You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO – I

TAONG PANURUAN 2018-2019


IKA-4 NA MARKAHAN

I. LAYUNIN
Naibibigay ang kahulugan ng mga simpleng pictograph.

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang
teksto. Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakakasulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks sa pagsulat.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

FIEP-Ivh-2.2 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng pictograph


FIPY-Ivh-2.2 Nababaybay nang wasto ang mga natutuhang salita mula sa mga
aralin

II. KAGAMITANG PANTURO AT MGA NILALAMAN

A. SANGGUNIAN
Mga pahina sa Gabay ng Guro: K-12 Curriculum Guide p.15
Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: Bumasa at Sumulat p.263-267

B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO


Tsart/Pictograph
Larawan

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.

Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang takdang-aralin na ginawa.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin.

Isulat ang ibinahaging impormasyon ng mga bata

Bilang ng Batang Nagsesepilyo Matapos


Kumain ng Tanghalian

Pangkat Bilang ng Batang


Nagsepilyo
A

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.

Impormasyon Tungkol sa Kampanya Kontra Tigdas


Mula sa Barangay Opias

Lugar Bilang ng Batang Bilang ng Batang


Nabakunahan Nagkasakit ng
Tigdas
Sitio Luad

Tuazon
Subdivision

Doña
Carmen
Subdivision

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ayon sa pictograph ilan ang nabakunahan sa Doña Carmen Subdivision at ilan ang
nagkasakit?

Bakit mas maraming nagkaroon ng tigdas sa Sitio Luad kesa sa ibang Brgy?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain:
Gumawa ang bawat grupo ng isang pictograph. Tanungin ang bawat miyembro
sa grupo kung ilang ang lalaki at babae sa kanilang bahay.

Pagtalakay sa kanilang ginawang pictograph.

F. Paglinang sa Kabihasaan ( Tungo sa Formative Assessment )

(Kapag itinuro ang pinaka-ibabaw na bahagi ng pictograph)


1. Ano ang nakasulat sa bahaging ito?
2. Anong klaseng impormasyon ang ibinibigay nito?
3. Ano ang tawag sa bahaging ito ng pictograph?
(Kapag itinuro ang mga salita sa kaliwang gilid ng pictograph)
1. Ano ang nakasualt sa bahaging ito?
2. Anong klaseng impormasyon ang ibinibigay nito?
3. Ano kaya ang tawag sa bahaging ito ng pictograph? (label)
(Kapag itinuro ang pinaka-ilalim na bahagi ng pictograph)
1. Ano ang nakasulat sa bahaging ito?
2. Anong klaseng impormasyon ang ibinibigay nito? (susi sa pagbasa)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Nais mong malaman ang kung ilan at ano ang paboritong laruan ng iyong kaklase.
Gusto mong gumawa ng isang pictograph tungkol dito. Paano mo ito gagawin?
(Hayaang Sagutin ito ng mga bata ayon sa pagkakaunawa nito)

H. Paglalahat ng Aralin

Ano ang pictograph?


Ang pictograph ay nagpapakita ng impormasyon tungkol sa isang paksa gamit
ang mga simbolo o larawan.

I. Pagtataya ng Aralin

Pag-aralan ang pictograph. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Bilang Ng Babae at Lalaki Sa Bawat Bahay


Lalaki Babae
Bahay ni Romar
Bahay ni Shannel
Bahay ni Jerome
Bahay ni Jacelle
Bahay ni Camille

= 1 lalaki

= 1 babae
1. Ano ang pamagat ng pictograph?
A. Bilang ng lalaki sa bawat bahay
B. Bilang ng babae sa bawat bahay
C. Bilang ng babae at lalaki sa bawat bahay
2. Ano ang tawag sa pinaka ilalim na bahagi ng pictograph?
A. pamagat B. label C. susi sa pagbasa
3. Ilan ang lalaki sa bahay ni Camille?
A. 3 B. 3 C. 7
4. Ilan ang babae sa bahay ni Jacelle?
A. 2 B. 3 C. 5
5. Kaninong bahay ang may limang bilang ng lalaki?
A. Romar B. Shannel C. Jerome

Inihanda ni:

ROMEO P. CARIAGA JR.


EGT-I

You might also like