You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

REHIYON IX, ZAMBOANGA CITY


Kagawaran ng Edukasyon
Distrito ng Sinunuc
MAASIN LEARNING CENTER
Lungsod ng Zamboanga

Paaralan: Maasin Learning Center Baitang/Seksyon: VI-Olayan


Guro: Rachel A. Olayan Asignatura: Filipino
Petsa: Marso 03, 2022 Kwarter: Ikatlo

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6


MODYUL 3- WASTONG PAGGAMIT NG PANG-ANGKOP

I.LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa pakikipagtalastasan,


Mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika,
panitikan,at kultura upang makaambag sa pag-unlad
ng bansa.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng mga parirala o pangungusap gamit
ang pang-ugnay na pang-angkop
C. Layunin/Kasanayan sa Pagkatuto:
a. Nasasabi kung kalian ginagamit ang mga pang-angkop na, ng, -g.
b. Nagagamit ng wasto ang mga pang-angkop (ng, na at g) sa parirala o pangungusap
.

II. Paksa: Wastong Paggamit ng Pang-angkop na, ng,-g sa Parirala o Pangungusap.


F6WG-IIIj-12

Pagpapahalaga: Kasipagan,Matulungin

Integrasyon: EPP, ICT, ESP, ARPAN, MUSIC, ARTS, HEALTH, SCIENCE

III. Kagamitang Panturo:


Sanggunian: MELC 6 ph.167, Filipino Modyul 5, Landas sa Wika 6, pp. 187-190
A. Iba Pang Kagamitan: MELC, Modyul, Laptop, Led TV, Powerpoint, tunay na mga
Prutas, Kartolina,Pentel pen, Masking tape, sanayang
papel, krayola, larawan, show me board,

IV. Pamamaraan:

A. Paghahanda:
1. a. Pagbati
b.Laro: “Click & Win” (Integrasyon: ICT, ARPAN)
. Panuto: Pumili at I-click sa laptop ang letrang gusto ninyo,at ilarawan gamit ang
dalawang salita o parirala ang lumabas na larawan.
A B C D E

Dagat na malinis Kagubatang maganda Talong malawak Kabundukang matataas Ilog na malinaw

2. I-click muli ang larawan gamit ang keyboard ng laptop at may lalabas na
larawan ng sorpresang premyo na mapapanalunan. (Integrasyon: EPP)
A B C D E

Itanong: Ano ang tawag sa mga larawang nakita ninyo?


Dapat ba nating inaalagaan ang mga ito? Bakit?
Maaari ba ninyong ilarawan ang mga napanalunan ninyong premyo?
Kayo ba ay kumakain ng mga prutas?Bakit?
Maari ba ninyong sabihin ang paborito mong prutas at bakit?
2. Paglalahad sa layunin ng aralin.
a.Masasabi kung kalian ginagamit ang mga pang-angkop na, ng, -g.
b.Magagamit ng wasto ang mga pang-angkop ng, na at g sa parirala o
pangungusap F6WG-IIIj-12

3. Pagganyak:
Itanong: May hinahangaan ba kayong tao?
Maari ba ninyong ilarawan at sabihin kung bakit ninyo siyang
hinahangaan?

Pagpapakita ng larawan
Sabihin: Sa larawang ito, makikita ang taong hinahangaan ko.
Alam ba ninyo kung bakit ko siyang hinahangaan?
Malalaman ninyo mamaya, pagkatapos marinig ang tulang
babasahin ko.

4. Pag-aalis ng balakid:

Guessing Game:
Mekaniks: May ipapakita akong larawan.Basahin ang nakasulat na pangungusap sa
ibaba nito at hulaan ang kahulugan ng nakasalungguhitang salita at isulat
ang sagot sa Show Me Board,ang naunang na itaas nito at may tamang
sagot ay may makukuhang premyo.

