You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
TOWERVILLE ELEMENTARY SCHOOL
MINUYAN PROPER TOWERVILLE SUBD., CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN

Banghay Aralin
Sa
Filipino III-Ikatlong Markahan
I. Layunin
a. Nauunawaan ang ugnayan ng sanhi at bunga ng pangyayari,
b. natutukoy kung ang pangyayari ay sanhi at bunga, at
c. naiuugnay ang sanhi at bunga sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa ating buhay.

II. Paksang Aralin


Paksa: Napag -uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto o pangungusap.
A. Kagamitan: Laptop- Mga larawan angkop sa paksang aralin.

B. Sanggunian: F3PB -IIIh -6.2 (Quarter III)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Talasalitaan

1. SANHI- ito ang tawag sa dahilan kung bakit nangyayari ang isang pangyayari.

2. BUNGA- ito ay tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari.


3. PLANO – hakbang na gagawin ng isang indibidwal para maging maganda ang kalalabasan ng
kanyang gagawin.

2. Balik-aral
Panuto: Basahin at unawain ang mga salita sa kahon at tukuyin kung bakit sila ay kabilang sa
mga klaster na salita.

3. Pagganyak
Panuto: Tingnan niyong mabuti ang mga larawan. Ano ang inyong napapansin sa mga ito?
1. Ano ang pangyayari sa unang larawan? (nagkasakit)
2. Ano ang pangyayari sa pangalawang larawan? (nagsusuka)
3. Ano ang pangyayari sa pangatlong larawan?. (sumasakit ang ngipin)

B. Panlinang na Gawain

Pagtuturo/Pagmomodelo

Sanhi- ito ang tawag sa dahilan kung bakit nangyayari ang isang pangyayari.
Bunga- ito ay tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari.

Si Aiza ay kumain ng lumang pagkain - Sanhi


kaya naman sumakit ang kanyang tiyan. - Bunga

Si Bong ay lumambitin sa sanga ng puno na parupok - Sanhi


kung kaya siya ay biglang nahulog. - Bunga
C.Isagawa

Pagsasanay A
Panuto: Pagmasdan at unawain ang mga pangyayari. Hanapin sa hanay B ang bunga ng tinutukoy sa
hanay A. Pagugnayin ang mga ito gamit ang linya.
Pagsasanay B
Pangkatang Gawain
Ang mga bata ay igugrupo sa tatlong koponan na kung saan sa bawat grupo ay may lider na siya
namang bubunot sa kanilang magiging gawain.
Panuto: Bawat grupo ay bubunot ng mga larawan at base sa larawang nabunot gagawan nila ito
ng pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga ng pangyayari.
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

D.Paglalahat
Isaisip
Sa ating pang araw-araw na gawain sating buhay
kailangan parin natin ng ibayong pag-iingat para
hindi tayo mapahamak. Pag-isipan o pagplanuhan
muna ang mga gagawin bago gumawa ng
hakbang at para maging kaaya- aya ang
kalalabasan nito.

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang Sanhi at Bunga ng mga pangungusap.
Salungguhitan ang sanhi at bilugan at bunga.

1.Madaling natuyo ang sinampay na damit dahil sa sobrang init ng panahon.

2.Naglambitin si Leni sa marupok na sanga ng siya ay biglang nahulog.

3.Malusog na bata si Benny dahil siya ay kumakain ng mga masusustansiyang pagkain.

4.Nagkaroon si Ben ng kanser sa baga dahil sa sobrang paninigarilyo.

5.Bumaha sa Bulacan dahil sa sobrang lakas ng ulan.

V. Takdang Aralin
Panuto: Magsulat sa inyong kwaderno ng tatlong halimbawa ng pangyayari sa inyong bahay na
may sanhi at bunga.

Prepared: Observed:

DAVIDSON C. MARQUEZ MARILOU M. MORIDO


Teacher 1 Master Teacher 1

Noted:
MARIA THERESA M. DELA CRUZ
Principal IV

You might also like