You are on page 1of 17

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay magkakamit ng 80% ng mga


kasanayan na;

1. Naipapaliwanag ang pitong uri ng pokus sa pandiwa at kaganapan ng pandiwa.


2. Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangungusap sa bawat pokus at kaganapan ng
pandiwa.
3. Natutukoy kung anong pokus at kaganapan ng pandiwa ang taglay ng inilahad na
pangungusap.
4. Nagagamit ng wasto ang aspekto ng pandiwa.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Aspekto (Pokus at Kaganapan ng Pandiwa)

Sanggunian: Internet

Kagamitang Pampagtuturo: Powerpoint Presentation at Google Classroom

III. Pamamaraan

A. PANIMULANG GAWAIN

1.Pagbati
Magandang umaga Klas! Magandang umaga din po sa inyo
mam Jasmin.

2. Panalangin
Bago tayo magsimula ay tayo Iyuko po natin ang ating ulo at ipikit
munang mag tagubilin sa ating ang ating mga mata. Panginoon,
panginoon at pangungunahan nito ni salamat po sa panibagong buhay na
Jayson. ipinagkaloob niyo po sa amin upang
makapag-aral. Bigyan mo po kami
ng karunungan at kaalaman na
nagmula sayo para maunawaan
namin ang ituturo sa amin ng aming
guro. Sayo na po namin
ipinagkakatiwala ang lahat sa
pangalan ni Hesus, Amen.
3. Pagsasaayos ng silid
Klas, bago tayo mag siupo pulutin
niyo po muna ang mga kalat na
inyong nakikita at ayusin ang inyong
(Pinulot ang mga kalat, inayos ang upuan at
upuan.
umupo)
4. Pagtatala ng mga Lumiban
Bago tayo magsimula sa umagang
ito nais kong malaman kung sino
ang lumiban sa araw na ito.

Sino-sino ba ang mga lumiban sa


araw na ito? Meron ba o wala?
Magaling at kumpleto kayong lahat.
Kung gayon ay dumako na tayo sa Wala po mam
ating susunod na gagawin.

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

B. BALIK-ARAL (opsyonal)

Bago natin simulan ang ating klase ngayong


araw ay nais ko lamang na ating balikan ang Mam, ang ating tinalakay kamakailan lang ay
unang paksa na ating tinalakay kamakailan ang mga bahagi ng pangungusap.
lang. Meron bang nais na sumagot sa kung ano
ang naging unang paksa natin?

MAGALING! Tama ang iyong sagot Pat.

C. PAGGANYAK
(may ipapakita ang guro ng ginulong salita at
tukuyin nila ito kung ano ang nabuong salita.)

DIPWANA
Sinong gustong sumagot sa number 1? mam, ako po.
Ikaw Patrick ano ang iyong sagot? Pandiwa po
Magaling Tama ang iyong sagot
Bigyan siya ng tatlong palakpak (pumalakpak ang mga estudyante ng tatlong
beses)

D. PRESENTASYON
Ang ating tatalakayin ngayong umaga ay ang
Aspekto ng Pandiwa, Pokus sa Pandiwa at
Kaganapan ng Pandiwa.

(Magtatawag ang guro ng estudyanteng


mag babasa ng layunin.)

Maari mo bang basahin ang ating layunin (babasahin ni Kisshey ang layunin na nasa
Kisshey? screen)
Maraming Salamat Kisshey
Klas, kapag naririnig niyo ang salitang Ito po ay nag sasaad ng kilos o galaw mam!
Pandiwa ano ang kahulugan nito sa inyo?

Tama!

Ang PANDIWA o ang tinatawag na “verb” sa


english ay salitang tumutukoy sa kilos o galaw
ng salita o mga salita sa loob ng pangungusap.
Kakaiba ang pandiwa sa wikang Filipino dahil
ito ay naaayon sa aspekto, pokus, kaganapan at
iba pa.

Klas! Upang lubos pa ninyong maunawaan


kung ano ang pandiwa. Magbibigay ako ng
mga halimbawa.

Panuto: Tukuyin ang pandiwa sa mga


sumusunod na pangungusap.
1. Mahusay umawit si Kuya Carlo. (Magtaas ng kamay ang nais na sumagot)
2. Tumatawa ng mag-isa si Zea sa sulok.
3. Hindi ko alam kung bakit ako malungkot.
4. Kumakain na pala kayo?
5. Tumakbo ng matulin si Gian.

