You are on page 1of 17

Filipino 3

Filipino – Ikaapat na Baitang


Unang Markahan – Modyul 3: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento,
usapan, teksto, balita at tula.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Julie Talay Villegas
Editor: Cinderella I. Canja
Tagasuri: Leni D. Andres at Jennylin E. Corpuz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Teksto
Balita at Tula.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-Ikatlong Baitang ng Modyul para
sa araling Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan, teksto,
balita at tula!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Ikatlong Baitang Modyul ukol sa Nasasagot


ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan, teksto, balita at tula !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Hello! sa inyong lahat mga bata,magandang araw. Ako muli ang


makakasama ninyo sa araw na ito? Makinig at tandaan ang aralin na tatalakayin
natin ngayon.

Sa modyul na ito inaasahang masasagot mo ang mga tanong tungkol sa


kuwento, usapan, teksto, balita at tula.

PAUNANG PAGSUBOK

Sino-sino ang kasapi ng pamilya? Ano ang tungkulin na ginagampanan ng


bawat isa?
Isulat kung kaninong kasapi ng pamilya ang tinutukoy
sa bawat pangungusap.

____________1. Haligi ng tahahan. Siya ang naghahanapbuhay


para sa pamilya.
____________ 2. Katuwang ni nanay sa mga gawaing bahay.
____________ 3. Nagpapasaya sa pamilya.
____________ 4. Ilaw ng tahanan. Siya ang tagapag-alaga ng
pamilya.
____________ 5. Katuwang ni tatay sa mga mabibigat na gawain
tulad ng pagkukumpuni.
BALIK-ARAL

Lagyan ng tsek () kung ang paalala ay nagpapakita


ng pagiging ligtas sa Covid-19 at ekis (X) naman kung hindi.
___ 1. Maghugas ng kamay.
___ 2. Humiram ng facemask.
___ 3. Takpan ng panyo ang ilong at bibig kung uubo.
___ 4. Umiwas sa paghawak sa mga hayop.
___5. Makipag-usap ng malapitan kung may sasabihin.

ARALIN

Sino-sino ang nasa larawan? Ano ang tawag mo sa kanila?

Magbabasa tayo ng isang kwento. Pinamagatan itong “Ang Aming


Simpleng Pamilya”

Ang Aming Simpleng Pamilya

Sa isang simpleng kami nakatira ng aking

. Ang aking tatay Pio ay isang simpleng kawani ng

gobyerno. Si nanay Conching naman ay isang guro sa


paaralang aking pinapasukan. Tatlo lamang kami sa aming

bahay. Ang aming hapag kainan ay napupuno ng


tawanan sa pagkukuwentuhan namin ng mga pangyayari sa
buong maghapon. Kapag may libreng oras at may sobrang
pera, namamasyal kami sa sa kung saan-saang lugar

. Sa panahon naman na may problema, ito rin ay


nagiging magaan dahil na rin sa pagmamahalan namin sa
isat isa at sa pagtitiwala sa poong Maykapal.

Sagutin ang mga tanong.


1. Tungkol saan ang kuwentong nabasa?
2.Sino-sino ang bumubuo sa pamilya ni Mang Pio? Ilarawan
ang bawat isa.
3.Ano ang masasayang sandali para sa kanila?
4. Paano mo masasabi na ang isang pamilya ay masaya?
5. Ano ang kayamanan ng pamilya nila?
6. Ikaw, ano ang kayamanan mo?

MGA PAGSASANAY
Ginabayang Pagsasanay
GAWIN MO
Basahin ang maikling talata tungkol kay Jocel. Kulayan ang kahon ng tamang
sagot sa bawat tanong.

Siya ay si Jocel. Si Jocel ay magaling umawit. ni Jocel tuwing


Umaawit siya araw-araw. Umaawit siya sa bahay, umaawit siya.
paaralan at simbahan. Maganda ang boses ni
Jocel. Gusto ito ng lahat. Masaya ang mag-anak 1. Ano ang talent ni
Jocel?
pag-awit
pagguhit
pagluto

2. Kailan umaawit si Jocel?


gabi-gabi
araw-araw
tuwing may bisita

3. Saan umaawit si Jocel?


sa paaralan
sa simbahan
sa bahay, paaralan, at simbahan

4. Bakit gusto ng lahat ang pag-awit ni Jocel?


Malungkot kasi sila.
Maganda ang boses niya
Mabait si Jocel

5. Sino ang masaya tuwing umaawit siya?


ang guro niya
ang kaibigan niya
ang mag-anak niya

SUBUKIN MO

Basahin ang tula. Isulat ang letra ng tamang sagot.


Ang Aming Mag-anak

Ang aming mag-anak ay laging masaya,


Maligaya kami nina ate at kuya.
Mahal kaming lahat nina ama’t ina,
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?

Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,


Tulong ni ama ay nakaabang.
Suliranin ni ate ay nalulunasan,
Sa tulong ni inang laging nakalaan.

