You are on page 1of 3

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD
PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN DIEGO
Distrito II, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila

BANGHAY ARALIN SA AGHAM


IKATLONG MARKAHAN

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy ang mga pinanggagalingan ng liwanag at ang mga halimbawa nito,


 Naipapaliwanag ang kaibahan ng natural at artipisyal na liwanag
 Nasasabi ang kahalagahan nang mga bagay na nagbibigay ng liwanag.

II. Paksang Aralin:


Pinanggagalingan ng Liwanag/Init at ang wastong gamit nito ( S3FE-iila-b-1 )
Sanggunian: Learning Activity Sheet (Week 2), Science textbook
Kagamitan: PowerPoint , Larawan
Pagsasanib: Health: Maging Ligtas sa Kalsada
III. Pamamaran

A. Paunang Gawain:

a. Pagbati:
b. Panalangin.
c. Pagtala ng mga liban sa klase
INDICATOR #4
d. Pagbibigay ng alituntunin sa oras ng klase:
- Pagpapanatili ng pagitan sa kapwa mag-aaral
- Magtaas ng kamay kung may katanungan
- Magsalita lamang kung kinakailangan
- Makinig ng Mabuti upang maintindihan ang pinag-aaralan.

e. Balik-aral: (ELICIT)

Tanong:
1. Ano ang nakikita niyo sa larawan?

2. Saan nakapatong ang baso?

3. Ano naman ang masasabi niyo sa kinalalagyan ng kandila?

4. Paano natin matutukoy ang posisyon ng isang bagay?


Matutukoy natin ang posisyon ng isang bagay kung gagamitin natin ang reference object o ang bagay
na may kaugnayan dito.

f. Pagganyak: ( Engage)
Pagpapakita ng larawan:

OBJECTIVE #2

Tanong:
1. Ano ang makikita mo sa larawan?
2. Kayo ba ay nakakita na ng kandila at araw, no kaya ang pagkakaiba ng dalawa?
3. Paano ito nakakatulong sa atin ?
(motive question)

B. Panlinang na Gawain

a. Pagtatalakay (EXPLAIN)

1. Ano ang ibinibigay ng araw at kandila sa atin?


2. . Sino ang may gawa ng araw? Ng kandila?
3. Bukod sa araw at kandila ano pa ang mga bagay na nakapagbibigay ng liwanag?
4. Ano ang kahalagahan ng liwanag sa pang araw-araw nating pamumuhay?

PAGSASANIB INDICATOR #1

Ang Liwanag ay nakakatulong sa atin upang makakita o makita natin ang mga nasa paligid. Dahil dito,
nalalaman natin kung tayo ba ay maaring mapahamak o hindi. Halimbawa na lang sa pagtawid natin sa
kalsada. Kung mayroong liwanag, makikita natin ang mga babala sa paligid.

b. Pagsasanay: (EXPLORE) INDICATOR #5


(Pangkatang Gawain) Hatiin ang klase sa tatlong pangkat

ALITUNTUNIN
Gawin ang buong makakaya sa gawaing ibinigay
Respetuhin ang mga kasapi
Unawain ang panuto
Paghatian ang mga tungkulin

Unang Pangkat:
DRAW ME: Gumuhit ng limang halimbawa ng mga bagay na nagbibigay ng liwanag at init. Isulat ang pangalan ng inyong
mga ginuhit at tukuyin kung ito ay artipisyal o natural na liwanag.

PANGALAWANG PANGKAT:

PALAISIPAN

A A B M D A I L A W Panuto: Hanapin sa loob ng palaisipan ang mga


R P A G N A O L E U salitang nakasulat sa ibaba. Kulayan ng pula kung ito
A S O M I N J A I B ay pinagmumulan
W U E Y L Z J M O I IKATLONG PANGKAT ng artipisyal na liwanag at berde
naman kung natural na liwanag.
K N B M F X S P D T Panuto: Suriin ang nasa larawan.
D K A N D I L A G U Araw ilaw lampara
B U W A N M S R B I 1. Ano ang makikita sa larawan?
B O M B I L Y A M N Bituin bombilya buwan kandila 2. Ano kaya ang mangyayari sa damit
na nakabilad sa araw?
3. Paano nakatulong ang init ng araw sa mga nakasampay?

 Pagkatapos ng mga Gawain ay mag-uulat ang bawat grupo

Pagsasanay: INDIBIDWAL INDICATOR # 3


Panuto: Iguhit ang araw kung likas o natural na pinagmumulan ng liwanag at init at kidlat kung artipisyal.

___.1. buwan
___ 2. Posporo
___ 3. Fluorescent
___ 4. Bituin
___ 5. Traffic light

c. Paglalahat (ELABORATE)
DALAWANG URI NG LIWANAG
1. Natural na Liwanag- Ito ay liwanag na nilikha ng Diyos o ito ay likas na liwanag.
Halimbawa: araw, buwan, bituin atbp.
2. Artipisyal na liwanag- Ito ay liwanag na gawa lamang ng tao o di- likas na liwanag.
Halimbawa: lampara, flashlight, bombilya atbp.

Gamit ng liwanag:
Ang liwanag ay malaki ang naitutulong sa atin sa pang araw-araw nating mga gawain maging natural man o
artipisyal na liwanag ito.

IV. Pagtataya (EVALUATION)

Isulat ang N kung ito ay pinagmumulan ng natural na liwanag at A kung Artipisyal.

___1. Bulalakaw

___2. Siga

___3. cellphone

___4. Alitaptap

___5. Laser

V. Takdang- Aralin: (EXTENSION)

Magtala ng limang bagay na makikita sa inyong tahanan na pinagmumulan ng liwanag.

You might also like