Sa unang bilang, ano ang pandiwang ginamit?


osige ikaw Belle ano ang iyong sagot?

Magaling! Mam, ako po!


Umawit po.
Sa pangalawang bilang naman mga anak?

Mahusay!
Tumatawa po.
Sa pangatlong bilang naman? Sinong nais na
sumagot?

Magaling! Malungkot po mam.

Sa pang-apat na bilang naman?

Mahusay!
Kumakain po.
Sa panghuling pangungusap naman ay?

Magaling! At dahil jan ay lahat ng sumagot ay


makakatanggap ng kendi kay mam. Tumakbo po mam.
Pumili ang mga nakasagot kanina.
(pumila ang mga bata at kinuha ang
kani-kanilang kendi at sabay sabi ng “Salamat
po mam”)
Ipinapakita ng mga kilos na ito kung kailan
nangyari, nangyayari o mangyayari ang isang
kilos o galaw. Ang tawag dito ay Aspekto ng
Pandiwa.

Aspekto ng Pandiwa

1. Perpektibo (naganap)

- Ang perpektibo ay tumutukoy sa pandiwa na


naganap na, nangyari na o tapos na. Ito ay
gumagamit ng panlaping na-, nag-, ni- at -in-.

Halimbawa ng Perpektibo

naglaro nagluto

binasa tinapon nadapa

Klas! Maaari niyo bang gawan ng


pangungusap ang ibinigay kong halimbawa?

(magtaas ng kamay ang gustong sumagot)

Si Luis ay NAGLARO.
Magaling mga anak! Salamat sa mga BINASA ni joy ang libro.
sumaagot. Si Elmer ay NAGLUTO ng sinigang.
TINAPON ni DJ ang sirang laruan.
2. Imperpektibo NADAPA si Jonna sa parke.
- Ang imperpektibo naman ay tumutukoy sa
pandiwa na kasalukuyang nagaganap,
kasalukuyang nangyayari o kasalukuyang
ginagawa. Ito ay gumagamit ng panlaping nag-
at -in- at may inuulit na pantig.

Halimbawa ng Imperpektibo

1. Si Nanay ay naglalaba sa batis.

2. Kumakain ng tinapay ang aso.

3. Sumasayaw ang bunso kong kapatid sa sala.

4. Umiinom ng alak si itay kahit bawal ito sa


kanya.
5. Si Ate ay nag-aaral ngayon para sa pasulit
nila bukas.

Klas! Maaari ba kayong magbigay ng sariling


niyong halimbawa?

(Mag tataas ng kamay ang mga estudyanteng


nais sumagot.)

Siya ay naglilinis sa hardin.

Nag-eensayo ng pagkanta ang aking kapatid.


Mahusay!
Nagluluto ang aking ate ng aming tanghalian.

3. Kontemplatibo
- Ang kontemplatibo ay nagpapahayag ng
pandiwa na magaganap pa lamang, mangyayari
pa lamang o gagawin pa lamang. Ibig sabihin
ay hindi pa nasisimulan ang kilos o galaw. Ito
ay gumagamit ng panlaping mag- at ma- at
kadalasang inuulit din na pantig.

Halimbawa ng Kontemplatibo

1) Ang mga mag-aaral ay papasok sa sa


paaralan sa darating na Agosto ng taong ito.

2) Pupunta kami sa bukid sa isang buwan


(magtataas ng kamay ang mga estudyante na
kung matatapos na ang krisis sa COVID-19. nais na magbasa)
3) Ako ay maghahanda ng mga bagay na
madaling dalhin kung magkakaroon ng isang
kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

4) Magdadala kami ng mga pagkain at gamot


bukas sa mga nasalanta ng sunog sa kabilang
barangay.

5) Sina Vincent at Jonathan ay tatakbo sa


darating na Linggo sa "fun run" kung saan ang
mga malilikom na pera at donasyon ay
ibibigay sa sa bahay-ampunan.
Pwede bang paki basa ang mga halimbawa ng
kontemplatibo?

Klas! Iyan ang mga halimbawa ng


kontemplatibo. Naiintindihan niyo ba mga
anak?

At ang panghuling Aspekto ng Pandiwa ay


ang…

4. Perpektibong katatapos

- Nagsasaad ito ng kilos na kayayari o


katatapos lamang bago nagsimula ang
pananalita. Nabubuo ito sa pamamagitan ng
paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang
katinig-patinig o patinig na salitang-ugat.

