You are on page 1of 8

2

MTB-MLE
Ikatlong Markahan-Modyul 2:
Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Kilos
ayon sa Panahunan

May-akda: Mary Ann C. Alabin


Tagaguhit: Reynaldo C. Celestial Jr.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.


Aralin 1– Pagtutukoy at Pagagamit ang mga Salitang Kilos
ayon sa Panahunan

Inaasahang magawa mo ang sumusunod:


A. natutukoy ang mga salitang kilos sa payak
na pananuhan sa lunsaran; at
B. nagagamit sa pangungusap o usapan ang mga
salitang kilos sa payak na panahunan.

Subukin
Piliin ang angkop na salitang kilos na nasa panaklong ()
at isulat sa hiwalay na papel.
1. Araw-araw kaming _____________ sa bahay
kaya mabilis na akong magbasa.
(nagbasa, nagbabasa, magbabasa)
2. Kahapon ako ___________ ng aking modyul sa
Ingles. (sumagot, sumasagot, sasagot)
3. Bukas ang aking kaarawan kaya si Mama ay
___________ ng masarap na pagkain.
(nagluto, nagluluto, magluluto)
4. Maraming tuyong dahon sa bakuran kaya
ako ay _________ ngayon dito.
(nagwalis, nagwawalis, magwawalis)
5. ___________ kami sa bahay nina lalo at lolo
noong nakaraang sabado.
(Nagpunta, Nagpupunta, Magpupunta)

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Kilos
1 ayon sa Panahunan

Balikan

Basahin at unawain ang maikling kuwento. Sagutin


nang pasalita ang mga tanong.
Ang Panahong Mainit
ni Mary Ann C. Alabin
Ang pamilya ni May ay naghahanda para sa panahon
ng tag-init. Iniisip nila kung paano maiibsan ang mainit na
pakiramdam dahil sa sobrang init ng panahon.
Naisip ng mama niya na bumili ng bagong bentilador.
Nilinis naman ng kaniyang papa at kuya ang mga lumang
bentilador. Naglinis na din sila ng bahay para mas
maaliwalas ang paligid. Palagi silang naliligo ng dalawang
beses sa isang araw. Iniiwasan din nilang lumabas ng bahay.
Minsan naliligo sila sa portable pool para mapreskuhan.
Kaya ngayon, kahit mainit pa ang panahon, alam na
nila ang kanilang dapat gawin para maibsan ang sobrang
init na mararanasan.
Mga Tanong:
1. Ano ang pinaghahandaan ng pamilya ni May?
2. Ano ang iyong masasabi sa pamilya ni May?
3. Sa iyong pamilya, ano ang inyong ginagawa para
maibsan ang sobrang init na nararamdaman dala ng
mainit na panahon?

City of Good Character


2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
A. Pagbasa
Basahin ang pangkat ng mga pangungusap. Pansinin
mo ang mga nakasalungguhit na salita.
sulat
1. Ang bata ay nagsulat.
2. Ang bata ay nagsusulat.
3. Ang bata ay magsusulat.
kanta
1. Si Anna ay kumanta sa simbahan.
2. Si Anna ay kumakanta sa simbahan.
3. Si Anna ay kakanta sa Simbahan.
langoy
1. Lumagot kami ng aking mga kaibigan sa dagat.
2. Lumalangoy kami ng aking mga kaibigan sa dagat.
3. Lalangoy kami ng aking mga kaibigan sa dagat.

B. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong.
1. Anong mga salita ang nakasalunghit?
2. Ano ang napansin mo sa mga salitang nakasalungguhit
sa bawat bilang?
3. Ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit?

Suriin

Ang mga salitang kilos o galaw ay may pamanahunan.


Nangyari na- kung tapos nang gawin ang kilos o galaw.
Halimbawa: uminom, sumayaw, nagsulat, naglakad.

