You are on page 1of 4

GRADE 1 to 12 SCHOOL: WAWA ELEMENTARY SCHOOL GRADE LEVEL: THREE

DAILY LESSON TEACHER: RONILO P. MIÑON QUARTER: THREE


PLAN SUBJECT: DATE: FEBRUARY 27,
FILIPINO
2023

LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A. PAMANTAYANG Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa at kakayahan sa pakikinig at
PANGNILALAMAN pakikipagtalastasan tungkol sa pamilyar na mga paks, nakababasa at nakasusulat ng
(CONTENT STANDARDS) makabuluhang ideya ng nakapag-iisa at napahahalagahan ang kaniyang kultura.
B. PAMANTAYAN SA
Sa gawaing ito, inaasahan na magagamit ng tama ang salitang naglalarawan ng damdamin at
PAGGANAP temperatura.
(PERFORMANCE STANDARDS)
C.MGA KASANAYAN SA
Nagagamit ang tamang salitang kilos/pandiwa sa pagsasalaysay ng personal na karanasan
PAGKATUTO F3WG-IIIe-f-5
(LEARNING COMPETENCIES)
II. NILALAMAN Paggamit ng Tamang Salitang Kilos/ Pandiwa sa Pagsasalaysay ng Personal na Karanasan
(CONTENT)
III. KAGAMITANG PANTURO
(LEARNING RESOURCES)
A. SANGGUNIAN (References) PIVOT SLM Q3
1.Mga Pahina sa Gabay ng
Curriculum Guide 3rd Quarter (MELC)
Guro
2.Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
3.Mga Pahina sa textbook
4.Karagdagang kagamitan
mula sa postal ng Learning
Resources
B. IBA PANG KAGAMITANG Mga larawan, powerpoint at iba pa.
PANTURO
A. DAILY ROUTINE
1. Panalangin
.2. Pampasiglang awit-Kung Ikaw ay Masaya

B. BALIK-ARAL SA
NAKARAANG ARALIN AT/O
PAGSISIMULA NG BAGONG
ARALIN. Anu- ano ang mga salitang ginagamit natin sa pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar o
(Reviewing previous lesson/ pangyayari?
presenting the new lesson)

C. PAGHAHABI NG LAYUNIN Tingnan ang larawan. Tungkol saan ang larawan?


NG ARALIN. Anu-ano ang mga gawaing ginagawa ninyo sa loob at labas ng inyong
(Establishing a purpose for the tahanan? Sino ang matutuwa kapag masipag tayo sa ating bahay?Bakit
lesson) mahalaga na tumulong sa mga gawaing bahay?

D. PAG-UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG Basahin ang maikling kwento.
ARALIN.
(Presenting examples/instances of Isang araw ng Sabado habang nagwawalis sa kanilang likod bahay si Carla , biglang siyang
the new lesson) nagsisigaw at hangos na hangos na tumakbo sa kaniyang ina. Tinanong ni Aling Nena si Carla
kung ano ang nangyari.
Ikinuwento ni Carla sa kanyang ina ang nangyari. Habang siya daw ay nagwawalis, ingaw
ng ingaw ang kanyang alagang pusa na si Itim.Hinayaan na lamang niya ang kanyang pusa sa
pag-ingaw dahil lagi naman niya itong ginagawa. Naisip ni Carla na baka naglalaro lang ito sa
halamanan o di kaya ay nakikipagkulitan sa ibang hayop.Makalipas ang ilang minuto, hindi pa
rin tumitigil sa pag-ingaw ang pusa niyang si Itim. Laking gulat niya na mayroong gumagapang
na malaking ahas sa likod ng halaman.Mabilis na tumakbo si Karla bitbit ang walis.
E. PAGTALAKAY NG BAGONG Pagtalakay sa napakinggang tula sa pamamagitan ng pagsagot ng mga bata sa mga tanong
KONSEPTO AT PAGLALAHAD tungkol sa tulang kanilang napakinggan.
NG BAGONG KASANAYAN #1 Sagutin ang mga tanong:
(Discussing new concept and 1. Sino ang nagsasalaysay ng kwento?
practicing new skills #1) 2. Ano ang ginagawa ni Carla nang marinig niya ang ingaw ng kanyang pusa?
3. Bakit hinayaan na lamang ni Carla na umingaw nang umingaw si Itim?
4. Bakit tumakbo si Carla papunta kay Aling Nena?
5. Kung ikaw si Carla, ano ang gagawin mo?
6. Anu -ano ang mga salitang kilos na nabasa mo sa kwento?

F. PAGTALAKAY NG BAGONG  Basahin ang mga salitang kilos mula sa kwento.


KONSEPTO AT 1. nagwawalis 6. hinayaan
PAGALALAHAD NG BAGONG 2. nagsisigaw 7. naisip
KASANAYAN #2 3. tumakbo 8.nakikipagkulitan
(Discussing new concept and 4. tinanong 9.tumitigil
practicing new skills #2) (EXPLORE) 5. ikinuwento 10.gumagapang
Ang salitang kilos o pandiwa ang nagbibigay-buhay sa mga pangungusap dahil nagsasaad ito
ng kilos o galaw. Binubuo ito ng mga salitang-ugat at mga panlapi.
Halimbawa ng mga panlapi na ginagamit sa pandiwa bilang karanasan.
Panlapi: na, ma, nag, mag, um, in at hin
Halimbawa: sumigaw Halimbawa: nagluto
Salitang-ugat: sigaw Salitang-ugat: luto