Halimbawa ng Perpektibong katatapos

1.kaliligo pa ni Maria.

2.kakakain ko pa.

3.kalalaba pa ng iyong ina.

4.kakaalis lang ng ama mo.

5.kasusulat ko pa.

Klas! Maaari ba ulit kayong magbigay ng (Magtataas ng kamay ang mga estudyanteng
sariling niyong halimbawa? nais sumagot.)

Wala pa akong masuot kasi kalalaba ko pa


lang ng aking mga damit.
Huwag kang mag-alala mama, kasusulat ko na
ang aking proyekto.
Kaliligo pa lamang ni Peter kaya mga 5 minuto
pa siya bago maka alis.
Mahusay! Salamat Klas, sa inyong mga sagot.

Kung nauunawaan na ninyo ang ating aralin.


May inihanda akong aktibidad na iyong
gagawin tungkol dito sa Aspekto ng Pandiwa.
Isulat ito sa inyong kwaderno.

Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga


sumusunod na pandiwa at ang kanilang
aspekto.

1.Sakripisyo (Kontemplatibo)
2. Gawad (Perpektibong Katatapos) (at nagsagot ng tahimik ang mga estudyante)
3. Talima (Imperpektibo)
4. Nagluto (Perpektibo)
mam, Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
Ang susunod na naman na ating tatalakayin sa taglay na panlapi ng pandiwa.
araw na ito ay… Pokus ng Pandiwa

Kayo ba Klas ay may ideya kung ano ang


pokus ng pandiwa?

Tama! bigyan siya ng dalawang Woot! Woot!

Pokus ng Pandiwa
- Ang Pokus ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa
ng isang pangungusap. Ito’y naisasalarawan sa
pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Kaya naman, nabibigyan ng pokus ang
pandiwa ayon sa mga nagaganap sa posisyong
pampaksa o pansimuno ng pangungusap.

Mga anak may pitong uri ng pokus ng


pandiwa. Iisa-isahin natin ito para inyong lubos
na maunawaan. Magsisimula tayo sa:

1.Pokus sa Tagganap o aktor


- Ipinakikita nito na ang paksa ang nagsisilbing
tagaganap ng mismong kilos na nagsasaad ng
pandiwa sa isang pangungusap. At ang
palatandaan dito ay sumasagot sa tanong na
“sino”.

Halimbawa:

1. Si Maria ay kumain ng mangga

2. Ang magkapatid ay nagsusulat ng kanilang


takdang aralin.

Klas! pag ba sinabi nating Pokus sa Tagaganap


o Pokus sa Aktor? Sino ang tinutukoy dito?
(Magtataas ng kamay ang mga estudyanteng
nais sumagot.)

Tama! Ang iyong sagot anak. Yung taong gumawa po ng kilos.

2.Pokus sa Layon o gol


- Ito ay tumutukoy sa layon na siya mismo ang
paksa na binibigyang diin dito. At ang
palantaan naman dito ay sumasagot sa tanong
na ano.

Halimbawa:

1. Nagbigay ng bigas ang mga boluntaryo.

2. Ang gaganda ng mga rosas na dala niya.

Magbigay pa nga kayo Klas ng halimbawa ng


Pokus sa Layon o gol.

(Magtataas ng kamay ang mga estudyanteng


nais sumagot.)

Inihanda na ni rose ang mga pagkain.

Iniabot ni Dominic ang libro sa kanyang guro.

Mahusay!
Klas! Sa ibinigay ninyong halimbawa ng Pokus (Magtataas ng kamay ang mga estudyanteng
sa Layon. Maari niyo bang ibigay ang salita na nais sumagot.)
nangangahulugan na isang Pokus sa Layon?

Mam, Sa una po ang Pokus sa Layon ay ang


INIHANDA. At sa pangalawang halimbawa
naman ay Iniabot.

Tumpak! Napakagaling niyo naman klas.


Kung gayon ay magtungo na tayo sa
pangatlong Pokus ng Pandiwa. At ito ay ang:

3.Pokus sa Ganapan o lokatib


- Ang pokus dito ay ang lugar o pook na
pinangyarihan mismo ng kilos. Ang
palatandaan naman dito ay sumasagot sa
tanong na saan.
Halimbawa:

1. Pumunta ang mag-ina sa supermarket para


bumili ng pagkain. (nagtanong ang isang estudyante)

2. Dumayo sila ng parke para mamasyal. (Nagtaas ng kamay ang nais na magtanong sa
guro.)

Mam, sa binigay niyo pong halimbawa ng


Pokus sa Ganapan o Lokatib. Ano po ba diyan
ang nagpapakita ng Pokus sa Ganapan o
Lokatib?

