You are on page 1of 10

Banghay Aralin sa Filipino 3

Quarter 4

I. Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan
at pamayanan. F3WG-lvef-5

II. Paggamit ng mga Salitang Kilos


Integrasyon:
ESP – Pananalig sa Diyos – Nakapagpapakita ng Pananalig sa Diyos. ESP3 RD-Iva-7

AP – Naipaliliwanag ang wastong pangangasiwa ng mga pangunahing Likas na Yaman ng


Sariling lalawigan at rehiyon. AP3 LAR-ih-13
Sanggunian: MELC in Filipino 3 Wk. 7
Batang Pinoy Ako 3 p. 149
Google
Kagamitan:
Laptop, T.V, tsart, MELC, AKlat, larawan mula sa internet

Balyu:
Pananalig sa Diyos

III. Pamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Ipikit ninyo ang inyong mata at tayo ay manalangin Opo!

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat Magandang umaga po Guro

3. Pampasigla

Ang guro ay magpapakita ng video tayo ay sasabay . Opo! Sir

4. Pagtala ng liban

Nandito ba kayong lahat Opo! Sir

Magaling!
B. Panlinang ng Gawain

1. Pagsasanay

Mga bata may ipapakita ako sa inyo at sasabihin ninyo kung


ano ano ang kanilang ginagawa.

Nagwawalis

Magaling!

Naghuhugas ng pinggan

Pagguhit

Nagbabasa ng libro

Nagtatanim ng halaman.
Naglalaba ng damit.

Nagdidilig ng halaman

Nagkukulay ng larawan

Naglilinis

Nag-igib ng tubig
Ginagawa nyo rin ba ang mga gawaing ito sa inyong tahanan at
sa ating paaralan? Opo sir!

Ngayon ay mayroon ako isang kahon na naglalaman ng mga


salita. Ang inyo lamang gagawin ay earte sa harap ng klase ang
nabunot ninyong salita na nakasulat sa papel. Ang sinumang
nakahula ay siya naman ang pupunta dito sa harap ng klase para
bumunot at magpahula. Naintindihan ninyo mga bata?

Lakad Naintindihan namin Sir!

Mahusay Umarting naglalakad

Takbo

Magaling! Umarting tumatakbo

Sulat

Mahusay! Umarting sumusulat

Kanta

Magaling! Umarting kumakanta

Laro

Mahusay! Umarting lumalaro

Iyak

Magaling! Umarting Umiyak

Tanim

Mahusay! Umarting Tumatanim


Walis

Magaling! Umarting Nagwawalis

Basahin ang mga salita na inyong ginawan ng kilos.


Opo, Sir!
Lakad, takbo, sulat, kanta, laro, iyak, tanim at walis

Lahat ng mga gawaing ito ay nagpapakita ng kilos. Lakad, takbo, sulat, kanta, laro, iyak,
tanim at walis
3. Paglalahad
Ngayong araw pag-aralan natin ang mga salitang kilos sa pag-
uusap sa mga gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan kaya
mayroon tayong babasahing maikling kuwento o talata na may
kaugnayan sa ating aralin.

Mga Magandang Tanawin sa Negros

Araw ng sabado, maagang gumising si


Ana,mamasyal kasi sila ng kanyang pamilya.

Pupuntahan nila ang magagandang tanawin sa Negros


.

Bago sila umalis ay nanalangin sila para sa kanilang kaligtasan.


Sumakay na sila ng kanilang sasakyan.

Una nilang pinuntahan ang Bulkang Kanlaon. Nakikita nila ang


magandang paligid.

Ikalawa nilang binisita ang Silliman University sa Dumaguete na


isang makasaysayang lugar.
Pagkatapos ay pumunta sila sa Bais City kung saan nakita nila
doon ang naglalakihang Butanding, Dolphin at mga pating.

Ikatlo nilang pinunahan ang Talon sa Mambukal, naglakad sila


bago ito narating. Naligo sila sa malinaw at malinis na tubig nito.

