You are on page 1of 8

Republic of the

Philippines
North Eastern Mindanao State University
LIANGA CAMPUS
Lianga, Surigao del Sur
Website: sdssu.edu.ph

MASUSING BANGHAY-
ARALIN
Sa
Filipino 101
(Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya)

1st Semester A.Y. 2022-2023


DepEd K to 12 Paaralan: Gata Integrated School Baitang: 1
DAILY LESSON Guro: Harvey S. Badilla Asignatura: FILIPINO
PLAN Petsa: November 17, 2022
(MASUSING Seksyun: A Oras: 7:30 AM Araw: Lunes
BANGHAY-
ARALIN)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
Pangnilalaman napakinggan.

B. Pamantayan Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag na sariling


sa Pagganap ideya,kaisipan, karanasan at damdamin.

MELC:
Tiyak na Layunin: sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
C. Mga Kasanayan
sa pagkatuto 1. Napapantig ang mga salita. F1KP-IId-3
2. Nabibilang ang pantig sa isang salita. F1KP-IIE-4
3. Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na pantig na
natutuhan sa aralin. F1PY-IIe-i—2.1: f 2.2
Paksa: Pantig

Sanggunian:
II. NILALAMAN Internet: www.filipinohomeschooler.com
Pokus ng mga tanong:
1.) Ano ang pantig?
2.) Paano malalaman kung ilang pantig ang isang salita?
IV. MGA
KAGAMITAN
1. Iba pang
gamitang Laptop, power point presentation, mga imahe/larawan
panturo
2. Gawaing Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
pangklase (teacher’s activity) (Student’s Activity)
1. Panalangin
Bago tayo magsimula ng ating talakayan.
Tumayo muna tayong lahat at tayo’y
manalangin. (Ang mga mag-aaral ay tatayo)

Andrew, pangunahan mo ang ating Opo! guro


panalangin.

…… sa ngalan ng ama, ng anak at ng


Ispiritu santo, Amen!

Maaari na kayong umupo! Salamat! guro

2. Pagsusuri ng Atendans

Tatawagin ko ang inyong pangalan isa-isa


para sa ating atendans. Sa halip na
“narito po” ang isagot, sabihin niyong
“DARNA” palatandaan na kayo ay narito
sa klase.Pag di nakasabi ng “DARNA” ibig
sabihin ay wala sa klase.
Malinaw ba ang lahat klas? Opo! Guro.

Abong, Centhia S. Darna


Abos, Christian Darna
…………………..

Mahusay, sapagkat wala ni isa ang (nagpalakpakan ang mga mag-aaral)


lumiban sa klase natin ngayon.

3. Pagpapaliwanag sa health protocol


gayong na sa pandemya pa rin tayo.

Dahil sa meron pa tayong pandemya


at dahil sa banta ng covid 19 virus, ang
lahat ay dapat nakasuot ng face mask,
panatilihin ang dalawang metro na pagitan
sa bawat isa at gumamit ng alcohol
pagkatapos humawak kahit saan para
maiwasan natin na mahawaan sa virus.

Naintindihan ba mga bata? Opo! Guro.

4. Pagpapaliwanag sa layunin at mga


reminder sa klase ngayong araw.

Sa ating talakayan ngayong araw, ay


malalaman niyo kung ano nga ba ang
salitang pantig sa Filipino. Aalamin natin
kung paano pagpapantigin ang isang salita,
bibilangin kung ilang pantig ang meron sa
isang salita at higit sa lahat, magkakaroon
tayo ng pagbabaybay ng mga salita ng higit
pa sa dalawa o tatlong pantig na matutunan
niyo ngayong araw sa ating aralin.

Malinaw ba mga bata?


Opo! Guro

Paalala lamang, ang lahat ay dapat makinig


pag nagsisimula na ang ating talakayan
nang sa gayun ay mauunawaan ninyo ating
tatalakayin ngayon.

Ayos ba yun mga bata?


Ayos po! Guro

At dahil handa na kayo sa ating


pagtatalakay, tayo ay magsisimula na sa
ating talakayan. So seat back,relax at mag
enjoy ang lahat.

Hep! hep!
Hooray!

Hooray!
Hep! Hep!
V. PAMAMARAAN/
STRATEHIYA

Magandang umaga, mga bata! Magandang umaga din po,Guro.

Isang panibago at magandang tagpo


na naman ang ating araw ngayon.
Handa na ba kayo sa ating talakayan Opo,Guro
ngayong araw? Handa na po kami.

