You are on page 1of 3

DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg:10 Asignatura; ARALING PANLIPUNAN Baitang: 4 Markahan:1 Oras:40MINUTO

Mga Kasanayan: 1.Natutukoy ang iba pang salik (temperatura at dami ng ulan) na Code:
may kinalaman sa klima ng bansa
1.1 Natatalakay ang temperatura bilang salik na may kinalaman sa AP4AAB-Ie-f-8
klima ng bansa
Susi sa Pag-unawa Ang paggamit ng mapang pangklima ay mabisang paraan para matukoy ang klima sa ibat
na Lilinangin: ibang bahagi ng bansa.
1.Mga Layunin:
Kaalaman Naipapaliwanag na ang temperatura ay isa sa mga salik na may kinalaman sa klima ng
bansa
Kasanayan Naihahambing ang ibat ibang temperatura sa ibat ibang klase na lugar
Kaasalan Natatalakay ang pagiging mapanuring mag-aaral at pagpapahalaga sa klima ng bansa
Kahalagahan Naipagmamalaki ang klima ng bansa
2.Nilalaman Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa
3.Mga Kagamitang Projector,laptop,Globo,thermometer,malaking mapang pangklima ng Pilipinas
Pampagtuturo
4.Pamamaraan
4.1Panimulang Pagbalik-aralan ang nakaraang aralin tungkol sa “Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal”.
Gawain
a.Gamit ang globo,ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas
b.Ipasabi sa mga bata ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo.
c.Sabihin sa mga bata na magbigay ng patunay na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.

4.2 Mga Gawain Maghanda ng apat na thermometer na ipagagamit sa bawat pangkat.Pangkatin sa apat
/Estratehiya ang klase at ipakuha ang temperatura sa silid-aralan,sa isang silid na may aircon,sa labas
ng silid-aralan,at s bangong kulong tubig.Ipaliwanag sa mga bat ang wastong paggamit ng
thermometer at ang pagsulat ng temperatura nito.Ipalahad sa klase ang ginawa ng bawat
pangkat.

4.3 Pagsusuri Pagsusuri sa kinuhang temperatura.

a.Ano ang temperatura ng silid-aralan? ng silid na may aircon?sa labas ng silid-aralan?sa


bagong kulong tubig?
b.Mataas ba ito o mababa?
c.Ano ang nadarama kapag mataas ang temperatura?
d.Ano ang nadarama kapag mababa ang temperatura?

Magbalita sa harapan ng klase tungkol sa klima ng bansa.Iugnay ang mga kasagutan ng


bata sa aralin.

4.4 Pagtatalakay Dahil sa kalapitan ng bansa sa ekwador nakakaranas tayo ng mainit at maulang klimang
tropikal.

Ano pa kaya ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa?


Ano ang tinatawag na temperatura?Paano ito nakakatulong sa kaalaman natin ukol sa
klima ng bansa?

Sa pamamagitan ng projector babasahin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng


TEMPERATURA, CLIMATE CHANGE, MONSOON, HANGING AMIHAN at HANGING
HABAGAT.

Temperatura- ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar.


Climate Change-pagbabago sa klima na sanhi ng mga gawain ng tao na maaaring
makapagbabago sa komposisyon ng atmospera.
Monsoon-ang paiba-ibang direksyon ng ihip ng hangin.
Hanging Amihan-ay malamig na hangin buhat sa hilagang –silangan.
Hanging Habagat- ay mainit na hangin na buhat sa timog-kanluran.

Pagkatapos magbasa ay itanong ang mga sumusunod.

a.Ano ang epekto ng climate change sa temperatura ng bansa kung tag-init o tag-araw?
b.Saan galing ang lamig na mararamdaman sa Pilipinas sa buwan ng Enero?
c.Bakit kaya malamig ang hanging amihan?
d..Bakit naman kaya mainit ang hanging habagat?

Ang guro ay tumawag ng 3-5 mag-aaral at itatanong ang sumusunod:

*Ano ang isa sa mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa?


*Paano natutukoy ang mga salik na ito?

Ang paggamit ng mapang pangklima ay mabisang paraan para matukoy ang klima sa ibat
ibang bahagi ng bansa.Ang temperatura ay isa sa mga salik na may kinalaman sa klima ng
bansa.

4.5Paglalapat A.Sa inyong buong papel iguhit ang kinaroroonan at kinagagalingan ng mga hanging
amihan at hanging habagat sa mapa ng bansa.Talakayin ito sa harapan ng mga kamag-
aral.
4.6Pagtataya A.Sagutin ang mga tanong.Isulat sa sagutang papel ang letra ng sagot.

1.Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?


a.napakainit sa Pilipinas c.malamig at mainit sa Pilipinas
b.napakalamig sa Pilipinas d. hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas
2.Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?
a.Lungsod ng Tuguegarao c.Lungsod ng Tagaytay
b.Lungsod ng Baguio d.Metro Manila
3.Saang lalawigan nakapagtala ng pinakamababang temperatura?
a.Baguio b.Tagaytay c.Bukidnon d.Atok,Benguet
4.Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperature ng isang lugar?
a.Kainaman ang temperatura sa Pilipinas
b.Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas
c.Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan.
d.May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa temperatura.
5.Saan nagmumula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa?
a.Dagat Kanlurang Pilipinas c.Dagat Celebes
b.Karagatang Pasipiko d.Dagat Luzon

B.Piliin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A.Isulat ang letra sa sagutang papel.

A B
___1.Pagbabago sa klima na sanhi a.Hanging Monsoon
ng mga gawain ng tao na maaaring b.Hanging Amihan
makapagpabago sa komposisyon c.Hanging Habagat
ng atmospera d.Temperatura
___2.Hanging mainit buhat sa e.Climate Change
Timog-kanluran
___3.Malamig na hangin buhat sa
Hilagang-silangan
___4.Nararanasang init o lamig sa isang lugar
___5.Paiba-ibang direksyon ng ihip ng hangin na nakabatay kung saan ang mas mainit o
malamig na lugar
4.7Takdang Aralin A.Gumawa ng isang linggong talaan ng temperatura sa inyong lugar sa tuwing 12:00 ng
tanghali.Itaala sa tsart gamit tulad ng nasa ibaba.(°C)

Lunes Martes Miyerkoles Huwebes Biyernes Sabado Linggo

B.Magsaliksik kung ano pa ang salik na may kinalaman sa klima ng bansa.

4.8 Paglalagom/
Panapos na a.Ang guro ay tatawag ng 2-3 mag-aaral upang makapagbibigay buod sa paksang
gawain tinatalakay.
Prepared by:
Name: Ana Marie C. Evangelista School: Sabang Elementary School
Position/Designation: Teacher I Division: Danao City Division
Contact Number: 09238987131 Email address:anamarieevangelista41@gmail.com

You might also like