You are on page 1of 2

Department of Education

Region III – Central Luzon


Schools Division of Bulacan
District of San Miguel Central
MASALIPIT ELEMENTARY SCHOOL
San Miguel, Bulacan

Banghay Aralin sa MTB-MLE II

I. Layunin:
Nakikilala at nagagamit ang pandiwang nagsasaad ng kilos o galaw na natapos na sa pangungusap at
talata.

II.Paksang Aralin:
Mga pandiwang nagsasaad ng kilos o galaw na nagawa na Pagbuo ng kuwento, patalastas, at iba pa

Kagamitan: lapis at papel, tarpapel, telebisyon, larawan, pantomime box


Sangguniaan : kagamitan ng mag-aaral sa MTB-MLE 2

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
-Ipakita ang larawan. Itanong kung ano-ano ang nakikita nila dito at kung ano ang ginagawa
nila. Ipahula kung ano ang binubuo ng nasa larawan.

B. Pagganyak:
Pantomime Box
Pangkatin ng dalawa ang klase. Maghanda ng mga flashcards ng mga salitang kilos. Pabunutin
ng tiglimang flashcards ang bawat pangkat. Isasakilos ng unang pangkat ang bawat salitang
nasa flashcard.Huhulaan ito ng ikalawang pangkat. Itala ang tamang hula ng ikalawang pangkat
(Ang unang pangkat naman ang manghuhula sa isasakilos ng ikalawang pangkat.) Ang pangkat
na may pinakamaraming nahulaan ang siyang panalo sa laro.

Mga nakasulat sa mga word strips:


natutulog nagwawalis umaawit kumakain tumatakbo
naglalakad sumasayaw nagsusulat nagtuturo nagpupunas

C. Paglalahad:
- Ipabasa sa mga bata ang mga salitang ginamit sa laro

C. Pagtalakay:
-Itanong kung ano ang ginawa nila sa mga salita sa kanilang pangkatang paglalaro
-Ano ang ipinakikita ng mga salitang ito at Ano ang tawag sa mga ito?
-Magpabigay pa ng ibang salitang nagpapakita ng kilos. Ipakilos ang mga ito.

D. Paglalapat:
A. Pang-katang Gawain:
-Pipiliin ng bawat grupo ang mga salitang maaring maglarawan sa larawan ng bawat grupo.

B. Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.


1. Makitid ang tulay na kanilang dinadaanan.
2. May pasalubong na limang bayabas si kuya kay bunso.
3. Masipag ang magkakapatid sa mga gawaing bahay.
4. Maputi na ang buhok ng aking lola.
5. Ang nabili niyang mangga ay berdeng-berde pa.

D. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay at lugar? Ano ang isinasaad ng mga
salitang naglalarawan? Basahin ang dapat tandaan sa LM.

IV. Pagtataya:
Isulat ang pang-uri sa bawat pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno.
_____ 1. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa palaruan.
_____ 2. Malaki ang alaga niyang kabayo.
_____ 3. Lima kaming magkakapatid.
_____ 4. Ang hapag-kainan nina Ted ay bilog.
_____ 5. Malamig ang klima sa Bagiuo.

V. Takdang Aralin:
Magbigay ng tatlong halimbawa ng pang-uri o salitang naglalarawan, gamitin ito sa pangungusap.

Ihinanda ni:

JENALYN L. MENDEZ
Guro I

Binigyang pansin:

NOEL P. DE GUZMAN
Punong Guro I

You might also like