You are on page 1of 5

KAGAWARAN NG EDUKASYON

Rehiyon XI
Sangay ng Davao de Oro
Purok ng Montevista

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 2


Taunang Panuruan 2022-2023

Pangalan: ________________________________Seksiyon: _________Iskor:_______

Pangkalahatang Panuto: Basahin nang maayos ang sumusunod na tanong.


Bilugan ang letra nang may wastong sagot.

Para sa bilang 1-2 Pakinggang mabuti ang maikling kuwento na babasahin


ng iyong guro. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng
sagot.

Ang Halamanan ni Leandy


Si Leandy ay isang masipag at mabait na bata. Mayroon siyang
halamanan sa kanilang bakuran. Marami ang humahanga at natutuwa
dahil sa magaganda ang kaniyang mga halaman.
Isang umaga paggising ni Leandy ay nagisnan niyang magulo ang
kanyang halamanan. Maya-maya ay narinig niyang sumisigaw ang
kanilang kapit-bahay, nawawala ang alagang baboy nito.

1. Isang umaga paggising ni Leandy ay nagisnan niyang magulo ang


kanyang halaman.
Anong damdamin ang maaring ilarawan sa pahayag na ito?
a. masaya b. maiinis c. magdamdam d. magagalak
2. Ano ang angkop na hinuha sa pangyayari?
a. Marahil ay lumindol ng malakas.
b. Marahil pinaglaruan ng mga bata.
c. Siguro ay nadaanan ng malakas na hangin.
d. Baka ginulo ng alagang baboy ng kanyang kapit bahay.

3. Ang sumusunod ay mga salitang klaster, maliban sa isa.


a. braso b. bahay c. prito d. plato

4. Nadapa si Gwen kaya nasugatan ang kanyang _______________.


Alin sa sumusunod ang angkop na salitang klaster ang bubuo sa
pangungusap.
a. tuhod b. ulo c. braso d. plato
5. Naglinis si nanay ng buong bahay. Alin sa sumusunod ang pangngalang
pambabae?
a. bahay b. nanay c. tatay d. naglinis
6. Nanganak ang inahing manok ni Mira Kaya dumami ang kaniyang mga
alagang ____________. Ano ang salitang bubuo sa pangungusap?
a. giliw b. saliw c. sisiw d. manok na malilit

7. Ano ang tawag sa larawan na nasa loob ng kahon? Ito ay may tatlong
Sulok at tatlong gilid.

a. bilog b. parisukat c. parihaba d. tatsulok

8. Ang larawang nasa gilid ay nagpapahiwatig ng ______________.


a. Para sa lalaki
b. Para sa babae
c. Para sa alagang hayop
d. Para sa may kapansanan

9. Mahilig uminom ng soft drinks at juice si Joan. Ayaw niyang kumain ng


kanin, maging gulay at prutas.
a. Baka lumusog siya.
b. Baka lumakas siya.
c. Baka magutom siya.
d. Baka magkasakit siya.

10. Mahusay kang sumayaw sa klase. Ikaw ang napiling sumali sa


patimpalak. Alam ng guro mo na kaya mo itong gawin.
a. Siguro maiinis ka.
b. Siguro magtatago ka.
c. Siguro hindi ka na lang sasali.
d. Siguro ipapakita mo ang galing mo sa pagsayaw.

Para sa bilang 11-13 basahin ang maikling kuwento. Sagutin ang mga
tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

Si Aling Marga ay mahilig mangolekta ng mga mamahaling plorera na


paglalagyan niya ng mga tanim niyang mga bulaklak mula sa kanyang hardin.
Isang araw naglalaro ang kaniyang bunsong anak malapit sa mesa na
pinaglagyan niya ng plorera. Sa hindi inaasahang pagyayari nasagi ng
kanyang anak ang plorera.
Nahulog at nabasag ito. Agad na humingi ng paumanhin kay Aling
Marga ang kanyang anak at nangakong mag-iingat na siya sa susunod.
11. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. plorera b. tanim c. babae d. Aling Marga
12. Ano ang ginawa ng anak ni Aling Marga ng makabasag ito ng plorera?
a. Iniwan niya ito.
b. Tumakbo palayo at nangtago.
c. Itinapon agad ang basag na plorera.
d. Ipinaalam niya ang nagyari sa kanyang ina.

13. Kung ikaw ang bunsong anak ni Marga, ipapaalam mo rin ba sa kanya
ang nagyari, bakit?
a. Hindi, para hindi ako mapagalitan.
b. Hindi, dahil takot akong mapagalitan.
c. Oo, para magalit sa akin ang aking Ina.
d. Oo, mas maganda ang nagsasabi ng totoo .

Para sa bilang 14-15 basahin ang maikling kuwento. Sagutin ang mga
tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

14. Alin sa ibaba ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?


1- Humingi ng paumanhin ang anak ni Aling Marga.
2- Nangakong mag-iingat na sa susunod.
3- Nasagi ng anak ni Aling Marga ang bagong biling plorera.
4- Naglalaro ang anak ni Aling Marga.

a. 1-2-3-4 b. 2-3-4-1 c. 3-4-2-1 d. 4-3-1-2

15. Alin sa sumusunod ang magiging wakas ng kuwento?


a. Nagalit si Aling Marga dahil sa nangyari.
b. Hindi na bibili ng plorera si Aling Marga.
c. Naging maingat na ang kanyang anak sa kaniyang mga kilos.
d. Nakabasag na naman ang kanyang anak ng isa pang plorera.

Ako si sepilyo.
Kaibigan ninyo.
Pinatitibay at nililinis ko,
mga ngipin ninyo.

16. Ano ang iyong ideya sa tugma?


a. Ang kaibigan ko
b. Ang aking ngipin
c. Matibay na ngipin
d. Ang gamit ng sepilyo
17. Alin ang tamang pagkasulat sa pakabit-kabit na paraan ng salitang
bulaklak?
a. b. c. d.

18. Alin ang tamang pagkasulat sa pakabit-kabit na paraan ng salitang


guro?

a. b. c. d.

Para sa bilang 18-20, basahin ang liham pangkaibigan at sagutin


Ang mga tanong tungkol dito. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Purok 4, Mahayag St.


Lungsod ng Palayan
Disyembre 12, 2022
Mahal kong Vanesa,
Maligayang kaarawan sa iyo! Nawa ay maging maligaya ka
ngayong kaarawan mo. Sa susunod ko na lang dadalhin ang regalo ko.
Sana ay maging masaya ang party mo.

Ang iyong kaibigan,


Marky

19. Sa anong bahagi ng liham nakasaad ang petsa at lugar ng iyong


padadalhan?
a. Lagda
b. Pamuhatan
c. Bating panimula
d. Katawan ng liham

20. Sa bahaging ito makikita at mababasa ang pangalan at lagda ng taong


sumulat.
a. Lagda
b. Pamuhatan
c. Bating panimula
d. Bating pangwakas

Inihanda ni:

JUDITH T. CAMPION
Teacher III
Answer Key

1. b 11.
d
2. d 12.
d
3. b 13.
d
4. c 14.
d
5. b 15.
c
6. c 16.
d
7. d 17.
d
8. d 18.
b
9. d 19.
b
10. d 20.
d

You might also like