1. Ano ang pamagat ng tula?


a. Sa Aming Pamilya
b. Ang Aming Mag-anak
c. Ang Aming Kamag-anak

2. Sino-sino ang kasapi ng pamilya na nabanggit sa tula?


a. ama’t ina
b. ate’t kuya
c. a at b

3. Ano ang katangian ng bawat isa sa tula?


a. nagmamahalan
b. nagtutulungan
c. masayahin

4. Sino ang laging nakaalalay upang suliranin ni ate ay


nalulunasan?
a. kuya
b. ina
c. ama

5. Paano mo pinapahalgahan ang mga ginagawa sa iyo ng


ibang kasapi ng iyong pamilya?
a. Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa kanila
b. Sa pamamagitan ng pagtupad ng aking tungkuling
ginagampanan.
c. Sa pamamagitan ng hindi pagtupad ng mga
tungkuling naibigay sa akin.

PAGYAMANIN MO

Basahin ang maikling balita. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
patlang.

Epekto ng Labis na Paggamit ng Gadget

Palala na ng palala ang panahon ngayon. Palala na din ang paggamit ng


gadgets. Mapa-bata man o matanda. Download dito, download doon, ML dito,
ROS doon, Fb dito, at IG doon. Halos lahat ng oras ay kinakain na ng social
media at online games. Madalas nakakalimutan na nating magpahinga at
magbigay ng oras sa ibang bagay nang dahil sa kakagamit ng gadget. Narito ang
ilang epekto na makukuha ng tao sa labis na paggamit ng gadgets lalo sa mga
bata.

1. Mabilis na pagbigat ng timbang

2. Hindi na nakakakain sa tamang oras

3. Maaaring maging sanhi ng iba’t ibang sakit

4. Problema sa mata

5. Maraming oras ang nasasayang

1. Ano ang pinag-uusapan sa balita?


Sagot: _______________________________________
2. Bakit ipinagbabawal ang labis na paggamit ng gadget?
Sagot: _______________________________________
3. Ano-ano ang epekto nito sa kalusugan? Magbigay ng isang epekto nito.
Sagot: _______________________________________
4. Paano ka makaiwas sa labis na paggamit ng gadget?
Sagot: _______________________________________
5. Sa iyong palagay, tama bang pagbawalan ang isang
batang tulad mo na gumamit ng gadget? Bakit?
Sagot. _______________________________________

PAGLALAHAT

. Lagyan ng tsek () kung natutunan mo sa aralin at ekis (X)


kung hindi.
_______ 1. Natutunan mong masagot ang mga tanong sa
binasang kuwento, usapan, teksto, balita at tula.
_______ 2. Natutunan mong magamit ang iyong kaalaman o
karanasan sa pag-unawa ng napakinggang kuwento.
_______ 3. Natutunan mo sa araling ito na ang pamilya ay
kayamanan.
_______ 4. Natutunan mong may masamang epekto ang labis na
paggamit ng gadget sa iyong kalusugan.
_______ 5. Hindi mo kailangan ang iyong pamilya dahil kaya mo
ng alagaan at buhayin ang iyong sarili.

PAGPAPAHALAGA
Isulat ang Thumbs Up kung wasto ang isinasaad ng
sitwasyon sa bawat pangungusap at Thumbs Down kung hindi.
_______ 1. Kusang gumagawa ng gawaing bahay si Ben.
_______ 2. Si Ashley ang gumagawa ng gawaing bahay dahil may
sakit ang kaniyang ina.
_______ 3. May problema si Aya ngunit nahihiya siyang magsabi sa
kaniyang pamilya.
_______ 4. Mahinahon at may paggalang kung magsalita si Mayla
sa kaniyang pamilya.
_______ 5. Laging nagpapasalamat si Helen sa panginoon dahil
binigyan siya ng pamilyang mapagmahal at maalaga.

Pamilya ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo.Sila ay regalo na


ibinigay ng Diyos sa atin. Ang pamilya ay dapat nagmamahalan, may paggalang
o respeto sa bawat isa.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