Bago tayo tumungo sa paksang


A. Balik-aral sa tatalakayin natin ngayon,
nakaraang aralin Sino ang makapaglahad sa klase ng
bago ang tinalakay natin noong nakaraang
pagsisimula ng tagpo?
bagong aralin.
Ano ang paksa ng tinalakay natin
kahapon? Ikaw, Daniel? Ang paksa sa tinalakay natin kahapon
ay patungkol sa pandiwa.

Napakahusay! Bigyan natin si Daniel (nagpalakpakan ang mga bata)


ng 5 bagsak ng ating palakpak.

Ano naman ang pandiwa?


Yes angelu? Ang pandiwa ay nangangahulugang
salitang kilos.

Mainam! sapagkat kayo talaga ay


nakinig sa ating pagtatalakay kahapon.
Bigyan nating ng 5 bagsak ng ating
mga palakpak si Angelu. (nagpalakpakan ang mga bata)

PANGGANYAK: Bilangin mo ang


pantig ko!

Panuto: isulat ang mga salita sa inyong


papel na nakasulat sa loob ng kahon at
tukuyin kung ilang pantig ang meron sa
mga salita na inyong nakikita.

Pag kayo ay natapos na, Tatawag ako


ng lima sa inyo para sagutan kung
ilang pantig ang meron sa mga
salitang nakasulat Bibigyan ko lamang
kayo ng 5 minuto sa pagtukoy.

Malinaw ba ang lahat,klas? Malinaw po, Guro

Ako
Tayo
Lahat
Sila
Radyo

Tapos na ba ang lahat? Opo, Guro

Ikaw, Era? Ilang pantig ang meron sa


salitang “ako”? 2 po, Guro, /a/ at /ko/
Very good!

Ikaw naman rose, ilang pantig ang


meron sa salitang “lahat”? 2 din po, Guro. /la/ at /hat/

Very good!

Ikaw, Jhun? Ilang pantig ang meron sa


salitang “tayo” 2 po, Guro. /Ta/ at /yo/

Mainam!

Ikaw, jona? Ilang pantig meron ang


salitang “radyo”? 2 din po, Guro. /Rad/ at /yo/

Very good!

At panghuli, ikaw naman jaylord? Ilang


pantig meron ang salitang “sila”? 2 po, Guro. /si/ at /la/

Perfect! Di pa tayo niyan nagsimula sa


ating klase ngunit tila bay alam niyo na
agad.

Bigyan natin ng malakas na palakpak (nagpalakpakan ang mga bata)


ang ating mga sarili.

B. Paghahabi ng
layunin Marahil kayo ay nagtataka bakit
ganoon ang ating unang pagtataya.
Sapagkat ang pagpapantig ay ang
paksang tatalakayin natin ngayon.

Handa na ba kayo makinig? Handa na po kami, Guro.

Ang salitang pantig ay ang galaw ng


bibig, saltik ng dila na may kasabay na
tunog ng lalamunan o walang antalang
bugso ng tinig sa pagbigkas ng mga
salita.

Halimbawa:

 Baso - /ba/-/so/
 Ulap- /u/-/lap/
 Damit- /da/-/mit/
 Plastik-/plas/-/tik/
 Pilipino- /pi/-/li/-/pi/-/no/

Sa salitang baso, ilang pantig meron


ito? 2 po,guro.

Yes, meron itong dalawang pantig, ang


salitang ba at so.

Sa salitang Ulap, ilang pantig meron


ito? 2 po, Guro

Tama, dalawa. Ito ay ang salitang U at


lap.

Paano naman sa salitang Pilipino? 4 po, guro


Ilang pantig meron ito?
Tama, meron itong apat na pantig. Ito
ay ang salitang Pi-li-pi-no.

Magaling, sapagkat madali niyong


natutuhan ang ating tinalakay ngayon. (nagpalakpakan ang mga bata)
Bigyan ng palakpak ang bawat isa.

At para lubos niyong maunawaan pa


ang paksang tinalakay natin ngayon,
meron akong ipapakitang isang bidyo
patungkol sa ating klase ngayon.

Naunawaan ba ang nilalaman ng Naunawaan po namin Guro.


bidyong iyong Nakita?

Dumako naman tayo sa mga kayarian


ng pantig.

