You are on page 1of 6

GRADE Paaralan IBAYO ELEMENTARY SCHOOL Baitang III

1 TO 12
Guro MELANIE P. ORDANEL Asignatura FILIPINO
DAILY
LESSON Petsa November 6 Markahan Q2 W1 D1-2
PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap TATAS


Knowledge: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong
A. Mga Kasanayan sa
napakinggan.
Pagkatuto
Skill: Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
Isulat ang code ng bawat magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita. F3PT-Ij-2.3
Kasanayan Affective: Naipapakita ang pagiging aktibo sa talakayan.
Approach: Constructivist
Strategy: Direct Instruction
Activity: Tell, Guide, Act
Integration: ESP
Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino pahina 150
Guro CLMD BOW 4A Filipino 3 – Q1 pahina 21
TG_FILIPINO 3_Q2 pahina 1-3

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, flashcard, mga larawan
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Tukoy-Alam:
at/o pagsisimula ng bagong Kukunin ng mga bata ng papel, pangkulay, at lapis. Iguguhit nila ang lugar
aralin
na nais tirahan.
Matapos ang ilang minuto, tumawag ng ilang bata upang ipakita at
ipaliwanag ang iginuhit.
Pag-usapan ang mga ipinakita at napakinggan mula sa mga tinawag na
bata.
B. Paghahabi sa layunin ng Paglalahad:
aralin Pagpapalawak ng Talasalitaan
Linangin ang salitang baryo at lungsod .
Ano ang naaalala ninyo sa salitang baryo? Lungsod?
Iguguhit ng mga bata ang kanilang sagot.
Pag-usapan ang mga iginuhit ng mga bata.
Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.
Ibigay ang pamagat ng kuwento.
Itanong : Tungkol saan kaya ang kuwento?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
C. Pag-uugnay ng mga Basahin nang malakas ang kuwento.
halimbawa sa bagong aralin “Magkaibang Mundo”
Itanong.
Sino ang dalawang bata sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Gamitin ang Character Map sa bawat tauhan.

Ano kaya ang nangyari sa kanilang bakasyon?


D. Pagtatalakay ng bagong Talakayin ang kuwentong napakinggan sa tulong ng Story Pyramid.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1

E. Pagtatalakay ng bagong Saan sila nakatira?


konsepto at paglalahad ng Batay sa kuwentong Magkaibang Mundo, ibigay ang mga
bagong kasanayan #2
impormasyong hinihingi at isulat ang iyong sagot sa aktibiti notbuk.
1. pangalan ng mga tauhan
2. katangian ng bawat tauhan
3. Alin ang gusto mong lugar, sa baryo o lungsod? Bakit?
F. Paglinang sa Kabihasaan Paghambingin ang dalawang lugar na ito sa pamamagitan ng Venn
(Tungo sa Formative Diagram.
Assessment)
Ipasulat sa unang bilog ang mga katangian ng baryo at sa ikalawa
naman ay sa lungsod.
Sa nagtatagpong bahagi ng bilog, ipasulat ang mga katangian ng baryo
na makikita rin sa lungsod, at ang katangian ng lungsod na nasa baryo
rin.
Ano ang masasabi mo sa baryo at lungsod?
Saan mo ngayon nais manirahan? Ipaliwanag ang sagot.
Ano kaya ang nangyari sa pagbabakasyon ni Nerry? Ni Trining?
Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang ideya.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Ihambing natin ang baryo sa lungsod gamit ang Venn Diagram.
araw-araw na buhay

Alin-alin sa salitang inilista ang magkasingkahulugan? Magkasalungat?


Paano mo nasabi na ang pares ng mga salita ay magkasingkahulugan?
Magkasalungat?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang natutuhan mo sa aralin?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa kuwentong “Magkaibang
Mundo”. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong aktibiti notbuk.
1. Ano ang masasabi mo sa baryo?
a. tahimik b. magulo c. maraming gusali d. marumi
2. Ano ang masasabi mo sa lungsod?
a. tahimik b. magulo c. kakaunti ang gusali d. maaliwalas
3. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Sarah at Bella b. Alma at Theresa
c. Jovy at Nellie d. Trining at Nerry
4. Anong uri ng pamumuhay mayroon si Nerry?
a. magulo b. mahirap c. simple d. maingay
5. Ano ang sinasakyan ni Trining sa pagpasok sa paaralan?
a. school service b. traysikel c. bus d. motorsiklo
J. Karagdagang gawain para sa Hayaang humanap ng kapareha ang bawat bata.
takdang-aralin at remediation Magkukuwento ang bawat isa ng sariling karanasan.
Maghahanda rin sila ng tatlong tanong na itatanong nila sa kanilang
kapareha.
MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda Ni:

Melanie P. Ordanel
Teacher
Binigyang-pansin Ni:

VILMA B. BAUTISTA
Principal II
GRADE Paaralan IBAYO ELEMENTARY SCHOOL Baitang III
1 TO 12
Guro MELANIE P. ORDANEL Asignatura FILIPINO
DAILY
LESSON Petsa November 8 Markahan Q2 W1 D3 -4
PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap TATAS


Knowledge: Natutukoy ang mga panghalip pananong sa ginamit na
B. Mga Kasanayan sa
pangungusap.
Pagkatuto
Skill: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay,
Isulat ang code ng bawat lugar at pangyayari, ano, sino, saan, ilan, kalian, ano-ano, at sino-sino
Kasanayan F3WG-IIIa-b-6
Affective: Napahahalagahan ang gamit ng panghalip pananong sa bawat
pangungusap.
Approach: Constructivist
Strategy: Direct Instruction
Activity: Tell, Guide, Act
Integration: ESP
Mga Panghalip Pananong
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino pahina 150
Guro CLMD BOW 4A Filipino 3 – Q1 pahina 21
TG_FILIPINO 3_Q2 pahina 1-3

