You are on page 1of 9

Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

Detalyadong Banghay-Aralin
Filipino 3

I. LAYUNIN
Sa loob ng limang pung (50) minutos, walung pung porseynto (80%) ng mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang kayarian ng pangngalan
b. Nagagamit ang mga kayarian ng pangngalan sa pakikipagtalastasan at pagsulat
c. Nakabubuo ng iba’t ibang kayarian ng pangngalan gamit ang nakita o narinig na
mga salita
d. Maipakita ang masiglang pakikilahok o kooperasyon sa loob ng klasrum

II. PAKSANG-ARALIN
PAKSA: Kayarian ng Pangngalan
Sanggunian: Landas sa Wika 3. 1997.
Materyales: Laptop, White board, marker, materyales sa pagsulat, lobo

III. Pamamaraan

a. Panimulang gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Isang mapagpalang araw din po binibini!

Kamusta naman ang aking mga mag-aaral ngayon? Mabuti naman po, kayo po ba teacher?

Mabuti rin mga bata, pero bago ang lahat ay (Isang mag-aaral ang mag boboluntaryo upang
manalangin muna tayo, maari ba na may mag manguna sa panalangin)
boluntaryo upang manguna sa ating panalangin?

Maraming salamat, ______.


(Ang mga mag-aaral ay inayos ang kanilang
Bago tayo umupo at tignan kung sino lahat ng pwesto, pinulot ang mga kalat at umupo na)
pumasok ngayong araw, nais ko muna na pulutin
ninyo ang kalat na makikita sa inyong pwesto.

Ayan, panatiliin natin na malinis at maaliwalas ang Opo, teacher!


loob ng klasrum, ayos ba iyon?

Tignan na natin sino nga ba ang ang mga (Nag simula ng kantahin ng mga mag-aaral na
nandito at wala, kapag tinawag ko ang inyong nasa klase isa isa ang kanilang paboritong linya)
pangalan ay kumanta lamang ng isang linya mula sa
iyong paboritong kanta.

Magaling at walang lumiban sa klase ngayong araw.

Naalala nyo pa kaya ang tinalakay natin noong Opo teacher, ito po ay ang pangngalan.
nakaraang linggo?
GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

Tama, ano kaya ang ibig sabihin ng pangngalan?


(Ang mga mag-aaral ay magtataas ng kamay)
Sige nga _____, ano ang pangngalan?
Ang pangngalan ay isa sa mga bahagi ng
pananalita sa wikang Tagalog. Ito ay ginagamit
upang tukuyin o bigyan ng pangalan ang mga
bagay, tao, lugar, hayop, at pangyayari.

Magaling, tama ang sinabi ni _____, na ang


pangngalan ay pagbibigay tukoy o pagbibigay
ngalan sa bawat tao, lugar, bagay, hayop, at
pangyayari.

Subukan nyo nga na sagutin ito. Anong pangngalan


kaya ang salitang nakasalungguhit?
1. Si Mariel ay kumakain ng saging. (Inaasahang sagot)
2. Si Mariel ay may alagang pusa. (Tao)
3. Gusto nyo ba na pumunta sa parke? (Hayop)
(Lugar)
Tama mga bata!

b. Pagganyak
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bago tayo tumungo sa aralin natin ngayong Opo, handing-handa na kami!
araw, naghanda muna si binibini ng isang aktibidad
na tiyak na magugustuhan nyo, handa naba kayo?

Inaanyayahan ko kayong lahat at tumayo upang (Ang mga mag-aaral ay tumayo at kinanta ang
katahan ang “bahay-kubo”. Pakinggan din mabuti kantang “bahay-kubo”)
ang liriko ng kanta dahil ito ay bibigyan nating diin
mamaya.

https://www.youtube.com/watch?v=er3EID03smc

Napakahusay nyo naman! Huwag natin kalimutan


ang importansya ng masustansyang pagkain lalo na
ng gulay sa ating katawan ayos ba iyon?

GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

c. Presentasyon
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Nabuhay ba ang inyong enerhiya sa kantang Opo, teacher ang sayang kumanta.
ating inawit?

Ngayon naman ay babalikan natin ang ilan sa mga


likirong ating nakita o narinig sa kantang bahay
kubo.

Tignan mabuti ang salitang “halaman” at “puno” Galing po ang mga salitang iyan sa inawit natin
kanina.