TAYAHIN
Basahin ang talata. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Puno ng Pagmamahalan
Apat kami sa aming pamilya. Ang aking mga magulang at isa kong
kapatid. Puno kami ng pagmamahalan sa isa’t isa. Ipinakikita naming ito sa
iba’t ibang paraan. Laging malumanay magsalita sina Itay at Inay. Inaasikaso
nila ang aming pangangailangan sa araw-araw. Kami naman ni ate ay magalang
kung makipag-usap sa kanila. Sinusunod namin ang mga utos at bilin nila. Higit
sa lahat, pinasasaya namin ang isa’t isa.
1. Ano ang pamagat ng talata?
a. Sa Aming Pamilya
b. Ang Aming Pamilya
c. Puno ng Pagmamahalan
2. Ilan ang bilang ng kanilang pamilya?
a. tatlo b. apat c. lima
3. Ano ang masasabi mo sa kaniyang pamilya?
5. Ang mag-anak niya. 1. Thumbs Up
1. Maghugas ng kamay.
SUBUKIN MO 2. Thumbs Up
2. Paggamit ng facemask.
1. a 3. Thumbs Down
3. Tamang paraan ng pag-ubo at pagbahing. 4. Thumbs Up
2. c
4. Umiwas sa paghawak sa mga hayop. 5. Thumbs Up
3. a
5. Social distancing 4. b
6. Lutuing mabuti ang mga 5. b Panapos na Pagsusulit
pagkain. PAGYAMANIN MO TAYAHIN
1. Epekto ng Labis na 1. c
Paggamit ng Gadget 2. b
2. Dahil may masamang 3. a
epekto ito sa kalusugan 4. a
3. Problema sa mata. 5. b
4. Maglaan lang ng oras sa
paggamit ng gadget.
5. Opo, dahil napakabata
ko pa upang magbabad
a paglalaro o paggamit
ng gadget.
SUSI SA PAGWAWASTO
c. dahil sila ay nagkakaintindihan
b. dahil sila ay nagmamahalan
a. dahil sila ay nagtutulungan
5. Bakit masaya ang kanilang pamilya?
c. pasigaw
b. magalang
a. malumanay
4. Paano magsalita ang kaniyang Itay at Inay?
c. nagkakaisa
b. nagtutulungan
a. masaya at nagmamahalan
PAGPPAHALAGA
3. sa bahay, paaralan, at simbahan 5. kuya
5. X
4. 2. araw-araw 4. nanay
3. 1. pag-awit 3. bunso
2. GAWIN MO 2. ate
1. MGA PAGSASANAY 1. tatay
PAGLALAHAT Paunang Pagsubok

Sanggunian

BOOK
LiGhT ArOhL Follow. 2014. “K TO 12 GRADE 3 LEARNER'S MATERIAL
IN FILIPINO.” LinkedIn SlideShare. July 5, 2014.
https://www.slideshare.net/lhoralight/filipino-36652316. pah. 12

Angelika D. Jabines , Batang Pinoy Ako- Patnubay ng Guro, 5th Floor Mabini
Building. Deped Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Unang Edisyon 2015,
pah. 9

Emilia L. Banlaygas, Eleanor D. Antonio, Sheryl D. Antonio, Evangeline M.


Dallo, Yamang Filipino (Batayan at Sanayan Aklat sa Filipino), REX Printing
Company, Inc., Binagong Edisyon 2017 pah. 43

Dep Ed Most Essential Learning Competencies F3PB-Ib-3.1, F3PN-IIc--3.1.1,


F3PB-I-d-3.1, F3PN-IVa-3.1.3

Angel, OSAU. 2019. “5 Masamang Epekto Ng Laging Paggamit Ng Mga


Gadgets.” OSAU. OSAU. July 23, 2019. https://osau.com/explore-
experience/518/5-masamang-epekto-ng-laging-paggamit-ng-mga-gadgets.
“FREE Filipino Reading Comprehension.” n.d. Teachers Pay Teachers.
Accessed June 22, 2020. https://www.teacherspayteachers.com/Product/FREE-
Filipino-Reading-Comprehension-5481149.

DIGITAL IMAGE
gograph.com, EPS Illustration. n.d. “Family Cleaning House. Father, Mother
and Kids Cleaning Living Room Together Housework Cartoon Vector
Illustration.” GoGraph. Accessed June 22, 2020.
https://www.gograph.com/clipart/family-cleaning-house-father-mother-and-
kids-gg112149435.html.

Clip Art library, home clip art. n.d. “Home Cliparts #136382 (License: Personal
Use).” Home Clip Art - Clip Art Library. Accessed June 22, 2020. http://clipart-
library.com/clipart/469755.htm.

Rollers, Royal. n.d. “Hand,Okay,Thumb - Transparent Background Teacher


Cartoon Png , Free Transparent Clipart - ClipartKey.” Clipartkey.com.
Accessed June 22, 2020. https://www.clipartkey.com/view/JwwimJ_hand-okay-
thumb-transparent-background-teacher-cartoon-png/.

“Father Clipart Work Clipart 2686009.” n.d. Father Clipart Work Clipart,
Picture #2686009 Father Clipart Work Clipart. Accessed June 22, 2020.
https://webstockreview.net/image/dad-clipart-person/2686009.html.

pinterest.ph. 2020. “Family Eating Happily.” Pinterest. June 18, 2020.


https://www.pinterest.ph/pin/157766793175254443/.

shuterstock.com.1119602057. n.d. “Clipart Luneta Park Drawing.”


Clipart.Email. Accessed June 22, 2020.
https://www.clipart.email/clipart/clipart-luneta-park-drawing-227603.html.

GMA News Online. 1970. “Ang 'Power of Love' Ni Cydel Gabutero.” GMA
News Online. GMA News Online. January 1,
1970,https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/kapusomojessicasoho/3
80482/ang-power-of-love-ni-cydel-gabutero/story/.

“PAMILYANG PILIPINO.” 2020. Ako Ay Pilipino. May 29, 2020.


https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/pamilyang-pilipino/.
“Family Cliparts #102616 (License: Personal Use).” n.d. Family Clipart - Clip
Art Library. Accessed June 22, 2020. http://clipart-
library.com/clipart/372048.htm.

You might also like