Sa unang Halimbawa ang ipinapakitang Pokus


ng Ganapan o Lokatib ay ang Supermarket at
ang pangalawang halimbawa naman na
nagpapakita ng Pokus ng Ganapan o Lokatib
ay ang parke. Dahil ito ay sumasagot na kung
saan ginanap ang pangyayari.

Naunawaan ba klas? Opo mam, Maraming Salamat po!


4. Pokus sa Tagatanggap

- Ang paksa ng pangungusap ay ang tao o


bagay na nakinabang sa kilos. Kadalasang
ikinakabit sa pandiwa ang mga panlaping i0,
-pag, at ipa-

Sumasagot sa tanong na "para kanino" "para


saan"

Halimbawa:

1. Ipinaayos ni Ben ang sala dahil may


paparating na bisita.

2. Inihanda ni Inay ng masarap ng hapunan si


Itay.

Klas! Magbigay pa nga kayo ng halimbawa ng


Pokus sa Tagatanggap.
(Nagtaas ng kamay ang nais na sumagot.)

Ipinagdiwang nila ang kanyang kapanganakan.


Ibinili ni Draco ng pasalubong si Lolo.
Kami ay ipinagluto ni Ate ng Adobo.

Tama, Mahusay!

5. Pokus sa Gamit o Pokus sa Instrumental

- Ang paksa ng pangungusap ay ang bagay na


ginamit upang maisagawa ang kilos.
Kadalasang ikinakabit sa pandiwa ang
panlaping ipinang- ay ipang-

Sumasagot sa tanong na "ano ang ginamit


upang magawa ang kilos"

Halimbawa:

1. Ipinamunas ni Joy ang bagong tuwalya.


2. Hiniwa niya ang kalamansi sa pamamagitan
ng tinidor.

3. Namalantsa siya ng mga damit gamit ang


plantsa.

Klas! Magbigay pa nga kayo ng halimbawa ng


Pokus sa Gamit o Pokus sa Instrumental.

(Nagtaas ng kamay ang nais na sumagot.)

Ipinanungkit nila ng bayabas ang patpat.


Mahusay! Meron pa bang ibang sagot?

Wala na po mam.

6.Pokus sa Sanhi

- Ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung ang


paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng
kilos. Ang simuno o paksa ang nagpapahayag
ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.

Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, ika-, o


ikina-. Sinasagot nito ang tanong na “bakit?”

Halimbawa:

1. Bumagsak siya sa Biology dahil hindi


nagaaral.
2. Nilagnat siya dahil sa sobrang pagod niya

7.Pokus sa Direksyon

- Pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o


tinutongo ng kilos. Ang simuno o paksa ang
nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap.

Ginagamitan ito ng mga panlaping -an, -han,


-in, o -hin. Sumasagot ito sa tanong na “tungo
saan o kanino?”

Halimbawa:

1. Nagpunta siya sa kanang bahagi ng


simbahan.
2. Nagtungo siya sa kanlurang bahagi ng
Pilipinas.
Klas! Kung nauunawaan niyo ang ating
tinalakay. Ano-ano ulit ito?
Pokus sa Tagaganap o Pokus sa Aktor
Sige Jhas! Pakibanggit ang pitong uri ng Pokus Pokus sa Layon
ng Pandiwa. Pokus sa Ganapan o Pokus sa Lokatib
Pokus sa Tagatanggap
Pokus sa Gamit o Pokus sa Instrumental
Pokus sa Sanhi
Pokus sa Direksyon

Tumpak Jhas!

Klas! Bigyan siya ng tatlong padyak.

Napakahusay! At kung inyong nauunawaan na


ang mga Pokus ng Pandiwa. Dumako naman
tayo sa ating pang huling tatalakayin sa araw
na ito. Ito ay ang Kaganapan ng Pandiwa.

May ideya ba kayo kung ano ang Kaganapan


(Nagtaas ng kamay ang nais na sumagot.)
ng Pandiwa?
Ito po ay ang relasyon ng pandiwa sa panaguri
ng pangungusap.

Tama! Mahusay!