Ang “bahay kubo” kaya, ano ang inyong napansin? Magkahiwalay po ang dalawang salita.
Oo, tama at ito ay pinagdugtong na salita.
GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

At panghuli ay ang salitang “paligid-ligid” at “sari- Teacher, hindi po katulad sa salitang “bahay
sari”, ano ang inyong napapansin kumpara sa kubo” iyan po ay may mga gitling.
salitang “bahay kubo”?

Napaka husay na obserbasyon! Bakit kaya diba?


Maya-maya ay malalaman nating lubos kung bakit
may mga salitang simple lamang, may mga salitang
magkahiwalay at bakit may mga salitang nilalagyan
pa ng gitling.

d. Paglalahad
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Natalakay natin noong nakaraang linggo ang Ano po ang mga iyon teacher?
pangngalan, ngunit alam nyo ba na may iba’t ibang
kayarian ito?

Aalamin natin sila ngayong araw.

Ang mga salita o pangngalan ay nabubuo sa apat


na paraan, yun ay ang payak, maylapi, inuulit, at
tambalan.

Ayan ang apat na anyo ng pangngalan.

GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

Ano kaya ang tawag sa parte ng halaman na nasa


ilalim ng lupa na nagbibigay buhay dito? Teacher, ugat po.

Tama, ito ay ang ugat, katulad ng unang kayarian ng


pangngalan na ating tatalakayin.

Unahin natin ang:


1. PAYAK- Pangngalan binubuo ng salitang
ugat lamang, gaya nga ng inyong sinabi.
Halimbaw: Halaman
Puno
Sipag
Saya
2. MAYLAPI- Pangngalan binubuo ng salitang
ugat at panlapi.
Magbalik tanaw tayo, ano nga ba ang panlapi?

Sige nga _____, ano ang panlapi?


Ako po teacher, naaalala kopa ang ibig sabihin at
kung ano ang panlapi.

Ang mga panlapi ay pantgig na idinaragdag sa


Magaling! salitang ugat, mayroon itong apat na uri (unlapi,
Halimbawa: gitlapi, hulapi, at kabilaan)
na+ligo= naligo
k+um+ain= kumain
ilaw+an= ilawan
ka+lungkot+an= kalungkutan

Naiintindihan ba ang payak at maylapi?


Opo, binibini.
Magaling, ngayon naman ay bumubo ng salitang
maylapi gamit ang mga salitang payak na narinig
natin sa bahay-kubo at panlapi na aking ipapakita.

Unahin natin ang isang liriko na galing sa bahay-


kubo na “ay puno ng linga”
GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

Puno + na- =
(Ang mga mag-aaral ay magtataas ng kamay)
Sige nga ____, anong salitang maylapi ang iyong
mabubuo?
Teacher napuno po.
Tama! Napuno ang mabubuong salitang maylapit sa
“puno” na payak na salita at “na-” na panlapi.

Isa pang liriko na narinig natin sa bahay kubo ay


“ang halaman doon”

Halaman + -an =

Sige nga paano natin ito gagawing pangngalang


maylapi? Ako po teacher!
Halamanan po.
Mahusay! Halamanan ang mabubuong salita sa
aking ibinigay na payak na salita at panlaping “an”.

Isa pa, ano naman kaya ang;

Gulay + -an=
(Lahat ng mag-aaral ay sasagot)
Talagang nauunawaan nyo ang payak at maylapi, Gulayan!
magaling!

Dumako naman tayo sa pangatlong kayarian ng


Pangngalan.

3. Inuulit- Pangngalan binubuo sa


pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang
pantig ng salitang ugat o buong salitang ugat na
maaaring mayroong o walang dagdag na panlapi.

May dalawang uri din ang pangngalang inuulit.


a. Pag-uulit na ganap- ang salitang
ugat ay inuulit
Halimbawa: sari-sari
Paligid-ligid
araw-araw

b. Pag-uulit na Di-ganap- bahagi


lamang ng salitang ugat ang inuulit.
Halimbawa: kakain
Uupo
GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

Tatalon

At panghuli ay ang Tambalan.


4. TAMBALAN- Pangngalang binubuo ng
pagsasama ng dalawang magkaibang salita.

Gaya ng inuulit, maroon din itong dalawang uri.


a. Tambalang Ganap- Pagsasama ng
dalawang magkaibang salita upang magkaroon ng
bagong kahulugan ang salitang nabuo.
Halimbawa:
Hanap + buhay= hanapbuhay (trabaho)
Kapit + bisig= kapitbisig (magkaisa)
Hampas + lupa= hampaslupa (mahirap)

b. Tambalang Di-Ganap- Nananatili ang


kahulugan ng dalawang salitang
pinagsama.
Halimabawa:
Silid+aralan=silid-aralan
taong+gubat= taong-gubat
bahay+ampunan= bahay-ampunan

Laging tandaan na ang tambalan ay maaring


dalawang salita na pinag-isa o pinagdugtong ng
gitling (-).

