You are on page 1of 9

Banghay Aralin

Sa Music 2
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman The learner
demonstrates
understanding of the
basic concepts of
dynamics.
B. Pamantayan sa Pagganap The learner creatively
applies changes in
dynamics to enhance
rhymes, chants,
drama, and musical
stories.
C. Mga Mahahalagang Kasanayan sa Pagkatuto The learner uses the
Isulat ang code ng bawat kasanayan words “loud”, “louder”,
“soft”, and “softer” to
identify variations in
volume (MU2DY-IIIc-
4)
II. NILALAMAN Mga Antas ng
Paglakas o Paghina
ng Tunog
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K-to-12-MELCS-with-
CG-Codes

PIVOT 4A Learner’s
Material in Music 2
b. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa Powerpoint
mga Gawain sa Pagpapaunlad at presentation, mga
Pakikipagpalihan larawan, activity
sheets
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-
AARAL
A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal
Tumayo ang lahat. Itungo ang mga ulo, ipikit ang
mga mata, at damhin ang presensya ng atig
Panginoon.

2. Pagbati

Magandang Umaga, mga bata! Magandang Umaga


din po!
3. Pagtala ng liban

Mayroon bang liban sa araw na ito? Wala po.

4. Balik-Aral

Bago natin simulan ang ating bagong aralin,


tayo muna ay magbalik aral tungkol sa ating
tinalakay noong nakaraang linggo.

Bilang pagbabalik aral, magkakaroon tayo


maikling laro. Sa pamamagitan ng bunutan,
tayo ay pipili ng mag-aaral na sasagot sa ating
katanungan.

Tukuyin kung ang mga sumusunod na larawan


ay mayroong mahina o malakas na tunog.

1.

Malakas

SINEHAN

2.

Mahina

NAGHEHELE
NG SANGGOL

3.

Mahina

MGA IBONG
NAG AAWITAN
4.

Malakas

VIDEOKE/KARAOKE
MACHINE

5.

Mahina

EARPHONES

6.

Malakas

BANDA

Dahil naunawaan na ninyo ang ating nakaraang


aralin at natutukoy ninyo na ang mga bagay na
nagtatagaly ng mahina at malakas na tunog ay
maaari na tayong magpatuloy sa ating susunod
na aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Motivation)

Bago natin tuluyang buksan ang ating talakayan


ay magkakaroon muna tayo ng isang maiksing
laro.

Panuto: Tukuyin at kilalanin natin ang iba’t-


ibang hayop sa larawan.

Ano ang hayop na Elepante


ipinakikita sa larawan?
Ano ang hayop na Kabayo
ipinapakita sa
larawan?

Ano namang hayop Pagong


ang ipinapakita sa
larawan na ito?

At ang pang-huli, anong Ibon


hayop ang nasa
larawan?

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin


(Presentation)
Tingnan natin ang larawan ng kabayo at
elepente.

Alin ang mas malaki sa dalawang hayop na ito?


Elepante po
Pakinggan natin ang tunog na kanilang nalilikha.
Narito ang tunog nila. (Iparinig ang tunog na
nalilikha ng kabayo at elepante)

Ano ang masasabi mo sa tunog ng kabayo?


Malakas po.
Malakas ba o mahina?

Tama! Ang kabayo ay nakalilika ng tunog na


malakas.

Ano naman ang masasabi mo sa tunog ng


Malakas din po.
elepante? Ito ba ay malakas o mahina?

Tama! Ito ay mayroon ding malakas na tunog.


Kung paghahambingin natin ang tunog ng Ang elepante po ang
kabayo at elepante, alin sa kanila ang may may tunog na mas
tunog na mas malakas? malakas.

Tingnan naman natin ang larawan ng pagong at


ng ibon.

Pakinggan naman natin ang tunog na nalilikha


ng pagong at ng ibon.

Alin sa kanilang dalawa ang mas maliit base sa Ibon po


kanilang itsura at katawan?

Tama! Mas maliit ang ibon.

Pakinggan natin ang tunog na nalilikha nalang


dalawa. (Iparinig ang tunog na nalilikha ng
dalawang hayo sa larawan)

Ano ang masasabi mo sa tunog ng pagong? Ito Mahina po.


ba ay malakas o mahina?

Tama! Ang pagong ay mayroong mahinang


tunog.

Ano naman ang masasabi mo sa tunog ng ibon? Mahina rin po.


Malakas ba o mahina?

