You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. LAYUNIN

 Natutukoy ang mga pandiwa.


 Naisasakilos ang mga pandiwa.
 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain
sa tahanan, paaralan at pamayanan.
F3WG – Ivef–5

II. PAKSANG ARALIN

 NILALAMAN: PAGGAMIT NG PANDIWA


 KAGAMITANG PANTURO
 Sanggunian
Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo 273-274
Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-Aaral 273-274
Mga pahina sa Teksbuk 146
Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource Pluma
P.200
 Integrasyon
Araling Panlipunan: Magagandang Lugar sa Bicol

 Iba pang Kagamitang Panturo: tsart, flashcards, activity sheet

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-
aaral
A. Panalangin Tumayo ang lahat para sa panalangin. (Sa ngalan ng
ama ng anak at
ng esperitu santo.
Amen)

B. Pagbati Magandang umaga mga bata! Magandang


umaga din po!
Pakipulot ng mga dumi sa ilalim ng inyong
upuan at isaayos ang inyong mga upuan.
Tapos na po.
Maaari na kayong umupo.
Salamat po.

Sino sa inyo ang nakakaalala tungkol sa


C. Pagbalik Aral ating nakaraang aralin? Mag-aaral: Ang
ating nakaraang
aralin ay tungkol
sa Pagsusunod-
Magaling! sunod ng mga
Pangyayari.
Magpaskil ng mga larawan. Lalagyan ng
mga bata ng bilang ang mga larawan batay
sa pagkakasunud-sunod nito. (Numeracy
Skills)
Napakahusay!
D. Pagganyak Opo.

Gusto niyo bang maglaro?

Ang larong ito ay tinatawag na


CHARADES. Tatawag ako ng limang mag-
aaral na magsasakilos ng mga salitang
bubunutin sa kahon. Pagkatapos,
huhulaan ito ng inyong mga kamag-aral.

Handa na ba kayo? Opo.

1. naglalaba
2. nagwawalis
3. nagsasampay
4. tumatalon
5. kumakanta
Magaling mga bata!

E.Pag- uugnay ng Basahin ninyo ang mga salitang ginamit


mga halimbawa sa kanina sa inyong laro.
bagong aralin
1. naglalaba
2. nagwawalis
3. nagsasampay
4. tumatalon
5. kumakanta

Ang tawag sa mga salitang ito ay


PANDIWA.

PANDIWA- ay mga salitang nagsasaad ng


F. Pagtatalakay ng kilos.
bagong konsepto
Halimbawa:
1. naghugas
2. sumasayaw
3. nagtatanim
4. nagsasalita
5. nanonood

Anu-ano ang mga gawain natin sa ating


paaralan? Sa tahanan? At sa pamayanan?
upang makaiwas sa pagkalat ng COVID- Inaasahang sagot:
19. Magbigay ng mga pandiwa at gamitin 1. Naghuhugas ng
ito sa pangungusap. kamay.
2. Dumistansiya
ng isang metro.
3. Magsuot ng
face mask
4. Maglagay ng
Ipaskil ang talata: (Integration: Araling alcohol.
Panlipunan) Bilugan ang mga Pandiwa na
G. Pagtatalakay ng ginamit sa talata.
bagong konsepto at
paglalahad ng Maagang gumising si Ana.
bagong kasanayan. Mamamasyal kasi sila ng kanyang
pamilya. Maglilibot sila sa Bicol. Sumakay
na sila sa kanilang sasakyan. Una nilang
pinuntahan ang Mayon Volcano sa Albay.
Nakita nila ang perpektong hugis ng
bulkan. Sunod nilang binisita ang
Cagsawa Ruins isang lumang simbahan
na nasira noong sumabog ang bulkan
noong 1814.

Pagkatapos nito ay pumunta sila sa


Donsol,Sorsogon kung saan nakita nila
ang Butanding, ang pinakamalaking
pating sa buong mundo. Pagkatapos dito
ay nagtungo sila sa Lake Buhi kung saan
natagpuan nila ang ang sinarapan, ang
pinakamaliit na isda sa mundo.

Sagutin ang mga tanong:


1. Saan namasyal ang pamilya ni Ana?
Sila ay namasyal
sa Bicol.
2. Ano-anong mga lugar sa Bikol ang
kanilang pinuntahan? Sila ay pumunta
sa Mayon
Volcano, Cagsawa
Ruins, Donsol
Sorsogon at Lake
3. Ilang lugar ang kanilang napasyalan? Buhi.

Lima ang lugar na


4. Ano ang pinakahuling lugar na kanilang
pinuntahan nila? pinuntahan.

Ang pinakahuling
lugar na
pinuntahan nila
ay Lake Buhi.
5. Bakit kaya sila pumunta dito?
Dahil dito
matatagpuan ang
pinakamaliit na
isda sa buong
mundo.
Mayroon akong pagsasanay na ipapagawa
H. Paglalapat ng sa inyo. Hahatiin ko kayo sa tatlong
aralin sa pang araw pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng isang
araw na buhay lider upang mag ulat ng inyong ginawa.
Mayroon lamang kayong limang minute
para sagutan ito. Bago yan ito na muna
ang Pamantayan sa Pampakatang Gawain.

Pangkat 2
Bilugan ang pandiwa sa bawat
pangungusap.

1. Si Nanay ay nagluluto ng hapunan.


2. Tapos na ako maghugas ng mga
pinggan.
3. Binabasa ni Tatay ang bagong diyaryo.
4. Si Amelia ay nag-aaral sa kanyang silid.
5. Naglalaro ang mga bata sa bakuran.
Pangkat 3: Sumulat ng limang (5)
pangungusap na ginagamitan ng pandiwa.

(Pag-uulat ng
bawat pangkat)

Ano ang Pandiwa?

I. Paglalahat ng
Aralin Pandiwa- ay mga
salitang
Magbigay ng halimbawa at gamitin sa nagsasaad ng
pangungusap. kilos.

1. Si nanay ay
nagsasaing.
2. Nagwawalis si
Didoy sa bakuran
Napakahusay! 3. Nagbabasa si
Niko ng aklat.

IV.Pagtataya ng Aralin

Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Ang pusa ay humiga sa ilalim ng mesa.


2. Bumuhos ang malakas na ulan.
3. Agad na pumasok ng bahay ang mga bata.
4. Kinuha ni Kuya Bert ang payong sa sala.
5. Si Mateo ay bibili ng meryenda sa tindahan.
6. Magsisimba sina Lolo at Lola mamaya.
7. Si Amelia ay sasabay sa kanila.
8. Sina Bert at M..,ateo ay nagmemeryenda.
9. Isinuot ni Amelia ang kanyang bagong sapatos.
10. Sina Lolo, Lola, at Amelia ay sumakay sa taksi.

V. Karagdagang gawain para sa takdang aralin (Assignment)

Magtala ng mga pandiwa ang ginagamit mo kung ikaw ay nasa bahay. Gamitin ito sa
pangungusap.

Inihanda ni:

FRANCIA MAE N. NO
Teacher Applicant

You might also like