You are on page 1of 2

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL (LAS) SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

QUARTER 4 – WEEK 2

I. Pamagat ng Aralin
● Paggalang sa Paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.
II. MELC:
● Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.
(EsP3PD-Ivb-8)
III. Mga Tiyak na Layunin:
● Ang Gawaing Pampagkatutong Papel na ito ay may layuning ipataas ang kakayahan
ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos. Narito
ang mga ispesipikong layunin upang makamit ang hinahangad na kompetensi:
✔ Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.
IV. Pangunahing Konsepto:

Ang mga Pilipino ay may iba’t- ibang paniniwala tungkol sa Dakilang Lumikha.
Marami sa mga Pilipino ang naniniwala sa Kristiyanismo. Kabilang dito ang Katoliko, Iglesia
ni Kristo at Protestante. Mayroon ding naniniwala sa Islam.

Bagama’t iba- iba ang mga paniniwala ng mga Pilipino, mahalagang igalang ang mga
ito. Ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang ng iba ay ang mga sumusunod:

● Pakikipagkaibigan sa may ibang paniniwala.


● Paggalang sa lugar ng sambahan ng iba.
● Pagkakaroon ng bukas na isipan at pagrespeto sa kanilang paniniwala.
● Paggalang sa kanilang paraan ng pakikipag- ugnayan o pagsamba.

V. Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang pagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano naipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano masasabi na ang isang tao ay nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa
Diyos?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

VI. Mga Gawain:


Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol
sa Diyos at ekis (X) naman kung hindi.
_____1. Bukas ang isipan at pakikinig ni Jamie sa mga paniniwala ni Jezil at iginagalang
niya ang mga ito.
_____2. Iniiwasan si Micka sa kanilang lugar dahil iba ang kanyang paraan ng pagsamba.
_____3. Hindi pinipilit ni Rosy si Eliza na magsimba dahil ito ay may ibang paniniwala.
_____4. Walang pumapansin kay Amir sa kanyang klase dahil siya ay isang Muslim.
_____5. Tanggap ni Rico na iba ang paraan ng pagsamba ni Alec sa Diyos.
VII. Pagninilay-nilay (Generalization)

Ang mga Pilipino ay may iba’t- ibang paniniwala tungkol sa Diyos. Marami sa mga
Pilipino ang naniniwala sa Kristiyanismo. Kabilang dito ang Katoliko, Iglesia ni Kristo at
Protestante. Mayroon ding naniniwala sa Islam. Datapwat, kahit ano pa man ang ating mga
paniniwala ay kailangan nating igalang ang bawat isa at ang paniniwala ng iba. Laging
tandaan na kahit ano man,saan man, sino man at ano man ang paniniwalang gusto nilang
sundan ay dapat igalang at pahalagahan.

You might also like