You are on page 1of 6

ANEKDOTA

Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang
sigwa. Ang tubig sa Iawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng
hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat.
Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi
gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay
lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy
ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa
dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala
ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

Posted by Arnel B. Mahilom at Wednesday, September 01, 2010

Labels: Anekdota
SANAYSAY
Maniningil
ni Genoveva Edroza-Matute

Kung may makita kayong isang lalaking hangos sa paglakad, may kipkip na karterang katad na halos
magputok sa mga lamang resibo at kung anu-anong papel, siyamnapu’t siyam sa isang daan, ang taong yaon
ay isang kubrador o maniningil ng mga pautang. Kung siya’y kinakatawan ng isang malaking bahay-kalakal,
ang ayos niya’y maaaring may-kakinisan at nag-aanyaya sa isang tunay na pagpipitagan. Kung, sa kabilang
dako, siya naman ay tagapaningil ng isang tindahan, malamang na ang ayos niya’y gusgusin, pawisan, at
parang wala nang kapana-panahong mapakag-ayos ng sariling katawan. Iyan ang maniningil; laman ng
lansangan, kilabot ng mangungutang, panauhing pinagtataguan, dalaw na kinamumuhian.
Malayu-layo pa’y matatanaw mo siyang ang hagdanan mo ang tinutungo. Pagmamasdan mo munang
mabuti upang matiyak kung sino siya. Kung mapagsiya mo’y magbibilin ka sa iyong kasambahay na para
bagang may-katotohanan ang iyong sinasabi. “Hoy,” ang sasabihin mo, “hoy, kung may hahanap sa akin,
sabihin mong ako’y wala. May pinaroonan.” At marahan kang papasok at pakubling uupo sa isang sulok na
kunwa’y may binabasa o anumang pinagkakaabalahan. Ikaw nga ang hanap. Itinatanong kung saan ka
naroon, at ang pinagbilinan mo nama’y matapat sa kanyang tungkulin. “Hindi ko po malaman kung kailan sila
babalik,” ang naririnig mong sagot. “Magbalik po kayo uli,” ang habol pa. At mararamdaman mong aalis ang
maniningil. Ang yabag ng kanyang mga hakbang ay kilalang-lilala mo na. Makahihinga ka nang maluwag.
Sisilip ka nang bahagya sa puwang ng durungawan, at pagkasilip mong lumiko na ang salot na kinatatakutan
mo’y uubo ka nang bahagya na para bang nabunutan ka ng isang libo’t isang tinik sa dibdib.
Datapwat huwag mong hinalaing hindi nalalaman ng kubrador ang buong katotohanan. Hindi nawalan
ng kabuluhan ang nilakad-lakad niya sa mga lansangan. Hindi nawalan ng kahulugan ang pagkapudpod ng
kanyang sapatos sa ginagala-gala sa bahay-bahay ng mga mangungutang. “Oh, iyang mga mangungutang!”
ang nasasabi-sabi niyang madalas na susundan pa ng isang mariing kagat sa labi. “Iyang mga mangungutang
ay maraming dahilan kapag nagkakataong dinaratnan mo sa bahay. Naroong siya’y may pinagbayaran.
Naroong siya’y napagkasakitan. Naroong kung nauna-una ka lamang nang kaunti ay walang salang
nabayaran ka niya. Oh, sari-saring dahilan ang ibinibigay nila sa iyo kung mataunan mong nasa bahay ang
mga iyan. At parang pagpapakilala ng kanilang katapatan ng loob ay ihahabol pa kunwari sa iyo ang “Magbalik
ka bukas.”
Sa kabila ng gayong pabuntot, ang ating kubrador ay hindi nagbabalik. Dalang-dala na siya sa “bukas”
ng mga mangungutang. Alam niyang ang kanilang “bukas” ay “bukas” na walang katapusan.
Oh, iyang maniningil! Pinandidirihang parang ketongin. Nilalayuang parang may sakit na nakahahawa.
Kinasusuklamang parang isang salarin. Ang pagdalaw ay ipinangingilabot na parang pagdalaw ng isang
malaking sakuna!
Posted by Den at 3:52 AM
MAR

Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang
magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang
patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok
at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang
lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...
Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.
Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan
niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang
ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis.
Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang
nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.
Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y
sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng
ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.
Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
“Inay, umuulan, ano?”
“Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
“Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?”
Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang
bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa
kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao.
Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa
nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw
ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay
ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.
Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang
banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.
“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang
ginawa mo.”
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi masisira ng tubig.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya
ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng
kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
“Siya, matulog ka na.”
Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang
tangay-tangay noon.
“Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi
umuuwi ang kanyang ama.
“Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito’y hindi
sumagot.
Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking
bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...
At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay
patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik
at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...
Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang
kinabukasan.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni
Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang
kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita
niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang
kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang
tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi
pumupikit, nakatingin sa wala.
Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang
nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa
paghaplos sa buhok ni Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y biglang natigil nang siya’y
makita.
Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang
ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
“Bakit po? Ano po iyon?”
Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang
balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
“Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan
Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang
maaaring maiwan.”
Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.
Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang
kani-kanilang balutan.
Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.
Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal
at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang.
“Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”
Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa
isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
“Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.”
Samantala...
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang
agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang
gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng
pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki.
Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

MAIKLING KWENTO

0

You might also like