamig
3. Ano sa mga panahon at klima at masarap matulog.)
ang pinakagusto ninyo?
Khyzzia (tag araw po kasi ayaw ko
po ng umuulan.)

Mahusay Johanah at Khyzzia kung ako


ang tatanungin gusto ko rin ng tag ulan
dahil masarap matulog na malamig ang
panahon.

4. Sa inyong palagay ano ang


pinagkaiba ng klima at panahon? Rechel (Ang panahon po ay
pansamantalang kalagayan ng
atmospera at maaring mag bago
anumang oras. Kagaya po ng
maulap at makulimlim maari itong
mag bago anumang oras.)

Ted (Ang klima po ay


pangmatagalang kalagayan ng
panahon na umiiral sa isang lugar.)
Salamat Rechel at Ted, Mahusay ang
panahon ay pansamantala lamang na
maaring magbago anumang oras. Ang
klima ay pangmatagalang kalagayan ng
panahon. Kagaya ng Baguio palaging
malamig roon.

c. Paghahalaw (Abstraksiyon)

Una nating tatalakayin ang kahulugan ng klima at


ang mga uri nito.

Klima-Tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan


ng panahong umiiral sa isang lugar.

Pangunahing Uri ng Klima


 Tag-ulan at Tag-araw
 
Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. Bakit kaya?
Ang ating bansa katulad din ng iba pang bansang
tropical ay nakararanas lamang ng dalawang
pangkalahatang klima. May epekto ang lokasyon ng
isang bansa sa uri ng klima at panahon nito. Ang
digri ng init o lamig ng isang pook ay ang kanyang
temperatura. Batay sa masusing pag-aaral ng mga
siyentipiko sa panahon, ang pinakamalamig na
buwan ay ang Enero sa dahilang taglamig sa
hilagang hating-globo. Ang pinakamainit naman ay
ang Mayo dahil sa patindig (perpendicular) ang
sikat ng araw bukod sa pagkakaroon ng mga
monsoon at pagkakaiba ng habang araw at gabi.
Nagkakaroon din ng pagbabago ng temperatura
dahil sa may matataas at mababang pook sa
Pilipinas. Itoang dahilan kung bakit mas malamig sa
Baguio at Tagaytay kaysa sa Maynila.

Ngayon, ang panahon naman at ang mga uri nito


ang ating tatalakayin.

Panahon
Minsan ay may mga araw na maulap,
makulimlim,maaraw, maulan at iba pa. Ito’y
tinatawag na panahon.

Ang panahon ay ang pansamantalang kalagayan


ngatmospera na maaaring magbago anumang oras.

Ang magiging pansamantalang lagay ng panahon sa


 maghapon sa isang pook ay:
•mababasa sa mga pahayagan
•maririnig sa radio
•mababasa sa internet Opo
•mapapanood sa mga ulat panahon sa telebisyon

Sa tingin ninyo, mahalaga bang


malaman natin ang ulat panahon?

Magaling! Mahalaga ngang malaman


natin ang ulat panahon upang
magabayan tayo sa inaasahang
pagbabago ng panahon na maaaring
makaapekto sa ating balakin sa araw na
iyon.
Uri ng Klima
 
Unang Uri ng Klima- May salawang tiyak na
panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang Abril
maulan naman mula Mayo hanggang Oktubre.
Nakakaranas ng ganitong uri ng klima ang mga
lugar.
Ikalawang Uri ng klima-Maulan sa mga lugar
nasa kanlurang bahagi ng Pilipinas tulad ng Ilocos
Mindoro, Palawan, at Negros ito. Nakakaranas ng
lalong malalakas n pag-ulanmula nobyembre
hanggang Enero. Madalas din itong daanan ng
bagyo. Kasama sa mga lugar na ito ang Silangang
Quezon, Catanduanes, Sorsogon, Samar, Leyte, at
ilangang bahagi ng Mindanao.
Ikatlong Uri ng Klima- Hindi gaanong tiyak ang
panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang Abril.
Maulan mula Mayo hanggang Oktubre.
Nararanasan sa mga lugar ng Kanlurang Cagayan,
Isabela, Nueva Viscaya, silangang bahagi ng
Mountain Province, silangang Negros, silangang
Panay, gitna hanggang Timog ng Cebu, at bahagi
ng Hilagang Mindanao.
Ikaapat na Uri ng Klima- Halos pantay ang
distribusyon ng ulan sa buong taon. Kasama sa mga
lugar na ito ang hilagang-silangang Luzon,
kanluranng Camarines Norte at ng Camarines Sur
Marinduque, at ilang bahagi ng Mindanao.

d. Paglalapat (Application)
“Dahil natapos na tayo sa ating
talakayan mayroon tayong gagawing
pagpapangkat upang mas masuri ang
inyong kaalaman. Ang klase ay
mahahati sa tatlong pangkat. Gumawa
ng isng “documentary report” na
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
klima ng isang lugar dito sa Pilipinas.
Ipaliwanag kung paano naaapektuhan ng
mga natural na salik sa klima batay sa
lugar ng napili. Iulat ito sa klase.
Maaring gumamit ng teknolohiya sa
gagawing presentasyon. Bibigayan ko
lamang kayo ng sampung minuto sa
paghahanda.”

Narito ang rubrik sa “documentary


report” na gagawin.

Rubrik sa Pagmamarka
ng Documentary Report
Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos (nagsimula na ang mga bata pumunta sa
Sapat at wasto ang mga 20 kanilang pangkat)
naibigay na Opo bb. Jenie
impormasyon (Nag presenta na ang bawat pangkat)
Maayos ang daloy at 15
madaling intindihin ang (nagsipalakpakan)
organisasyon at
presentasyon ng
impormasyon.
Epektibong naihanda 15
ang impormasyon sa
malikgaing pamaaraan.
Kabuuang puntos 50

Tapos na ba mga bata?


Kung gayun maunang mag uulat ang unang
pangkat.
Magaling mga bata! Palakpakan ang mga sarili.
Talagang naintindihan ninyo ang ating aralin
ngayon.

IV. Pagtataya (Evaluation)


“Kumuha ng isang kapat ng papel at sagutan
ang mga sumusunod na mga katanungan.”

Kilalanin kung ito ay klima o panahon.


Isulat ang titik K kung ito ay klima at titik P
naman kung ito ay panahon.
1. Maaraw kaninang umaga subalit
biglang umulan nang pahapon na.
2. Tuyo mula Nobyembre hanggang
Abril, maulan naman mula Mayo
hanggang Oktubre.
3. Halos pantay ang pag ulan sa buong
taon.
4. Magkakaroon ng pag ulan sa mag
hapong ito. Makakaranas din ng
pagkidlat at pag kulog sa bandang
hapon.
5. Makulimlim at maulap ang
papawirin subalit maya-maya ay Opo bb. Jenie
aaraw na. (ipinasa na ng mga bata ang kanilang
papel.)
Tapos na ba mga bata?
Mabuti ipasa sa harapan ang inyong mga papel.
V. Takdang Gawain (Assignment)
“Para sa inyong takdang Gawain ilabas
ang inyong mga kwaderno at isulat ito.”
Ano ang gawaing pang tag-ulan at ano naman ang
pan tag-init? Isulat ang mga gawaing angkop para
sa tag-init at tag-ulan sa isang buong papel.

Maliwanag ba mga bata? Opo bb. Jenie


Mabuti
Bago umalis sa Silid Aralan. Pumulot ng
mga papel na nakikita ninyo sa baba ng
inyong upuan. Paalam na po bb. Jenie
Paalam mga bata.

Inihanda ni:
JENIE F. HERNANE
BEED 3

You might also like