Ang pandiwa bilang karanasan ay kadalasang naipahahayag kapag may damdamin ang
pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o damdamin na nakapaloob sapangungusap.
.
Halimbawa:
Nagalit si Ruben dahil iniwan siya ng kaniyang mga kalaro.
Salitang-ugat: galit
Panlapi: na
Karanasan: nagalit
Ilan pang mga halimbawa:
a. Umiyak nang malakas si Donna dahil pumanaw na ang
kaniyang ama.
Salitang-ugat: iyak
Panlapi: um
Karanasan: umiyak
b. Nagulat si Nicole sa nakitang palaka.
Salitang-ugat: gulat
Panlapi: na
Karanasan: nagulat
.
G. PAGLINANG SA (Pangkatang Gawain/Varied Activities by Group)
KABIHASAAN (Tungo sa (Ibigay/sabihin ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng activity)
formative assessment)
Developing mastery (Leads to Group 1 – Panuto: Piliin at bilugan ang pandiwang ginamit bilang karanasan sa pangungusap..
formative assessment) 1. Natuwa si Gina sa marka niya sa Filipino.
2. Naiyak si Nico sa pagkawala ng kaniyang aso.
3. Nabigla ako nang malaman kong pumanaw na ang lolo mo.
4. Nagulat si Ela sa nakita niya.
5. Naghirap ang kanilang buhay nang masunugan sila.
Group 2 – Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang sumusunod na salita ay salitang kilos
at (x) naman kung hindi.
___________ 1. tumalon
___________ 2. sapatos
___________ 3. umalis
___________ 4. nagsusulat
___________ 5. gatas
Group 3 – Panuto: Tingnan ang larawan. Isulat ang salitang kilos o pandiwa.

1. _______________ si Lito tuwing umaga.

2. Si Pepe ay _________ ng aklat.

3. Sina Pablo at Lita ay _________________ sa paaralan.


4. _______________ ako ng masarap na meryenda.

5. Si Tito ay ________________ sa dagat.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS

1. Naisagawa ng maayos ang gawain


3
base sa panutong naibigay.
2. Nakagawa ng gawain ayon sa
1
itinakdang oras.
3. Malinis at maayos ang pagkakagawa 1

KABUUANG MARKA 5
H. PAGLALAPAT NG ARALIN A. Panuto: Isulat ang tamang salitang kilos ayon sa inyong personal na karanasan.
SA PANG-ARAW-ARAW NA 1. ___________ ako ng maraming tubig araw-araw.
BUHAY 2. Noong nakaraang buwan, ______________ako ng mga paruparo.
(Finding practical/application 3. _______________ akong mabuti ng aking mga aralin.
of concepts and skills in daily living) 4. Para maging malusog, _______________ ng masusustansyang pagkain.
5. ____________ ng ngipin pagkatapos kumain.

B. Bilugan ang mga salitang kilos o pandiwang ginamit bilang karanasan.


1.Nangongolekta ng bote at dyaryo ang magkaptid nang araw na iyon.
2.Maagang napuno ng bote at dyaryo ang itinutulak nilang kariton.
3.Dumaan sila sa junkshop ni Mang Ambo.
4.Dito nila ipinagbibili ang mga bote at dyaryo.
5.Tinimbang ni Mang Ambo ang mga bote at dyaryo.
I.PAGLALAHAT NG
ARALIN
(Making generalizations and Anong mga salita ang ginagamit upang isalaysay o ikwento ang mga karanasan?
abstractions about the lesson)
(ELABORATE)
I. PAGTATAYA NG ARALIN Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
(Evaluating Learning)
(EVALUATION)

1. _________ si Rosa ng magandang bulaklak sa kaniyang hardin. Ano ang


salitang kilos ang angkop sa pangungusap?
A. Nagtanim B. Nagdilig C. Kumain

2. Magaling _______________ si Pedro.Ano ang salitang-kilos ang angkop sa


pangungusap?
A. magsulat B. magwalis C. maglikot

3. __________ si Lita sa takbuhan. Alin sa mga sumusunod na pandiwa ang angkop


na gamitin?
A.Sumali B.Tumawa C.Masaya

4. (Umigib,Tumalon , Tumawa) ng tubig si Lando upang maligo. Alin ang


angkop na pandiwa sa pangungusap?
A. Umigib B. Tumalon C. Tumawa

5.Nagsampay ng damit sina Lorna kahapon. Alin ang pandiwa sa


pangungusap?
a. Nagsampay B. damit C. kahapon
J. KARAGDAGANG GAWAIN Panuto: Basahin ang maikling kuwento at ikahon ang mga salitang nagpapakita ng kilos o
PARA SA TAKDANG ARALIN pandiwa.
AT REMEDIATION. Ang Alagang Aso ni Kiko
ni Juliana B. Asi
(Additional activities for May alagang aso si Kiko. Ang pangalan nito ay Abo. Lagi itong tumatahol kapag nakakita ng
application or remediation) ibang tao. Mahilig din itong kumain ng buto at tinik ng isda. Tuwing umaga, naglalakad sila sa
(EXTEND) tabing-dagat. Malambing at palakaibigan si Abo.

V. REMARKS

Observed by: Prepared by:

EMMA M. VITTO RONILO P. MIÑON


Master Teacher I Teacher I

You might also like