You are on page 1of 6

Paaralan: Panghulo Elementary School Main Baitang / Antas Baitang 1

Guro: MARY JANE M. LAZANA Asignatura: MAPEH -MUSIC


Petsa / Oras: APRIL 17, 2023, MONDAY Markahan: IKATLONG MARKAHAN
3:50 – 4:30

I. LAYUNIN
- Mabibigyang kahulugan ang dynamics ng isang awit sa pamamagitan ng paggalaw (hal. maliit na paggalaw – mahina,
malaking paggalaw- malakas)
MELC/s:
- Relates the concepts of dynamics to the movements of animals e.g. big animals/movement = loud; small
animals/movement = soft
Content Standard:
Demonstrates understanding of the basic concepts of timbre
Performance Standard:
Distinguishes accurately the different sources of sounds heard and be able to produce a variety of timbres
Mode of Delivery:
Face to Face
II. NILALAMAN
A. PAKSA : Malakas at Mahinang Tunog (Dynamics)
B. Kagamitang Panturo
Video, Powerpoint,mga bagay sa paligid.

C. Sanggunian
MELCS, SDO-MODULE MUSIC Q3
III. Mga Gawain Batay sa Silid-aralan (Classroom-based Activities)
A. Panimulang Gawain (Elicit)
1. Awitin
 So-mi Greeting
Bumati sa mga bata ng paawit. Sasagot rin ang mga bata ng paawit.
Hello children
Hello Teacher
(ulitin muli)

2. Balik-aral
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay may malakas o mahinang tunog.
1. Tambol
2. Iyak ng bata
3. Kahol ng aso
4. Tilaok ng manok
5. Palakpak sa isang paligsahan

B. Pagganyak (Engage)
Awitin: Elepante
Elepante, elepante,
malaki, malaki
Mahaba ang ilong niya
Isang dipa ang tainga
Ganto ang lakad niya,
Ganto ang lakad niya.

Anong hayop ang nasa awitin? Saan ito matatagpuan?


C. Paglalahad (Explore)

Iparinig ang ilang mga awitin


Tulog na
https://www.youtube.com/watch?v=PVEKJUCVm9g
Maligayang bati
https://www.youtube.com/watch?v=jDD4orLNOVQ

Pagtalakay (Explore)

Sa konsepto ng dynamics sa musika, ang awitin ay maaaring malakas o mahina. Ang lakas o hina ng awitin
ay may kaugnayan sa damdamin ng isang awitin.
May kaugnayan rin ang kilos sa lakas o hina ng awitin. Kung malaki ang kilos, malakas ang tunog, kung
mahina ang kilos ay mahina ang tunog. Ito ay iniuugnay rin sa laki ng mga hayop. Ang mga hayop na malaki ay may malakas
na tunog samantalang ang maliit na hayop ay mahina ang tunog.
Halimbawa :
Sa awiting pampatulog, ito ay mahina upang makatulog ang bata. Ang kilos na maiuugnay dito ay maliliit na kilos
tulad ng kilos ng isang langgam.
Sa awiting ,maligayang bati, ito ay malakas upang mas maramdaman ang kasiyahan ng awitin. Ang kilos na malaki
ay maaaring maiugnay dito tulad ng kilos ng isang elepante.
D. Pagyamanin (Explain)

E. Paglalahat (Elaborate)

Ano ang dynamics?


Paano mailalarawan ang dynamics sa pamamagitan ng laki ng mga hayop?

Tandaan
Ang dynamics ay ang lakas o hina ng tunog sa musika.
Sa konsepto ng dynamics sa musika, ang maliit na paggalaw ay mahina at ang
malaking paggalaw naman ay malakas.

F. Paglalapat (Elaborate)
Pangkatin ang mga bata.

G. Pagtataya (Evaluate)
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang naglalarawan sa dynamics ng isang awit?
A. lakas o hina ng tunog
B. laki o liit ng hayop
C. bilis o bagal

2. Alin sa mga sumusunod na mga hayop ang maaaring maging simbolo ngmalakas na tunog?
A. langgam
B. balyena
C. aso

3. Kung ang ibon ay may mahinang tunog, ano naman ang tunog ng isang elepante?
A. mahina
B. malakas
C. mahinhin

4. Kung ang hayop ay malaki, ang tunog na nalilikha nito ay ______


A. mahina
B. malakas
C. mahinhin

5. Ang dynamincs o lakas o hina ng tunog ay ____________ sa isang awit o tugtugin.


A. nakakagulo
B. nakakasira
C. nakakaganda

H. Karagdagang Gawain (Extend)


Loud and Soft sound game (Malakas o mahinang tunog)
https://www.youtube.com/watch?v=ayqSHsRO3ao
I. Mga Gawain Batay sa Tahanan (Home-Based Activities)

IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakamit ng 80% sa pagtataya (formative assessment)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangang sumailalim sa remediation.
C. Bilang ng mag-aaral na nakahabol sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan pa rin ng remediation.

Paaralan: Panghulo Elementary School Main Baitang / Antas Baitang 1


Guro: MARY JANE M. LAZANA Asignatura: MAPEH -MUSIC
Petsa / Oras: APRIL 18, 2023, TUESDAY Markahan: IKATLONG MARKAHAN
3:50 – 4:30

I. LAYUNIN
- Mabibigyang kahulugan ang dynamics ng isang awit sa pamamagitan ng paggalaw (hal. maliit na paggalaw – mahina,
malaking paggalaw- malakas)
MELC/s:
- Relates the concepts of dynamics to the movements of animals e.g. big animals/movement = loud; small
animals/movement = soft
Content Standard:
Demonstrates understanding of the basic concepts of timbre
Performance Standard:
Distinguishes accurately the different sources of sounds heard and be able to produce a variety of timbres
Mode of Delivery:
Face to Face
II. NILALAMAN
A. PAKSA : Malakas at Mahinang Tunog (Dynamics)
B. Kagamitang Panturo
Video, Powerpoint,mga bagay sa paligid.