1. Ang matandang dukha ay nanlilimos sa kalsada upang may pambiling


pagkain. Sagot: Mahirap

2. Si lola ay nakatira sa munting bahay na ito. Sagot: Maliit

3. Ang bahay ni lola ay makikita sa isang tahimik at payapang nayon.


. Sagot: Komunidad

Itanong: (Integrasyon: ESP)


May kakilala ba kayong matatanda o tao na ganito ang estado o sitwasyon sa
buhay? Ano ang naramdaman ninyo?Ano ang ginawa ninyo? Bakit? Maaari ba
ninyo itong ibahagi sa klase?

Nakikilala ba ninyo ang mga napanalunang premyo? (Integrasyon: Health)

Pangalanan ang mga ito.


Mahalaga ba ang mga kagamitamg ito, lalong-lalo na sa panahon ng
pandemya ngayon? Bakit?

5. Pamantayan sa Pakikinig

B. Paglalahad:

1. Pakikinig ng mga bata sa tulang babasahin ng guro.


2. Tatawag ng bata para basahin ng malakas ng tula.

C. Pagtatalakay (Integrasyon: ESP)

A. a.Base, sa napakinggan ninyong tula, sino ang hinahangaan ko?


b.Hanapin sa tula at sabihin ang dalawang salitang o parirala na ginamit sa
paglalarawan sa kanya.
c. Saan siya nakatira at ilarawan ito.
d.Bakit ko hinahangaan ang aking lolo kahit siya ay isang dukha?
e. Magbigay ng isang magandang katangian o kaugalian taglay niya?
f.Ayon sa tula, paano niya ipinapakita ang kanyang pagiging
masipag,maalaga at mapagmahal?
g.Dapat ba nating tularan ang mga katangiang binanggit?Bakit?
Paano ninyo maipapakita ang bawat katangian bilang isang mag-aaral?
h. Basahin ang sumusunod na dalawang salita o parirala.
Pansinin ang mga titik na may salungguhit.

 Anong mga kataga o salita ang sinalungguhitan?


Anong kataga o salita ang ginamit upang maiugnay ang dalawang magkaibang salita upang
makabuo ng parirala?
(Ang mga katagang ng, na,at –g ay mga pang-angkop)
(Pang-angkop ng, na at –g ang ginamit upang maiugnay ang dalawang
magkaibang salita upang makabuo ng parirala.
Kailan natin ginagamit ang pang-angkop na ,ng at –g?

 Anong pang-angkop ang ginamit sa unang pangkat ng mga parirala, upang maiugnay ang unang
salita sa ikalawang salita?
Sa anong titik nagtatapos ang mga unang salita?
Kailan ginagamit ang pang-angkop ng ?

 Anong pang-angkop ang ginamit sa ikalawang pangkat ng mga parirala upang maiugnay ang
unang salita sa ikalawang salita?
Kailan ginagamit ang pang-angkop na?

 Anong pang-angkop ang ginamit sa ikatlong pangkat ng mga parirala upang maiugnay ang unang
salita sa ikalawang salita?
Sa anong titik nagtatapos ang unang salita?
Kailan ginagamit ang pang-angkop na –g?

I. Malayong Nayon II. Masipag na matanda III. Bakurang malawak


Magandang kaugalian Mapagmahal na matanda Gawaing marangal
Maalagang matanda Inahing manok
Sariwang hangin
Matiyagang lolo

D. Paglalapat:
Gawain I: (Integrasyon: Math)
Panuto: Kilalanin at bilangin ang mga makikita sa loob ng mahiwagang kahon.
Pag-ugnayin ang dalawang salita upang makabuo ng parirala gamit ang
pang-angkop na, ng at –g.
Halimbawa: isang pandikit
pandikit na isa
Gawain II:
Pangkatang Gawain: (Integrasyon: Music, Arts)
1. Gabay para sa Gawain:
a. Papangkatin ang klase sa tatlo (3).

