You are on page 1of 4

FILIPINO 3

Pangalan:__________________________Baitang at Antas:_______________Iskor:_____
Paaralan:______________________________________Guro:_________________________

UNANG MARKAHAN
WORKSHEET BLG.13

Pagsasanay 1
Excited Kasi

Ilang tulog na lang at Linggo na. Sabik na sabik na si Fernando


na dumating ang kaniyang araw na pinakahihintay. Mamamasyal
kasi sila ng kaniyang pamilya.Maagang nagising si Fernando. Naligo
at naghanda para sa kanilang pagalis. Paglabas niya ng bahay,
napansin niyang napaaga siya ng gising.Tahimik pa ang
paligid.Kaya’t kinuha niya ang kaniyang album sa klase at tiningnan
ang mga larawan ng magagandang lugar na puwedeng pasyalan.
“Saan nga kaya sila pupunta ngayon?” Lalong nanabik si Fernando
sa pamamasyal nila. Hindi niya tuloy namalayan ang paglabas ni
Ate sa kaniyang silid. “O, ang aga mo naman. Saan ba ang punta
natin?” “Maiwan ka muna dito ha, pupunta kami ng ate mo sa
palengke. Mamimili kami ng babaunin natin para sa ating
pamamasyal bukas,” ang bati naman ng kaniyang nanay.
Napakamot na lang ng ulo si Fernando. “Sabado pala ngayon.
Bukas pala ang araw ng pamamasyal” bulong ni Fernando sa sarili.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
I. Isulat ang tamang sagot.

A. Sa loob ng tahanan
B. Excited Kasi!
C. Napakamot ng ulo si Fernando. “Sabado pala ngayon. Bukas pala ang
araw ng pamamsyal” bulong ni Fernando sa sarili.
D. Fernando,Ate,Nanay
E. Maagang nagising si Fernando

Pagsasanay 2
.Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

a. Fernando b.ate c.Fernando,ate, nanay


2. Saan ang tagpuan?
a. Paaralan b. simbahan c. bahay
3.Anong okasyon meron?
a.kaarawan b.Pasko c. mamasyal
4.Saan pupunta ang kaniyang ate at nanay?
a.palengke b. simbahan c. paaralan

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
5. Sa iyong palagay, si Fernando ba ay isang mabuting anak?
a. Oo b. Hindi c. Marahil

Pagsasanay 3
PANUTO:Basahin ang maikling kwentong “Picnic”. Isulat ang T kung
ang ipinahahayag ay tamang elemento ng kuwento at M kung mali
ang elemento.

“Picnic”
Noong Linggo, ang mag-anak na Sandoval ay pumunta ng
Baguio para sa isang araw na picnic. Maaga silang nagsimba bago
tumungo sa picnic. Sina Renan at Tanya ay masayang-masaya.
Sumakay sila ng makukulay na bangka sa Burnham Park, namasyal
sa taniman ng strawberry at namili sa SM Mall.

_____1.Ang pamagat ng kuwento ay “Picnic”.


_____ 2. Sina Renan at Tanya ang tauhan sa kuwento.
_____3.Nangyari ang kuwento sa bahay.
_____4.Sa simula,akala nina Renan at Tanya ay hindi matutuloy
ang picnic.
_____5. Masayang-masaya ang magkapatid sa kanilang picnic.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
TAYAHIN
A. Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong.

Ang Robot ni Elmer

Malakas ang ulan kaya nawalan ng pasok. Naisip ng


magkakaibigan na sina Elmer, Alex, at Dustin na maglaro na lamang
sa loob ng bahay nina Elmer. Pagpasok sa bahay, nag-una-unahan
sila sa pagkuha ng bagong robot na padala ng Tatay ni Elmer.
Nang bigla itong bumagsak sa sahig.
Natigilan ang lahat. Nang damputin ito ni Elmer, nakahinga siya
nang maluwag nang makitang hindi naman pala ito nasira.

Bilugan ang tamang sagot.


1.Ano ang pamagat ng kuwento na iyong binasa?
A. Ang Robot B. Si Elmer C. Ang
Robot ni Elmer
2. Sino-sino ang tauhan?
A. Elmer, Alex, Dustin B. Dustin, Danny, Elmo C. Carl,
Efren, Elmer
3. Saan ito naganap?
A. Sa paaralan B. Sa bahay C. Sa
palaruan
4. Kailan ito naganap?
A.walang pasok B. Araw ng Linggo C. Araw
ng Sabado
5. Ano ang wakas ng kuwento?
A. Malungkot sila dahil bumagsak ang robot.
B. Masaya si Elmer nang makitang hindi naman pala ito nasira.
C. Nagkakagalit ang mga magkaibigan.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like