C. Sanggunian
MELCS, SDO-MODULE MUSIC Q3
III. Mga Gawain Batay sa Silid-aralan (Classroom-based Activities)
A. Panimulang Gawain (Elicit)
1. Awitin
 So-mi Greeting
Bumati sa mga bata ng paawit. Sasagot rin ang mga bata ng paawit.
Hello children
Hello Teacher
(ulitin muli)

2. Balik-aral
Isulat ang tsek kung malakas at ekis naman kung mahina.
___________1. putok ng baril
___________2. tunog ng videoke
___________3. huni ng sisiw
___________4. pagsabog ng bulkan
___________5. huni ng bubuyog

B. Pagganyak (Engage)

C. Paglalahad (Explore)
Mga Galaw ng hayop
https://www.youtube.com/watch?v=kYrzLuqsYtY

Mula sa napanood ng video, ano-anong mga hayop ang nabanggit at ano ang kanilang mga kilos?

Pagtalakay (Explore)

Ang mga tunog sa paligid ay maaaring malakas o mahina. Ang lakas o hina ng isang tunog ay tinatawag
na dynamics. Sa konsepto ng dynamics ang malaking paggalaw ng mga hayop ay may katumbas na malakas na tunog at ang
maliit na paggalaw naman ay may mahinang tunog.
Mula sa napanood na video, talakayin natin kung ang kilos ng mga hayop ay malakas o mahina.

D. Pagyamanin (Explain)
Isulat ang katumbas ng mga sumusunod na kilos ng mga hayop kung
malakas o mahina.
1. pagdapo ng paruparo sa bulaklak-____________________
2. pagtakbo ng kabayo-_________________________________
3. lakad ng pusa-_______________________________________
4. paglipad ng agila-____________________________________
5. pag-atake ng buwaya-_________________________________

E. Paglalahat (Elaborate)

Ano ang dynamics?


Paano mailalarawan ang dynamics sa pamamagitan ng laki ng mga hayop?

Tandaan
Ang elemento sa musika na tumutukoy sa lakas at hina ng isang tunog ay
dynamics.

Paglalapat (Elaborate)
Pangkatang Gawain
Pumili ng awitin at isipan ito ng galaw na angkop sa awitin.

a. Tulog Na
b. Maligayang Bati

F. Pagtataya (Evaluate)
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sinabi ng guro na gumawa ang bawat pangkat ay lumikha ng malakas na tunog. Sino sa mga pangkat
ang naisagawa ang gawain?

A. Ang pangkat 1 na ginaya ang huni ng ibon.


B. Ang pangkat 2 na bumulong sa kanilang katabi.
C. Ang pangkat 3 na pinalo ng patpat ang mesa ng kanilang guro.

2. Kung ang hayop ay maliit, ang tunog na nalilikha nito ay ______

A. mahina
B. malakas
C. maingay

3. Ang tunog ay maaaring iugnay sa laki ng mga hayop. Sa mga sumusunod na hayop, alin ang
maaaring maging simbolo ng malakas na tunog?

A. aso
B. isda
C. tigre

4. Kung ikaw ay magpapatulog ng iyong kapatid, paano ka await upang makatulog siya?

A. mahina
B. mabilis
C. malakas

5. Ito ay ang elemento sa musika na may kinalaman sa lakas o hina ng awit.

A. Dynamics
B. Ritmo
C. Tempo

G. Karagdagang Gawain (Extend)


Pag-awit ng Leron-Leron sinta sa tamang lakas
H. Mga Gawain Batay sa Tahanan (Home-Based Activities)

IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakamit ng 80% sa pagtataya (formative assessment)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangang sumailalim sa remediation.
C. Bilang ng mag-aaral na nakahabol sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan pa rin ng remediation.

Paaralan: Panghulo Elementary School - Main Baitang / Antas Baitang 1


Guro: MARY JANE M. LAZANA Asignatura: MAPEH
Petsa / Oras: APRIL 19-20, 2023, Wednesday – Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Thursday

I. LAYUNIN
 Nakapagsasagot ng Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa MAPEH
MELC/s:
---
Content Standard:

Performance Standard:

Mode of Delivery:
Face to Face (5 days in)
II. NILALAMAN
A. Paksa
Ikatlong Panahunang Pagsusulit
B. Kagamitang Panturo
PowerpoinT, Sagutang Papel, test Paper
C. Sanggunian
Teachers Guide, Self-learning module, aklat ng mag-aaral
III. Mga Gawain Batay sa Silid-aralan (Classroom-based Activities)
A. Panimulang Gawain (Elicit)
1. Awiting Kilos
B. Pagganyak (Engage)
---
C. Paglalahad (Explore)
Pagbibigay ng pamatayan sa pagsagot ng pagsusulit
PAMANTAYAN SA PAGSASAGOT NG IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT
1. Ihanda ang lapis at sagutang papel
2. Maupo nang maayos
3. Makinig sa panuto ng guro.
4. Ipasa ang sagutang papel sa guro.
D. Pagtalakay
Panuto ng pagsusulit
Panuto : Isulat ang titik ng tamang sagot.
E. Paglalahat (Elaborate)
Paglalapat
J. Pagtataya (Evaluate)
K. Karagdagang Gawain (Extend)
L. Mga Gawain Batay sa Tahanan (Home-Based Activities)

IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakamit ng 80% sa pagtataya (formative assessment)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangang sumailalim sa remediation.
C. Bilang ng mag-aaral na nakahabol sa aralin.
M. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan pa rin ng remediation.

You might also like