Kaganapan ng Pandiwa
Ang kaganapan ng pandiwa ay tumutukoy sa
bahagi ng pangunahing nagpapahayag ng ganap
na kahulugan sa pandiwa.

May Pitong Uri na naman ng Kaganapan ng


Pandiwa. Isa-isahin natin ito upang inyong
maunawaan.

1. Kaganapang Tagaganap – bahagi ito ng


pang uri na gumaganap sa kilos ng
ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa:

Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal


na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
Klas! Sa anong salita ang nagpapakita ng
Kaganapan ng Tagaganap?
Mam, mamamayan po.
Ibigay nga ito klas.

Magaling!

2. Kaganapang Layon – bahagi ng pang uri


na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o
ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa:

Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at


mag-aaral, sapangdating ng mga panauhin.
Klas! Sa anong salita ang nagpapakita ng
Kaganapang Layon.
Palatuntunan po.
Ibigay nga ito klas.

Magaling! Magaling! Ako’y natutuwa dahil


nauunawaan ninyo ang ating tinatalakay.

3. Kaganapang Tagatanggap - bahagi ito ng


pang uri na nagpapahayag kung sino ang
tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Kalimitan
ditong ginagamit ang panandang para sa o
para kay.

Mga Halimbawa:

Nagbigay ng donasyon ang GMA para sa mga


nasalanta ng malakas na lindol.
Nagbuwis ng buhay si Simoun para sa mga
Pilipino.

4. Kaganapang Ganapan - bahagi ito ng pang


uri na nagsasaad ng lugar o pook na
ginagampanan ng kilos ng pandiwa.
Panandang sa ang ginagamit dito.

Mga Halimbawa:
1. Nanood ng sine si Lara sa mall.
2. Pupunta kami sa Korea.
5. Kaganapang Kagamitan - nagsasaad ng
bahaging ito ng pang uri ng bagay o
instrumentong ginagamit upang maisagawa
ang kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito ng
panandang sa pamamagitan ng.

Mga Halimbawa:
1. Nilinis niya ang mga kalat sa pamamagitan
ng walis at pandakot.
2.Gumawa siya ng banga sa pamamagitan ng
luwad.

6. Kaganapang Direksyunal - bahagi ito ng


pang uri na nagtuturo sa direksyon ng kilos na
taglay ng pandiwa. Ginagamit na pananda ang
pang-ukol na sa.

Mga Halimbawa:
1. Namasyal sila sa BGC buong araw.
2. Nagliwaliw sila sa Pasig kagabi.

7. Kaganapang Sanhi - ang bahaging ito ng


panaguri ay nagsasabi ng dahilan ng
paglaganap ng kilos ng pandiwa. Ginagamit na
pananda ang pariralang dahil sa.

Mga Halimbawa:
1. Napaiyak si Jose dahil sa matinding
kalungkutan.
2. Nagtagumpay siya dahil sa kasipagan at
diskarte sa buhay.

E. APLIKASYON
Naunawaan niyo ba klas ang aspekto ng
pandiwa, pokus ng pandiwa at kaganapan ng
pandiwa?
Opo mam, Nunawaan po naming lubos.

Ngayon klas ang bumilang kayo ng 1


hanggang 3 at magpunta kayo sa inyong mga
grupo.
Nais kong gumawa kayo ng tig-lilimang
pangungusap batay sa ating tinalakay ngayong
araw.
Ano-ano nga ulit yung tatlong iyun?
(nagtaas ng kamay ang mga estudyante na nais
sumagot.)

Aspektong Pandiwa

Pokus ng Pandiwa

Kaganapan ng Pandiwa
Tumpak! Ngayon ay gumawa na kayo ng
tahimik.
Bibigyan ko lamang kayo ng labinlimang
segundo upang magsagot.
Magsimula na.

(pagtapos ng labinlimang segundo) (tahimik na ipinasa ang mga papel sa guro.)


Ipasa na ang mga papel klas.

Ngayon ay lubos niyo ng nauunawaan ang


ating mga tinalakay. Bigyan ng palakpak ang
inyong mga sarili dahil kayo ay napagaling.