Sunod nito ay nagtungo naman sila sa Bacolod City at kumain ng


chicken Inasal, masayang mgasaya silang lahat.
Bago sila umuwi ay dumaan muna sa isang maliit na simbahan
upang magpasalamat sa Diyos sa ligtas at masayang pamamasyal
4. Pagtatalakay:

a. Ano ang pamagat ng kuwento? Tama!


b. Sino ang umagang gumising? Tama!
c. Ano ano ang mga magagandang tanawin ang kanilang Ang magandang tanawin sa Negros.
pinuntahan ? Si Ana ay umagang gumising.
Tama! Bulkang kanlaon , Siliman University,
Bais City, Mambukal.
d. Paano natin mapanatili ang kagandahan ng ating mga
likas na yaman? Tama! Tumulong sa paglilinis at habang
namamasyal huwag magtapon o
e. Gusto mo rin bang mamasyal kagaya ni Ana? magkalat ng mga basura kahit saan.
f. Ano ang kanilang ginawa bago at pagkatapos sila Opo Sir!
bumiyahe? Sila po ay nagdasal.
g. Bakit kaya nanalangin sila bago at pagkatapos ng
kanilang pamamasyal? Kailangan magdasal palagi para
Tumpak ang iyong sagot! maging ligtas at masaya ang kanilang
Ang pagiging madasalin ay ating ugaliin sa lahat ng pamamasyal.
oras para tayo ay maging ligtas. Opo sir!
Ang pananalig sa Mahal na Diyos ay dapat pagtibayin.

Balikan natin ang kuwento, ano – ano ang mga salitang


kilos o pandiwa ang ginamit nito?
Gumising, mamasyal, pupuntahan,
Basahin natin ang mga salitang kilos umalis, nanalangin, bumisita,
nagdasal, kumain, umuwi, naligo
Gumising, mamasyal, pupuntahan, umalis, nanalangin, bumisita,
nagdasal, kumain, umuwi, naligo

A. 1. Pangkatang Gawain
Pamantayan ipabasa sa mga bata
A. Gumawa ng tahimik
B. Gumawa ng may kooperasyon
C. Pakinggan ang mga ideya ng bawat
miyembro
D. Piliin ang pinakamalapit na sagot/ideya
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata.
Ibigay ang mga pamantayan sa panggawa ng
grupo. Ibigay ang mga panuto sa paggawa.
Ipaskil sa pisara ang natapos na gawa ng bawat
pangkat.

Pangkat 1:
Sumulat ng tig-dalawang mga
pangungusap tungkol sa gawain sa
paaralan, tahanan at pamayanan at
salungguhitan ang mga salitang kilos na
ginamit.

Pangkat 2:
Idikit ang mga larawan na nagpapakita ng
pandiwa tungkol sa mga gawain sa
tahanan, paaralan at pamayanan at ihanay
ito sa angkop na salitang kilos.

Pangkat 3:
Gamitin sa pangungusap ang mga salitang
kilos o pandiwa na nasa strips.

2. Pangkatang Pag-uulat
( Gabayan ang bawat pangkat sa kanilang
pag uulat). Palakpakan natin ang mga magagaling na pangkat sa
kanilang pag –uulat.
Basahin natin muli ang mga salitang kilos na inyong
ginamit mula sa inyong pag –uulat.

Napag- aralan namin ang paggamit ng


D. Paglalahat mga salitang kilos .

Batay sa ating talakayan at gawain ano ang napag-aralan Nagagamit ang mga salitang kilos sa
ninyo ngayong araw? pag-uusap sa mga gawain sa tahanan,
paaralan at pamayanan.
Saan natin ito pwedeng gamitin?
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-
uusap sa mga gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan.

E. Paglalapat
Panuto: Hanapin sa “puzzle” ang mga salitang
kilos o pandiwa at gamitin ito sa pangungusap.
S A Y A W S S T
N A L I L I G O
N A G T A N I M
K U M A K A I N
S M L T A K B O
P S A R U A X M
N A G A R A R O
R Q A T W M Z R

IV.Pagtataya:
Panuto: Gamitin ang wastong salitang kilos o pandiwa sa
bawat pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon sa ibaba.

Nagdidilig Sinusulat Naglilinis


Nagluluto naglalaro Nagbabasa

1. ___________________ namin ang aming pangalan sa


papel.
2. ___________________ kami ng iba’t ibang kwento sa
paaralan.
3. Si nanay ay _____________________ ng masarap na
almusal araw-araw.
4. Kami ay _________________ ng aming pamayanan.
5. Tuwing umaga ay ________________ kami ng mga
tanim.

V. Gawaing Bahay

Magtala ng 5 pandiwa na ginagamit mo kung ikaw ay


nasa bahay. Gamitin ito sa pangungusap.

Inihanda ni :

Teacher Applicant

You might also like