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, flashcard, mga larawan
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Balik-aral:
at/o pagsisimula ng bagong Panuto: Tukuyin kung ang pares ng salita ay magkasingkahulugan o
aralin
magkasalungat. Isulat ang MS kung ang mga ito ay magkasingkahulugan
at MK kung magkasalungat.
____ 1. mataba / malusog
____ 2. pataas / pababa
____ 3. kaliwa / kanan
____ 4. bata / musmos
____ 5. matulin / mabilis
____ 6. marumi / madungis
____ 7. mabango / mabaho
____ 8. mainit / malamig
____ 9. malambot / matigas
____ 10. aralin / leksiyon
B. Paghahabi sa layunin ng Basahin ang usapan:
aralin Andrea: Sino ang nakatira sa Bundok arayat?
Gina: Si Mariang Sinukuan. Tama ba ako?
Andrea: Tama ka! Ano-ano naman ang kanyang inaalagaan sa bundok?
Gina: Alam ko ang sagot diyan. Mga hayop at halaman, di ba?
Andrea: Naku! Talagang naunawaan mo ang binasa mo. O heto na ang
huli kong katanungan. Saan ginawa ni Minggan ang palaisdaan para kay
Maria?
Gina: Madali lang iyan! Sa Pantabangan hindi ba?
Andrea: Ah, napakagaling mo talaga Gina.
C. Pag-uugnay ng mga Ipasuri ang mga salitang ginamit sa pagtatanong. Ang mga salitang Sino,
halimbawa sa bagong aralin Ano, at Saan ay mga panghalip pananong. Ginagamit ito sa pagtatanong
at ang inaasahang sagot ay isang pangngalan o isang panghalip.
D. Pagtatalakay ng bagong Pangkatang Gawain:
konsepto at paglalahad ng Pangkat 1-Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap kung ang mga may
bagong kasanayan #1
salungguhit na salitang nagtatanong ay ginamit bilang panghalip na
pananong. Lagyang ng ekis kung hindi.

___1. Sino ang dapat magtanggol sa mga inaapi?


__2.Bakit hindi tayo dapat mang-api ng ating kapwa?
__3.Saan ba tayo nakikita ng mga batang inaapi at inaabuso?

Pangkat 2-Lagyan ng nararapat na panghalip pananong ang mga patlang


upang mabuo ang usapan.

Kaye:Maari bang magtanong? ___ ko ba makikita ang munisipyo?


Tina: Dumiretso ka lang. Nasa dulo ng kalyeng ito. __ ba ang taong
hahanapin mo roon?
Kaye: Si Gng. Arlyn ang hinanap ko. ___ oras kaya ang labasan nila?
Tina: Nanay ko si Gng. Arlyn.
Kaye: Naku! Salamat naman. Ikaw na lang ang mag-abot sa kanya nitong
order niya.
Tina: ____ ba ang laman ng supot na iyan?
Kaye: Daing na bangus. Espesyal ito. Salamat ha.

Pangkat 3- Isulat nang patanong ang bawat pangungusap:


1.Naghulog sa kani-kanilang alkansiya sina Lisa, Rina at Gwen.
2.Ang ama ay bumili ng dalawang kilong bigas nang magkapera.
3.Iniabot ni Mang Benny sa asawa ang kanyang sweldo.

E. Pagtatalakay ng bagong Ang panghalip na pananong ay pamalit sa pangngalan sa paraang


konsepto at paglalahad ng patanong. Ito’y maaring isahan o maramihan.
bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan Indibidwal na Gawain:
(Tungo sa Formative Salungguhitan ang wastong panghalip na pananong para sa
Assessment)
pangungusap;
1.(Magkano,Gaano) ang limang kilong manok na binili mo?
2.(An0-ano, ano) ang mga balitang narining mo sa radio?
3.Inihulog (Nino,kanino) ang sulat mo para sa iyong nanay?
4.(Sino,Ano) sa mga kaibigan mo ang pinakamalapit sa iyo?
5.(Alin, Alin-alin) ang tatlong gusto mo?
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Bakit dapat maunawaan at alamin ang mga panghalip na pananong?
araw-araw na buhay
H. Paglalahat ng Aralin Ang panghalip na pananong ay pamalit sa pangngalan sa paraang
patanong. Ito’y maaring isahan o maramihan.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Punan ng angkop na panghalip-pananong ang pangungusap.
1.______ ang isang kilo ng mangga?
2. ______ tayo mamamasyal?
3._____ ba ang mga itininda namin.
4. _____ ang pitakang iyan?
5. ______ ang Mahal na Araw?
J. Karagdagang gawain para sa Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Bumuo ng pangungusap n
takdang-aralin at remediation patanong mula sa pangungusap. Gamitin ang mga panghalip na
pananong.
1. Nanood kami nina Rita ng parada.
2. Ang pangalan niya ay Leynie.
3. Nakatira siya sa Butuan City.
4. Apat silang magkakapatid.
5. Mamasyal sila sa plasa.
MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda Ni:

Melanie P. Ordanel
Teacher
Binigyang-pansin Ni:

VILMA B. BAUTISTA
Principal II

You might also like