You are on page 1of 3

HERACLEO CASCO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Sta. Maria Davao Occidental

Clark N. Arellano 11/27/13


BERYL (12:20-1:20 PM) AMETHSYT (4:30-5:30 PM) AQUAMARINE (5:30-6:30 PM)

BANGHAY-ARALIN
Filipino- Ikapitong Baitang

I. Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Natutukoy ang mga bahagi ng liham pangkaibigan.
Nabibigyang halaga ang kahalagahan ng pagsulat ng liham pangkaibigan bilang
isang uri ng komunikasyon.
Nakasusulat ng isang liham pangkaibigan para sa isang kaibigan, kakilala o sa
kapamilya.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Pagsulat ng liham pangkaibigan
Sanggunian:
Kagamitan: manila paper, chalk, sipi ng isang halimbawa ng liham pangkaibigan

III. Pamamaraan
a. Pang-araw-araw na gawain
Panalangin
Pagtala sa mga lumiban

b. Balik-aral
Saang bahagi ng pagsusulit ninyo noong nakaraang biyernes ang
nahirapan/nadalian kayo?
c. Pagganyak
Sino sa inyo ang nakasulat na ng liham para sa isang kaibigan o sa kapamilya?
Ibahagi sa klase ang naging karanasan mo sa pagsusulat ng liham.

d. Paglalahad ng gawain
Hahanap ng kapares ang mga mag-aaral na binubuo ng tatlong (3) miyembro.
Ibibigay ng guro ang mga sipi ng halimbawa ng isang liham pangkaibigan.
Pipili ang guro ng isang grupong siyang babasa sa liham . Habang nagbabasa
ang grupong pinili ng guro, inaasahang susundan ng ibang grupo ang
pagbabasa sa liham.

e. Pagsusuri
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na tanong:
1. Sa liham na binasa, sino ang nagpadala nito?
2. Sino naman ang pinadalhan ng liham?
3. Saan kaya nakatira ang nagpadala ng liham?
4. Sa liham, anong ibig ni Aida kay Noel kaya niya ito sinulatan?
5. Sa huling bahagi ng liham, ano naman ang nais malaman ni Noel
sa kinaroroonan ni Aida?

f. Paglalahat
Ipapaskil ng guro ang manila paper sa pisara.
Ipapaliwanag ng guro ang mga bahagi ng liham pangkaibigan na binanggit.

g. Paglalapat
Ipapangkat ang klase sa limang grupo. Bawat pangkat ay bubuo ng isang
maikling liham pangkaibigan. Pipili ng ilang grupo ang guro upang ilahad sa
klase ang ginawang liham.
Krayterya:
Nilalaman ng liham: 10 puntos
Kahusayan sa pagsulat: 5 puntos
Kabuuan: 15 puntos

IV. Pagtataya
Sa isang buong papel, susulat ng isang maikling liham pangkaibigan ang mga mag-aral sa
kanilang isang kaibigan. Gawing malinis ang pagsulat. Sundin ang tamang pormat sa
pagsusulat ng liham pangkaibigan.

V. Takdang-Aralin

Sa isang buong papel, tukuyin kung anong bahagi ng liham pangkaibigan ang nasa
ibaba:

Panuto. Tukuyin kung anong bahagi ng liham pangkaibigan ang nasa ibaba.

1._________________

2._________________
3._________________

4._________________

5._________________

You might also like