You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
Alubijid West District
Tula Elementary School
Tula, Alubijid, Misamis Oriental

Banghay Aralin sa Filipino 2


Ikaapat na Markahan

Teacher: Crisytal L. Baňes, T- I May 11 ,2023


Grade Level: Grade II- Matapat Observer: ___________________

I. Mga Layunin:
pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. nakikilala ang pandiwa o salitang kilos;
b. natutukoy at nagagamit ang pandiwang nagsasaad ng kilos o
galaw
c. aktibo na makilahok sa mga gawaing pangklase.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pandiwa

B. Sanggunian:Filipino 2/Gabay sa Pagtuturo pah., Curriculum Guide pah. F2WG-


Iig-H-5 Quarter 4 Week 3

C. Kagamitan: laptop, cellphone, powerpoint presentation, video presentation

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Yamang Istratehiya: Paggamit ng


makabagong teknolohiya ( PowerPoint Presentation)
E. Values Integration:
pag-aaral ng mabuti, pagkakaisa

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng lumiban at di- lumiban
B. Paglinang ng Gawain

1. Balik-aral:
Panuto: Isulat ang tamang pantig ng bawat salita.
1. babae= ba-ba-e
2. duyan= du- yan
3. salamin= sa-la-min

2. Pagganyak:
Ipapakita sa mga bata ang video presentation na ang pamagat ay
“ Kung Ikaw ay Masaya”
-Magtatanong ang guro sa mga bata.

1. Ano ang pamagat ng ating isinayaw?


2. Ano naman ang isinasaad ng kilos ng bata sa video?
3. Ano-ano ang inyong mga ginawa batay sa inyong inawit?
4. Naging masaya ba kayo habang ginagawa ito?

C. Paglalahad
 Pandiwa- nagsasaad ng kilos o galaw ng tao, bagay o hayop.

D. Pagpoproseso ng Gawain:
Magbibigay ang guro ng iba’t-ibang salita na may kilos at gagawa ng
pangungusap.

Panuto- Magthumbs-up kung ang salita ay PANDIWA at thumbs


down kung hindi.
1. naglilinis – thumbs-up
2. tumatakbo - thumbs-up
3. maganda - thumbs down
4. sumasayaw - thumbs-up
5. sumasayaw – thumbs-up
6. upuan - thumbs down
E. Paglalahat:
Tandaan:
1. Ano ang ibig sabihin ng pandiwa?
 Pandiwa- nagsasaad ng kilos o galaw ng tao, bagay o hayop.
2. Magbigay ng halimbawa ng pandiwa.
 tumatakbo
 kumakanta
 sumasayaw

F. Paglalapat:

 Panuto: Tukuyin ang salitang kilos sa bawat pangungusap.


1. Bumili kami ng mababangong bulaklak.
2. Ang mga ibon ay lumilipad.
3. Kami ay namasyal sa bukid.
4. Lumangoy si Dannah sa dagat.
5. Tinumba ng malakas na hangin ang puno.

IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin at bilugan sa loob ng kahon ang pandiwa na ipinapakita sa bawat
larawan.

1. kumakanta

umiinom

kumakain

kumakanta

2. umiinom

kumakain

kumakanta

3. nagtatanim

kumakain
B.
Hanapin sa Hanay B ang larawan na tinutukoy na salitang kilos sa bawat bilang
sa Hanay A. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

Hanay A
Hanay B

1. umiinom a.

2. sumasayaw b.

3. natutulog c.

4. tumakbo d.

5. kumain e.

V. Kasunduan

Takdang Aralin:
 Gumupit ng (5) limang larawan na nagsasaad ng kilos at gamitin ito sa
pangungusap.

You might also like