Naiintindihan ba mga bata?


Opo, teacher!

e. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ulitin nating muli mga bata, ano nga ulit ang mga (Lahat ng mag-aaral ay sasagot)
kayarian ng pangngalan? Payak, Maylapi, Inuulit, at Tambalan

Mahusay! Isa isahin natin ulit sila, ano ang kayarian Payak po teacher.
ng pangngalan na binubuo ng salitang ugat lamang?

Ano naman ang kayarian na binubuo ng salitang Maylapi po.


ugat at panlapi?

Tama!

Ilang uri kasi ng inuulit ang mayroon tayo? Dalawa.


.
GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

Sige _____, ano ang dalawang uri ng inuulit? Pag-uulit na ganap ay ang salitang ugat ay inuulit,
habang ang pag-uulit na di-ganap ay bahagi
lamang ng salitang ugat ang inuulit.

Ilang uri kasi ng tambalan ang mayroon tayo? Ako po, teacher.
. Tambalang Ganap ay pagsasama ng dalawang
Sige _____, ano ang dalawang uri ng tambalan? magkaibang salita upang magkaroon ng bagong
kahulugan ang salitang nabuo. Tambalang Di-
Ganap naman ay nananatili ang kahulugan ng
dalawang salitang pinagsama.

Magaling! Labis akong nagagalak na nauunawaan


ninyo ang leksyon natin ngayong araw na tungkol sa
mga kayarian ng pangngalan. Ngayon naman ay
may inihanda akong grupo na gagamitin ninyo sa
pagsagot.

IV. PAGTATAYA
Panuto:
I.Gamit ng salitang nasa loob ng lobo na mapupunta sa inyong grupo, puputukin ito sa pamamagitan ng
pag-upo rito, tukuyin kung anong kayarian ito ng pangngalan at gamitin sa pangungusap ang salita.

II. Bumuo ng tambalang salita gamit ang iba’t ibang salitang nasa kahon at larawan na magsisilbing
gabay.Isulat sa white board ang sagot ng inyong grupo.

GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

(Inaasahang kasagutan)
1.Silid-aralan
2.Bahaghari
3.Bahay kubo
4. Akyat-bahay

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Kasama ng iyong ka-grupo, gumawa ng isang maikling tula na may malayang
taludturan at may tatlong saknong patungkol sa “pagmamahal sa bayan” pagkatapos makabuo ng tula
ay sasalungguhitan lahat ng posibleng kayarian ng panggalan (payak, maylapi, inuulit, tambalan). Ang
nabuong tula ay bibigkasin ng bawat grupo sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas.

Narito ang batayan sa paggawa at pag bigkas sa tula:

PAMANTAYAN SA PAG-SULAT AT PAG-BIGKAS NG TULA


PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGANG
(10-9) (8-5) PAGHUSAYAN
(4-1)
TEMA Sumunod sa temang Sinunod ang temang Hindi sinunod ang
“pagmamahal sa bayan” “pagmamahal sa bayan” ibinigay na tema.
at akma sa tulang nunit hindi gaanong
ginawa. malinaw ang mensahe.
KAYARIAN NG Naglalaman ng iba’t Naglalaman ng iilang Walang kayarian ng
PANGNGALAN ibang kayarian ng kayarian ng pangngalan pangngalan ang Nakita
pangngalan ang tula at ang tula at nagamit ito ng sa tula.
nagamit ito ng tama. maayos.
BIGKAS Wasto at napakalinaw Wasto at malinaw ang Maraming maling salita
ang pagbikas ng bawat pagbigkas ng mga salita at hindi malinaw ang
salita. pagkakabigkas ng bawat
salita.
TINIG May sapat na lakas at May malakas at malinaw Humihina at hindi
napakalinaw na tinig. na tinig. gaanong malinaw ang
tinig.
EKSPRESYON Akmang-akma at Akma at mahusay ang Walang ekspresyon ng
NG MUKHA napakahusay ng mga ekspresyon ng mukha. mukha ang ipinakita.
ekspresyon ng mukha.

Inihanda ni: Ricaella Rose C. Macapayag


GRADE SCHOOL
PAASCU Level III Re-Accredited

You might also like