You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan

MTB-MLE 2
Lagumang Pagsusulit sa Modyul 1
Ikalawang Markahan

Pangalan: ________________________________________ Petsa: __________________


Grade 2 - _________________ Iskor: ___________________

I. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Si Marites ay isang masipag bata. Anong panghalip panao ang

gagamitin mo bilang kapalit ng salitang may salungguhit?

a. Ikaw

b. Siya

c. Kayo

d. Ako

_______2. Ang aklat sa mesa ay kay Bong . Anong panghalip panao

ang ipapalit sa salitang may salungguhit?

a. kaniya

b. akin

c. ikaw

d. atin

_______3. Si Danilo ay mabuting bata kaya naman siya ay maraming kaibigan. Anong panghalip panao ang
kapalit sa

ngalan ni Alex?

a. Siya

b. ikaw

c. Sila

d. Ako

Gov. Padilla Road, Purok 3, Sto. Niño, Plaridel, Bulacan


plaridelstoninoelementary@gmail.com
Telephone No. (044) 794-71-77
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
_______4. Ang mayor ng siyudad ay patuloy na nag-iikot upang magbigay ng tulong sa kaniyang
nasasakupan. Ibigay ang tamang panghalip panao para sa salitang may salungguhit.

a. Kanila

b. Ikaw

c. Sila

d. Siya

_______ 5. Ibinoluntaryo ng isang manggagawa ang sarili bilang frontliner. Anong

panghalip panao ang puwedeng ipalit sa salitangmangagawa?

a. kanila

b. siya

c. nila

d. niya

II. Panuto: Palitan ng wastong panghalip ang mga salitang nakakahon. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

kami siya sila ako kayo

______________6. Si Mila ay isang mabait na guro.


______________7. Ang pangalan ko ay si Dennis.
______________8. Sina Yael at Karylle ay mag-asawa.
______________9. Ikaw at si Sam ay kakain ng ginataang mais.
______________10. Si Sara at ako ay magpupunta sa palaruan.

III. Panuto: Guhitan ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap.

11. Cesar, ikaw ang magwalis ng sahig.

12. Kami ay nakikinig ngawitin sa radyo.

13. Si Joan ang mabait kong pinsan. Siya rin ay mapagbigay.

Gov. Padilla Road, Purok 3, Sto. Niño, Plaridel, Bulacan


plaridelstoninoelementary@gmail.com
Telephone No. (044) 794-71-77
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
14. Pupunta sana sila sa palengke, subalit walang dumaraan na masasakyan.

15. Kayo ay palaging sumunod sa magulang.

Panuto: Piliin ang wastong panghalip na paari sa loob ng kahon upang mabuo ang bawat pangungusap.
Gawin ito sa sagutang papel.

akin iyo kaniya

16. “Andeng, _____ ba ang mga aklat na ito?”

17. “Ibinigay sa _____ ni Allen ang suman dahil alam niyang paborito ko ito”

18. “Ang galing talagang magpinta ni Samuel. ________ ang pinakamagandang pinta na nakalagay sa
tanggapan ng aming mayora.”

19. “Lester, _____ ba ang kwadernong naiwan sa bakuran? Nakasulat doon ang iyong pangalan.”

20. “Maganda ba ng suot kong sapatos? Regalo ito sa _____ ni Ninang Lourdes.

Gov. Padilla Road, Purok 3, Sto. Niño, Plaridel, Bulacan


plaridelstoninoelementary@gmail.com
Telephone No. (044) 794-71-77

You might also like