F. PAGLALAHAT
Kung ganun ay maaari niyo bang ibigay ang mga (nagtaas ng kamay ang mga estudyanteng nais
uri ng aspektong pandiwa. sumagot)

Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
Perpektibong Katatapos

Magaling! Magaling
(nagtaas ng kamay ang mga estudyanteng nais
Ano naman ang mga uri ng Pokus ng Pandiwa. sumagot)
Ibigay nga ang mga ito.
Pokus sa Tagaganap o Pokus sa Aktor
Pokus sa Layon
Pokus sa Ganapan o Pokus sa Lokatib
Pokus sa Tagatanggap
Pokus sa Gamit o Pokus sa Instrumental
Pokus sa Sanhi
Pokus sa Direksyon
Mahusay Klas!

Ano naman ang mga uri ng Kaganapan ng


Pandiwa?
Ibigay nga ang mga ito klas.
Kaganapang Tagaganap
Kaganapang Layon
Kaganapang Tagatanggap
Kaganapang Ganapan
Kaganapang Kagamitan
Kaganapang Direksyunal
Kaganapang Sanhi
Napaka Galing niyo naman klas.

Kung ganon ay dumako na tayo sa Pagtataya.

G. PAGTATAYA

Ngayon naman ay dadako tayo sa ating


maikling pagsusulit.Kumuha ng 1/4 na papel at
sagutan ang nasa pisara.Mayroon lamang
kayong 20 minuto para sagutin ang mga
tanong.

1. tinatawag na “verb” sa english ay


salitang tumutukoy sa kilos o galaw ng
salita o mga salita sa loob ng
pangungusap.
2. Ito ay tumutukoy sa pandiwa na
naganap na, nangyari na o tapos na. Ito
ay gumagamit ng panlaping na-, nag-,
Mga sagot:
ni- at -in-.
3. Ang tawag sa relasyong pansemantika 1. Pandiwa
ng pandiwa sa simuno o paksa ng isang 2. Perpektibo
pangungusap. 3. Pokus ng Pandiwa
4. Nagsasaad ito ng kilos na kayayari o 4. Perpektibong katatapos
katatapos lamang bago nagsimula ang 5. Pokus sa Layon o Gol
pananalita. 6. Pokus sa Gamit o Pokus sa Instrumental
5. Ito ay tumutukoy sa layon na siya 7. Kaganapan ng pandiwa
mismo ang paksa na binibigyang diin 8. Kaganapang Tagatanggap
dito. 9. Kaganapang ganapan
6. Sumasagot sa tanong na "ano ang 10. Kaganapang Direksyunal
ginamit upang magawa ang kilos"
7. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng
pangunahing nagpapahayag ng ganap
na kahulugan sa pandiwa.
8. Kalimitan ditong ginagamit ang
panandang para sa o para kay.
9. Bahagi ito ng pang uri na nagsasaad ng
lugar o pook na ginagampanan ng kilos
ng pandiwa.
10. Bahagi ito ng pang uri na nagtuturo sa
direksyon ng kilos na taglay ng
pandiwa

Ipasa na ang inyong papel sa harapan.

V. TAKDANG ARALIN

Tukuyin kung ito ay Aspekto ng Pandiwa,


Pokus ng Pandiwa o Kaganapan ng
Pandiwa.

Isulat ulit ito sa ¼ na papel.

1. Si Elmer ay nagluto ng sinigang.

2. Ang magkapatid ay nagsusulat


ng kanilang takdang aralin.

3. Kakaalis lang ng ama mo.

4. Pupunta kami sa Korea.

5. Nanood ng sine si Lara sa mall. Mga sagot:

6. Bumagsak siya sa Biology dahil 1. Aspekto ng Pandiwa


hindi nagaaral. 2. Pokus ng Pandiwa
3. Aspekto ng Pandiwa
7. Pumunta ang mag-ina sa 4. Kaganapan ng Pandiwa
supermarket para bumili ng pagkain. 5. Kaganapan ng pandiwa
6. Pokus ng Pandiwa
8. Magdadala kami ng mga pagkain 7. Pokus ng Pandiwa
at gamot bukas sa mga nasalanta ng 8. Aspekto ng Pandiwa
sunog sa kabilang barangay. 9. Aspekto ng Pandiwa
10. Aspekto ng Pandiwa
9. Pupunta kami sa bukid sa isang
buwan kung matatapos na ang krisis sa
COVID-19.

10. Ang mga mag-aaral ay papasok sa


sa paaralan sa darating na Agosto ng
taong ito.

Inihanda ni: Ipinasa kay/Inaprubahan ni:

JASMIN ROSE Q. GREGORIO AERIELLE G. DELA CRUZ, LPT

BEED-2

You might also like