City of Good Character


3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Nangyayari pa lamang- kung ang kilos o galaw ay
kasalukuyang ginagawa. Halimbawa:
umiinom, sumasayaw, nagsusulat, naglalakad.
Mangyayari pa lamang- kung hindi pa tapos o gagawin pa
lamang ang kilos o galaw. Halimbawa: iinom,
sasayaw, magsusulat, maglalakad.

Sa tulong ng panahunang nakalagay sa larawan,


sabihin ang angkop na salitang kilos. Tingnan ang
halimbawa sa bilang 1.

3. kahapon 2. ngayon 1. mamaya

tumakbo

6. bukas 5. kanina 4. ngayon

City of Good Character


4
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Magpatulong para pag-isipan ang sumusunod.

Salitang Kilos ay nagsasaad ng kilos o galaw. Ang


mga salitang kilos ay naaayon sa kapanahunan.
Halimbawa: iyak
Nangyari na: umiyak
Nangyayari pa lamang: umiiyak
Mangyayari pa lamang: iiyak

Isagawa
Mag-isip ng dalawang salitang kilos. Ibigay ang
panahunang nangyari na, nangyayari pa lamang at mangyayari
pa la mang. Isulat sa isang hiwalay na papel.

Ihanay ang mga salita sa kahon ayon sa panahunan.


Gamitin sa pangungusap at isulat sa isang hiwalay na papel.

Nangyayari Mangyayari Pa
Nangyari Na
Pa Lamang Lamang

umiyak kumakanta lumalagoy


magtatanim naglakad umaakyat
umuupo manunuod sumayaw
nag-aaral umawit nagsalita
maglalakad maglalaba magbibihis
City of Good Character
5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
City of Good Character
• https://www.slideshare.net/LadySpy18/pandiwa-41688248
comb-vector-23609061
• https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/girl-is-combing-her-hair-with-pink-
• https://www.freepik.com/premium-vector/cute-little-ballerina-
• https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/young-girl-doing-laundry-vector-
vector-7831072
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/girl-helping-mom-doing-dishes- •
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/two-boys-collecting-rubbish-vector- •
https://www.freepik.com/free-vector/muslim-friends_4772975.htm •
Sanggunian
Isagawa
A. ..
1. Ayon sa sagot ng mag-aaral
2. Ayon sa sagot ng mag-aaral Subukin
3. Ayon sa sagot ng mag-aaral
B. … 1. nagbabasa
1. Ayon sa sagot ng mag-aaral 2. sumagot
2. Ayon sa sagot ng mag-aaral 3. magluluto
3. Ayon sa sagot ng mag-aaral 4. nagwawalis
Pagyamanin 5. Nagpunta
Balikan
A. ..
Nangyari na 1. Ayon sa sagot ng mag-aaral
umiyak 2. Ayon sa sagot ng mag-aaral
naglakad 3. Ayon sa sagot ng mag-aaral
sumayaw Tuklasin
umawit
A. ..
nagsalita
1. bumili, bumibili
2. nagbebenta, magbebenta
Nangyayari Palang 3. naghugas, naghuhugas
kumakain 4. umiyak, iiyak
lumalangoy 5. nakikita, makikita
umaakyat B. …
umuupo C. …
Nag-aaral 1. Ayon sa sagot ng mag-aaral
2. Ayon sa sagot ng mag-aaral
Hindi Pa Nangyayari 3. Ayon sa sagot ng mag-aaral
magtatanim Pagyamanin
manunuod
maglalakad 1. tumakbo
maglalaba 2. naglilinis
magbibihis 3. maghuhugas
4. maglalaba
5. kumanta
B. .. 6. nagsusuklay
1. Ayon sa sagot ng mag-aaral
2. Ayon sa sagot ng mag-aaral
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marry Ann C. Alabin (Guro, MALES)


Mga Editor: Mary Grace Basquiňas (Guro, PES)
Maryrose Adorio (Guro, KMES)
Tagasuri-Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, MTB-MLE)
Tasuri- Panlabas:
Tagaguhit: Reynaldo C. Celestial Jr. at Paolo N. Tardecilla

Tagalapat:
Tagapamahala:
Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like