You are on page 1of 10

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport


Taft Ave., Manila

Semi-Detelyadong Banghay Aralin sa Physical Education 2


Pagsasagawa ng iba’t ibang kilos ng katawan batay sa Oras, Lakas, at Daloy
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Matukoy at maikumpara ang iba’t ibang kilos ng katawan batay sa oras, lakas, at
daloy.
B. Maipakita ang kahalagahan ng iba’t ibang kilos o paggalaw ng katawan batay sa
oras, sa daloy, at sa lakas.
C. Maisagawa ang iba’t ibang kilos o paggalaw ng katawan batay sa oras, sa daloy,
at sa lakas.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Oras, Lakas, at Daloy
B. Kahalagahan: Disiplina, Kompiyansa sa sarili, Pakikipaghalubilo, at Koordinasyon
ng katawan
C. Kagamitan: Cartolina, Mga Larawan, Laptop, PowerPoint Presentation, Projector
D. Sanggunian:
Macanas, E. (n.d.) Physical Education: Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kilos-Bagal
at Bilis. Department of Education: Schools Division Office – Marikina City.
https://drive.google.com/file/d/1eSQKXPq3kcW5yLHSqxUV5PWXOLhHwJIW/vie
w
DepEd Club (n.d.). Physical Education 2 Learners Material: Time, Force, and Flow.
Grade 2 Learner’s Materials – 3rd Quarter LM. Edukasyong Pangkatawan.
https://drive.google.com/file/d/1GiVYajOkAmoOPOgCPfoyNw-PfKeHLvJk/view ‘

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng mga liban at hindi liban

B. Balik-aral
Direksyon: Tingnang mabuti ang mga larawan, tukuyin kung ito ay kilos lokomotor o di-lokomotor.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

C. Proseso ng Pagkatuto

1. Paghihikayat:
Naranasan mo na ba na sumali sa larong pabilisan? Ikaw ba ay nauna
o nahuli sa larong ito? Bakit sa tingin mo ay nauna ka o nahuli sa larong
pabilisan na iyong nasalihan?

2. Pagtatalakay:
Gawain 1: (Activity)
Direksyon: Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay makakatanggap ng
isang sobre na naglalaman ng mga larawan at may direksyong susundin. Inaasahan na ang
bawat miyembro ng grupo ay makikiisa sa gawain.
Unang pangkat – Larawan ng iba’t ibang hayop
Direksyon: Gagayahin ng mga miyembro kung paano kumilos ang mga hayop na nasa larawan.

Ikalawang pangkat – Larawan ng iba’t ibang laro


Direksyon: Ipapakita ng mga miyembro kung paano isinasagawa ang mga laro na nasa larawan.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

Ikatlong pangkat – Larawan ng iba’t ibang kagamitan


Direksyon: Ipapakita ng mga miyembro kung paano ginagamit ang mga kagamitang nasa
larawan.

Pagsusuri: (Analysis)
1. Anong mga hayop ang ginaya ng unang pangkat?
1.1 Anong hayop ang tingin mo ay pinakamabilis kumilos? Ang pinakamabagal?
2. Anong mga laro ang isinagawa ng ikalawang pangkat?
2.1 Anong laro ang tingin mo ay madali laruin? Ano naman ang pinakamahirap?
3. Anong tawag sa mga gamit na ito? Anong mga laro ito ginagamit?
3.1 Ang lugar ba na pinaglalaruan ng mga ito ay malawak o hindi?
Pag-aralan natin!
Ang bawat pagkilos ay naaapektuhan ng iba’t ibang elemento sa iba’t ibang pagkakataon. Ang
mga elementong ito ay ang oras, lakas, at daloy.
Oras - Ang elementong oras ay nakakaapekto sa bilis o bagal ng ating pagkilos. Maari tayong
kumilos nang mabagal o mabilis ayon sa kilos na ating gagawin. Tumutukoy sa bilis o bagal ng
isang kilos.
Ang bilis ay maaaring mabilis, mas mabilis, o pinakamabilis. Ang bagal naman ay maaaring
mabagal, mas mabagal, pinakamabagal.
Halimbawa ng kilos na mabagal:
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

Halimbawa ng kilos na mabilis:

Lakas (Force)
Maaari ring ihambing ang bawat kilos ayon sa lakas. May mga sitwasyon din na nagpapakita tayo
ng ating kalakasan. Sa paghahambing ng mga kilos ayon sa lakas, masasabi natin kung ang
isang kilos ay magaan o mabigat. Magaan ang kilos kung wala kang gaanong ginamit na lakas,
mabigat naman kung naglalaan ka ng puwersa sa pagkilos.
Halimbawa: Isang bag na puno ng kwaderno at mga aklat.