 Pangkat I – Iguhit ang lugar kung saan nakatira ang inyong hinahangaang
tao.Sa ibaba ng larawan, sumulat ng tatlong(3) pangungusap
tungkol sa iginuhit ninyo, gamit ang pangkop na, ng at –g.
Pumili ng lider para sa presentasyong gagawin pagkatapos.

 Pangkat II – Gamit ang pang-angkop na, ng, at –g, sumulat ng tatlong (3)
pangungusap tungkol sa paanong ipinapakita ng hinahangaang
tao ang kanyang taglay na katangian na nagustuhan ninyo.
Gawin ang presentasyon sa pamamagitan ng pantomime.

 Pangkat III- Gamit ang pang- angkop na, ng at –g, sumulat ang isang maikling
awitin tungkol sa inyong hinahangaang tao at gawin ang
presentasyon pagkatapos.

b. Isagawa ang pagpaplano sa loob ng sampung (10) at ipakita ng bawat pangkat ang nabuong
palabas sa loob ng tatlong (3) minute lamang, bago itong simulan pumili kayo ng magiging lider
ninyo.

2. Ipaliwanag ang rubriks o pamantayan na gagamitin sa pagmamarka ng


pagtatanghal.

Rubriks sa Pagmamarka ng Pagtatanghal


Pamantayan 5-Puntos 2- Puntos 1-Punto
Husay sa Paglikha Nagamit ng 3 beses Nagamit ng 2 beses Hindi nagamit ang
at pataas ang pang- ang pang-angkop sa pang-angkop sa
angkop sa makabuluhang makabuluhang
makabuluhang nilalaman ng nilalaman ng
nilalaman ng presentasyon presentasyon
presentasyon
Pakikiisa Lahat ng kasapi ng Isa o dalawang Tatlo o higit pang
pangkat ay nakiisa kasapi ng pangkat kasapi ay hindi nakiisa
sa gawain ay hindi nakiisa sa sa gawain
gawain

E. Paglalahat:

Ano ang tawag sa mga salita o katagang nag-uugnay sa dalawang salita upang
makabuo ng parirala?

 Pang-angkop ang tawag sa mga salita o katagang na, ng, -g na nag-uggnay


sa dalawang magkaibang salita upang makabuo ng parirala.

Kailan ginagamit ang pang-angkop na na?

 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa


katinig maliban sa n.
Halimbawa: Masipag na lolo

Kailan ginagamit ang pang-angkop na ng?

 Ang pang-angkop na ng ay ginagamit kapag ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa


patinig.
Halimbawa: Sariwang hangin
Kailan ginagamit ang pang-angkop na –g?

 Ang pang-angkop na –g ay ginagamit kapag ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa


letrang n.
Halimbawa: Nayong tahimik

V. Pagtataya (Integrasyon: Science)

Panuto: Gamitin ang pang-angkop na, ng, at –g sa pagsulat ng pangungusap tungkol sa


bawat larawan.

1. 2. 3. 4. 5.

VI.Karagdagang Gawain:
Sumulat ng tula na binubuo ng isang saknong tungkol sa kahalagahan ng pagiging ligtas
sa panahon ng COVID’19 krisis gamit ang pang-angkop na ,ng ,at g.
RUBRIK SA PAGSULAT NG TULA

Mga Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos
Nagagamit ng wasto ang pang-angkop sa tula. 5
Natatalakay sa tula ang kahalagahan ng pagiging ligtas sa panahon ng COVID – 19 krisis 5
Nagtataglay ang tula ng rikit, ganda, at indayog. 5

Kabuuang puntos 15

5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman
2- Di-gaanong Mahusay
1-Sadyang Di- Mahusay

Inihanda ni: Tagamasid 1: Tagamasid 2:

RACHEL A. OLAYAN FLORENCIA F. SEṄO MAYRA M. DAMASO


TEACHER III PRINCIPAL IV MASTER TEACHER 1

Maasin, Zamboanga City


email:rachel.olayan.Z@deped.gov.ph
09171553031

You might also like