Sa wikang filipino, ang sampu na


pormasyon ng pantig ay ang mga
sumusunod.
P-(patinig)
KP-(katinig-patinig)
PK-(Patinig-katinig)
KPK-(katinig-patinig-katinig)
PKK-(patinig-katinig-katinig)
KKP-(Katinig-katinig-patinig)
KKPK-(katinig-katinig-patinig-
katinig)
KKPKK-(katinig-katinig-patinig-
katinig-katinig)
KPKK-(katinig-patimig-katinig-
katinig)
KKPKKK-(katinig-katinig-
patinig-katinig-katinig-katinig)

Halimbawa:

P a-so
KP Pu-sa
PK Es-trang-he-ro
KPK Bar-ko
PKK Ins-tru-men-to
KKP Pro-tes-ta
KKPK Plas-tik
KKPKK Tsart
KPKK Nars
KKPKKK shorts

C. pagtalakay sa PAGTALAKAY/PAG-UNAWA:
bagong konsepto a. Pangkatang Gawain.
at paglalahad ng Panuto: Ang buong klase ay hahatiin
bagong kasanayan.
sa 4 na grupo. Hahanap kayo ng mga
salita na merong 5 o higit pa sa lima
ang pantig. Pagkatapos ng inyong
gawain ay iuulat ninyo ito sa klase.

Naunawaan ba mga bata? Naunawaan po,Guro

Simulan na ang pagbilang. (nagbilang na nag mga bata para sa


kanilang pangkat)

Para sa pangkat 1, ikaw Daniel ang


leader.

Para sa pangkat 2, ikaw naman Era.

Para sa pangkat 3, ikaw naman josiel.

At para sa pangkat 4, ikaw naman


rose.

Ngayon ay sisimulan na natin ang pag-


uulat. Kayo pangkat 1 ang mauna. (Nag-uulat ang pangkat 1)

Very good! pangkat 1. (nagpalakpakan ang mga bata)

Kayo naman, pangkat 2. (Nag-uulat ang pangkat 1)

Kay husay! Pangkat 2. (nagpalakpakan ang mga bata)

Susunod ay ang pangkat 3. (Nag-uulat ang pangkat 1)

Very good kayo! pangkat 3. (nagpalakpakan ang mga bata)

At panghuli, pangkat 4. (Nag-uulat ang pangkat 1)

Impressive! dahil naunawaan Ninyo (nagpalakpakan ang mga bata)


ang ating talakayan.

D. Paglinang sa PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN: (HANAPIN ANG BILANG NG PANTIG)


kabihasaan Panuto: Hanapin sa kabilang kahon o sa Hanay B ang bilang ng pantig na
(formative nakasulat sa isa pang kahon o sa Hanay A. I konek lamang ang salita sa bilang
assessment)
ng pantig.

Hanay A Hanay B.

1. siya 4
2. sila 3
3. lumangoy 2
4. tumatakbo 1
5. nakapagtataka 6

E. Pagtataya: PERFORMANS: (PANGHULING GAWAIN)


Paglalahat ng Panuto: Ang bawat isa sa inyo ay gagawa ng isang sanaysay patungkol sa
Aralin paksang tinalakay natin sa araw na ito. Kayo ay bibigyan ng puntos batay sa ating
rubriks na makikita sa ibaba.

RUBRIKS
Lubos na Naipamala Hindi gaanong
PAMANTAYAN naipamalas s naipamalas
(10) (7) (5)
Pagkamasining
Maayos ang organisasyong
ng mga ideya
May orihinalidad
May dating sa madla
May kaugnayan sa paksang
tinalakay
Pokus na mga tanong: (1). Ano ang salitang pantig? (2). Ano ang kahalagahan ng
pantig? (3). Paano nabibilang ang mga pantig ng bawat sa salita?

Basi sa ipinakita ninyo ngayon sa ating


talakayan. Ako’y lubos na nasiyahan
sapagkat nauunawaan talaga Ninyo
ang ating pagtatalakay ngayon. Bigyan
natin ng masigabong palakpak ang (Nagpalakpakan ang mga bata)
bawat isa!

At para sa inyong takdang aralin.

Takdang Aralin:

Panuto: Humanap ng sampung salita


sa diksiyonaryo na makikita ang
sampung kayarian ng pantig.

Wala na bang katanungan klas? Wala na po,Guro


Dahil wala na kayong katanungan ay
pwede na kayong umuwi.

Paalam na mga bata! Paalam na po Ginoong Badilla!

Inihanda ni: Harvey S. Badilla

You might also like