Kung ito ay ipapagawa sa isang bata, makikita mo na tunay na mahihirapan ito sa gawain.
Masasabi na mabigat na gawain ito para sa isang bata. Kung ang ganitong gawain ay isasagawa
ng isang lalaki na may matipunong katawan ay magiging magaan para rito ang gawain.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

Ang lakas ay tumutukoy sa bigat o gaan ng isang gawain. Ang bigat ay maaaring mabigat, mas
mabigat, o pinakamabigat. Ang gaan naman ay magaan, mas magaan, o pinakamagaan.

Halimawa ng kilos na magaan:

Halimawa ng kilos na mabigat:


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

Anong mas mabigat? Isang kilong popcorn o isang kilong pako?

Daloy (Flow)
Masasabi mo na ang pagkilos ng isang tao ay malaya kung hindi limitado ang mga kilos na
isinasagawa. Walang dapat na sundin na hakbang at pagkakasunod-sunod sa bawat kilos. Ang
malayang kilos ay walang paghinto o sagabal sa bawat gawain. Ito ay isinasagawa ng tuloy-tuloy.
Masasabi naman natin na ang kilos ay di-malaya o kontrolado kung ang mga kilos na isinasagawa
ay limitado. May tamang hakbang ng mga kilos na dapat sundin at sa pagitan ng bawat kilos ay
inaasahan ang sadyang paghinto.
Halimbawa ng kilos na malaya:

Halimbawa ng kilos na di-malaya (kontrolado):


Ito ay may mga rules na sinasagawa o sinusunod gaya ng paglalaro ng volleyball o tennis.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

4. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)


Direksyon: Basahing mabuti ang mga tanong, tukuyin kung alin sa dalawang larawan ang
hinahanap sa tanong.
1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng bilis?

2. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng lakas?

3. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng mabigat na kilos?


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

4. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng magaan na gawain?

5. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng malayang gawain?

5. Paglalapat (Application)
Direksyon: Suriing mabuti ang mga larawan, paghambingin ito at tukuyin kung ang mga
sumusunod na larawan ay mabilis, mabagal, magaan, mabigat, malaya, o di malaya.
1. Lagyan ng bilang na 1 kung ito ay mabilis, 2 kung ito ay mas mabilis, at 3 kung ito ay
pinakamabilis.

2. Lagyan ng bilang na 1 kung ito ay mabagal, 2 kung ito ay mas mabagal, at 3 kung ito ay
pinakamabagal.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

3. Lagyan ng bilang na 1 kung ito ay magaan, 2 kung ito ay mas magaan, at 3 kung ito ay
pinakamagaan.

4. Lagyan ng bilang na 1 kung ito ay mabigat, 2 kung ito ay mas mabigat, at 3 kung ito ay
pinakamabigat.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
Institute Of Physical Education Health Recreation Dance and Sport
Taft Ave., Manila

5. Tukuyin kung ito ay malayang kilos o di malayang kilos. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay
malaya, at ekis (x) naman kung di-malaya.

IV. EBALWASYON
Direksyon: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap, isulat ang letrang T kung ito ay tama
at letrang M naman kung ito ay mali. Isulat sa iyong kwaderno.
____ 1. Ang time o oras ay tumutukoy sa kung gaano kagaan o kabigat ang ginagawang
paggalaw.
____ 2. Ang flow o daloy ay maaaring maging malaya o kontrolado.
____ 3. Ang kilos o galaw na ginawa ng walang pagtigil ay tinatawag na free flow o malayang
kilos.
____ 4. Ang mga kilos sa ilalim ng elementong oras ay maaaring mabagal, mas mabagal, at
pinakamabagal.
____ 5. Ang lakas ay tumutukoy naman sa mabilis o mabagal na galaw.

V. KASUNDUAN
Direksyon: Gumuhit o magdikit ng tig-iisang (1) larawan na naglalarawan sa mga salitang:
magaan, mabigat, kontrolado, malaya, magabal, at mabilis.

Inihanda ni:
RAFAELA G. ERUFINO
BPHED III-28

You might also like