Kung paghahambingin natin ang tunog ng Ang ibon po ang may


pagong at ibon, alin sa kanila ang may tunog na mas mahinang tunog.
mas mahina?

Tama! Ang ibon ang may mas mahinang tunog.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan.

Ang mga hayop ba na ipinakita natin ay Hindi po.


mayroong magkakaparehong lakas o hina ng
tunog?

Tama! Sila ay nagtataglay ng iba’t-ibang lakas o


hina ng tunog.
Ang malakas, mas malakas, mahina at mas
mahina ay tinatawag nating mga antas ng
dynamics/daynamiks.

Sa pagtugtog o pag-awit, ang lakas o hina ay


umaayon sa tindi ng buwelo at puwersa.

Ang mas malaking buwelo ay nakalilikha ng


puwersa at tunog na mas malakas.

Ang mas maliit na buwelo ay nakalilikha ng


puwersa at tunog na mas mahina.

Ang daynamiks ay isa sa mga sangkap o


elemento ng musika. Ito ay isang pamamaraan
ng madamdaming pagpapahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo.

Ito ay tumutukoy sa masining na paglakas at


paghina ng awit o tugtugin. Ang mahina at
magaan na tunog ay nagpapahayag ng
kapayapaan o pagiging malayo samantalang
ang malakas na tunog ay nagbibigay ng
pakiramdam ng kasiglahan, buhay at kabataan.

Ngayong nauunawaan ninyo na ang tungkol sa


daynamiks o lakas at hina ng musika, subukan
natin sagutin ang mga sumusunod.

E. Pagsasanay (Engagement)

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga bagay sa


ibaba mula sa pinakamahina hanggang sa
pinakamalakas.

MAS MAHINA MALAKAS MAS


MAHINA MALAKAS

Mas mahina-
LEON DAGA bubuyog
Mahina- Daga
ASO BUBUYOG Malakas- Aso
Mas malakas- Leon

Narito pa ang isang pagsasanay upang lalo


kang humusay.

Panuto: Iugnay ang mga kilos ng hayop at


bagay sa iba’t-ibang uri ng daynamiks. Isagot
ang ML kung malakas, KT naman kung
katamtaman at MH naman kung mahina ang
antas ng daynamiks.

1. Kalapati
Ito ba ay malakas, katamtaman o mahina?
2. Aso
Ito ba ay malakas, katamtaman o mahina?
3. Tigre
Ito ba ay malakas, katamtaman o mahina?

4. Ano ang taglay


na antas ng
daynamiks
mayroon ang
bagay sa
larawan?

5. Ano ang taglay na


antas ng daynamiks
mayroon ang bagay
sa larawan?

6. Ano naman ang


taglay na antas ng
daynamiks ang
mayroon ang
bagay na ito?

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


(Application/Valuing)

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga bagay


mula sa pinaka-mahina hanggang
pinakamalakas.

1 – Mas mahina ang tunog


2 – Mahina ang tunog
3 – Malakas ang tunog
4 – Mas malakas ang tunog
A. B. A. 4 Leon
3 Pusa
_____ leon _____ bato 2 Daga
_____ pusa _____ kahoy 1 Langaw

_____ daga _____ plastic na B. 1 Bato


balde 2 Kahoy
_____langaw 3 Plastic na
_____ yero balde
4 Yero

V. PAGLALAHAT

Upang mas Madali maunawaan at matandaan


ang ating inaral na paksa, mayroon akong
inihandang isang tula.

Ang Daynamiks

Isang elemento ng musika


Daynamiks ang pangalan niya
Ito ay lakas at hina ng musika
May malakas, mas malakas
Mahina at mas mahina.

VI. PAGTATAYA NG ARALIN

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang


pangungusap ay tama at MALI naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Ang malakas, mas malakas, mahina TAMA


at mas mahina ay tinatawag nating mga antas
ng daynamiks.

_______2. Ang daynamiks ay hindi kabilang sa MALI


mga sangkap o element ng musika.

_______3. Ang mas maliit na buwelo ay TAMA


nakalilikha ng puwersa at tunog na mas mahina.

_______4. Ang masining na paglakas at TAMA


paghina ng awit o tugtugin ay tumutukoy sa
daynamiks.

_______5. Sa pagtugtog o pag-awit, ang lakas o MALI


hina ay hindi umaayon sa tindi ng buwelo at
puwersa.
VII. TAKDANG ARALIN

Magbigay pa ng tatlong (3) halimbawa ng mga


bagay na mayroong mas mahina, mahina at
malakas, mas malakas na antas ng daynamiks.

You might also like