You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
SDO SANTA ROSA SOUTH ANNEX
E. SAULO MEMORIAL SCHOOL
GOMEZ, SANTA ROSA, NUEVA ECIJA

Banghay Aralin sa Filipino 3-Narra


Ikatlong Markahan

I. Layunin:
Nagagamit ang mga salitang kilos/ pandiwa sa pag-uusap tungkol sa iba’t-
ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.
Naipapakita ang pagiging matapat

II. Paksang-Aralin:
Paggamit ng Pandiwa
Koda: F3WG-Ivef-5
Kagamitan: larawan mula sa internet, Magtanim Ay Di Biro | Filipino Folk
Song | robie317 - YouTube
Integrasyon: MTB: Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari
Araling Panlipunan: Magagandang Lugar sa Bicol
EsP: Pananalig sa Diyos
Health: Pangangalaga sa Kalusugan

III. Pamaraan:
A. Pang araw-araw na Gawain
a. Pag-awit – Magtanim ay di Biro

B. Balik-aral: Hulaan Mo Ako


Tukuyin ang mga sumusunod na tambalang salita.
1. 4.

lukso + tinik luksong tinik = bahag + hari bahaghari


=

2. 5.

lakad + pagong = lakad - pagong palo + sebo = palo-sebo


3.

dalaga + bukid = dalagang bukid


pagong pagong
C. Pagganyak:
(Integrasyon: Mother Tongue-Based) Pagsunod-sunod ng mga
Pangyayari
Lagyan ng bilang 1-4 ang kahon batay sa pagkakasunod-sunod nito.

1 4

3
2

2 3 4 1

D. Paglalahad:
Sa tulong ng larawan, ano sa tingin nyo ang ating aralin?

A. Pagpapanuod ng maikling video tungkol sa Pandiwa.


Magbigay ng halimbawa ng pandiwa.

B. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan.
(Integrasyon: Araling Panlipunan) Hanapin ang pandiwa na ginamit sa
talata.
Maagang gumising si Alli. Maglilibot sila sa Bicol. Una nilang
pinuntahan ang Mayon Volcano sa Albay. Nakita nila ang perpektong hugis
ng bulkan. Sunod nilang binisita ang Cagsawa Ruins isang lumang
simbahan na nasira noong sumabog ang bulkan noong 1814.

Pagkatapos nito ay pumunta sila sa Donsol,Sorsogon kung saan


nakita nila ang Butanding, ang pinakamalaking pating sa buong mundo.
Pagkatapos dito ay nagtungo sila sa Lake Buhi kung saan natagpuan nila
ang ang sinarapan, ang pinakamaliit na isda sa mundo.
Kumain sila sa may lawa ng bicol express. Bago sila umuwi, dumaan
sila sa Our Lady of Penafrancia Church upang magpasalamat sa ligtas at
masayang paglalakbay.

E. Paglalapat:
(Integrasyon: MAPEH-Health)
Hanapin ang pangungusap na isinasaad ng larawan. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.
B____1. A. Naghuhugas ng kamay si
Ben.

D____2. B. Nakasuot ng face mask at


face shield ang pamilya Delos
Santos.

C____3. C. Naliligo si Alfred.

A____4. D. Si kuya ay kumakain ng


prutas.

F. Paglalahat:
Ilarawan ang pandiwa. Ano-ano ang mga gawain natin sa
paaralan? Sa tahanan? At sa pamayanan? Magbigay ng mga halimbawa
at gamitin ito sa pangungusap.

IV. Pagtataya:
A. Panuto: Gamitin ang wastong pandiwa sa bawat pangungusap. Pumili
ng sagot sa kahon at isulat ang sagot sa patlang.

nagluto dinidilig
Nagpunta ibinili
nagbabasa
1. Si nanay ay ____________ ng masarap na ginataang kalabasa.

2. _____________ kami sa Tagaytay kahapon.

3. Kaming magpipinsan ay ______________ tuwing gabi.

4. Nanalo ako sa paligsahan kaya’t ___________ ako ni tatay ng bisikleta.

5. Tuwing umaga ay _____________ ko ang aming halaman.

B. Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Masarap ang luto ni ate na Chicken Adobo.


2. Tinulungan ni Belle si tatay tumawid.
3. Sinundo namin si kuya sa Ninoy Aquino International Airport.
4. Tuwing umaga ay nag-eehersisyo kami.
5. Nagtatawanan ang magpipinsan habang nagkukwentuhan.

V. Karagdagang Gawain
Magtala ng mga pandiwang ginagamit mo kung ikaw ay nasa bahay.
Gamitin ito sa pangungusap.

Inihanda ni:
JENALYN B. DE JESUS
Teacher I

Inobserbahan ni:

FATIMA S. GERMINO
             Master Teacher II
Pinuna:

MARIETTA G. BONITE, Ph.D.


School Principal 1

Address: Gomez, Santa Rosa, Nueva Ecija 3100


Telephone No.:
Email: e.saulomemorialschool@yahoo.com
Facebook Page: E. Saulo MS

You might also like