You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino III

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin , ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang aspektong naganap, nagaganap, at magaganap.

b. Naibibigay ang pagkakaiba ng tatlong aspekto ng pandiwa; at

c. Nagagamit sa pagbuo ng mga pangungusap ang ibat-ibang aspekto ng pandiwa.

II . PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Aspekto ng Pandiwa

B . Sangunian : Filipino, pahina 228-229

C. Kagamitan: Manila paper, ibat-ibang larawan na nagpapakita ng kilos

D. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng aspekto ng pandiwa sa pangungusap.

A. Pagganyak

Ngayong araw, may inihanda akong gawain

upang magkaroon kayo ng ideya sa ating pag-aaralan.

Buoin at ibigay ang salitang kilos na isinasaad sa bawat bilang.

Halimbawa

Nag + hu + = Naghugas

Kayo naman ngayon


Nag + + =

Na + =

+ ma + =

U+ =

Nag +. . + lat. =

Ano-ano ang mga salitang nabuo natin?

Nagpapakita o nagsasaad ba ang mga ito ng kilos o galaw?


B. Paglalahad

Base sa aktibidad na ginawa natin kanina ano ang paksang

tatalakayin natin ngayong araw?

Para malaman natin kung ano ang paksang tatalakayin natin ngayong araw ay

ayusin natin

ang jumbled words na nasa baba.

ASTOPEK GN WAPANDI

Ang tatalakayin natin ngayong araw ay tungkol sa Aspekto ng Pandiwa.

Ano ang mga salita na nabuo niyo kanina sa ginawa nating aktibidad?

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Tama! Alam niyo ba na ang pandiwa ay nababanghay ayon sa ibat ibang aspekto.

Ang aspekto ng pandiwa ay naganap, nagaganap at magaganap.

Unahin nating talakayin ang aspektong naganap.

Ano ang ibig sabihin ng salitang naganap?

Tama! Sa aspektong naganap ang salitang kilos ay nangyari na o naganap na.

Suriin natin ang salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Pumunta kami sa simbahan noong nakaraang linggo.

Ano ang salitang may salungguhit?

2. Binigyan namin ng pagkain ang mga batang nagugutom sa kalye kaninang kami ay
napadaan doon .

Ano ang salitang may salungguhit?

Ano ang napansin niyo sa salitang pumunta at binigyan?


Tama! Ito ay nasa aspekto ng naganap na dahil ang kilos ay tapos na o

naganap na.

Nabubuo ang pandiwa sa aspekto ng naganap sa pamamagitan ng pagsasama ng unlapi

na um , na , nag , nang , at salitang ugat.

Halimbawa:

um + alis= umalis

na + kinig= nakinig

Ano ang unlapi at salitang ugat na ginamit sa salitang kilos na nakinig?

nag + laro = naglaro

nang+ hingi = nanghingi

Sa salitang kilos na naglaro at nanghingi, ano ang salitang ugat na ginamit?

Maari ba kayong magbigay ng pangungusap gamit ang pandiwa na naganap na?

Magaling! Nakakatulong sa pagkilala ng pandiwang naganap na ang mga salitang

pampamanahong kanina, kahapon, kagabi, noong isang araw, noong nakaraan at

iba pa. Ang mga ito ay nagpapahiwatig na tapos na o naganap na ang isang kilos.

Ano ang salitang naglalahad ng kilos sa bawat pangungusap?

1. Araw-araw niyang binibisita ang kanyang lolo na may sakit sa ospital.

2. Tuwing hapon ay nagbabasa si Liza at ang kanyang kapatid .

Magaling! Ang salitang binibisita at nagbabasa ay mga salitang naganap na?

Tama! Ito ay mga salitang nagaganap. Ang aspektong nagaganap ay mga salitang kilos
na ginagawa pa lamang.

Nabubuo ang aspekto ng nagaganap sa pamamagitan ng pagsasama ng um, na , nag, at


nang + unang pantig + salitang ugat.

Halimbawa

luto. nag + lu + luto = nagluluto

awit um + a + awit = umaawit

Maari ba kayong gumawa ng pangungusap gamit ang pandiwang nagaganap?

Gumagamit ng salitang pampamanahon gaya ng araw-araw , palagi, tuwing,

kasalukuyan,

ngayon, at iba pa para ipahiwatig na ang kilos ay ginagawa pa o nagaganap pa.

Balikan natin ang pangungusap na ginamitan ng pandiwang nagaganap.

1. Araw-araw niyang binibisita ang kanyang lolo na may sakit sa ospital.

Ano ang ginamit na pandiwa?

Ano naman ang ginamit na salitang pamanahon?

2. Tuwing hapon ay nagbabasa si Liza at ang kanyang kapatid.

Ano ang ginamit na pandiwa at salitang pamanahon sa pangungusap?

Magaling! Palakpakan niyo ang inyong Sarili.

Ngayon naman ay dadako na tayo sa pangatlong aspekto ng pandiwa.

Tukuyin ang salitang naglalahad ng gawain?

1. Mamaya ay dadalaw tayo sa ating kaklase na may sakit.

2. Sa darating na Sabado ay tutulong kami sa paglilinis ng ating baranggay.

Ang salitang kilos na dadalaw at tutulong ba ay halimbawa ng aspekto ng

magaganap?

Tama! Ito ay halimbawa ng aspekto ng pandiwa na magaganap. Ang salitang

kilos ay mangyayari pa lang .


Nabubuo ang aspekto ng magaganap sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang

pantig ng pandiwa .

Halimbawa

lakad la + lakad = lalakad

kain ka + kain = kakain

Ito ay maari ring may unlaping mag , ma + unang pantig + salitang ugat.

Halimbawa

luto mag + lu + luto = magluluto

tulog. ma + tu + tulog = matutulog

Ano ang salitang- ugat na ginamit sa kilos na magluluto at matutulog?

Maari ba kayong gumawa ng pangungusap gamit ang pandiwang magaganap?

Gumagamit ng salitang pampanahon tulad ng sa darating na , bukas, mamaya,

sa susunod na at iba pa para ipahiwatig na ang kilos ay gagawin pa lang.

1. Mamaya ay dadalaw tayo sa ating kaklase na may sakit.

Ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay dadalaw. Ano naman ang salitang

pampanahon na ginamit sa pangungusap?

2. Sa darating na Sabado ay tutulong kami sa paglilinis ng ating baranggay.

Ano ang salitang pamanahon na ginamit sa pangungusap?

Magaling!

Para mas lalo nating maintindihan ang aspekto ng pandiwa, magbibigay ako ng

salitang ugat at sasabihin niyo ang salitang kilos sa bawat aspekto ng pandiwa

Handa na ba?

1. bihis

2. talon
3. iyak

4. sigaw

Magaling Grade 3!

C.Paglalahat

Alam ko na marami kayong natutunan sa ating talakayan ngayon.

Ano ang ating tinalakay ngayon?

Magaling!

Ano-ano ang mga aspekto ng pandiwa?

Ano ang pinag kaiba ng tatlong aspekto ng pandiwa?

Mahusay! Naunawaan niyo na ang ating paksa sa araw na ito.

D.Paglalapat

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang kilos na nagpapakita ng aspekto ng
pandiwa.

1. Kumanta

2. Naglalangoy

3. Tumalon

4. Magluluto

5. Lumilipad

IV. Pagtataya

Tukuyin ang pandiwang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang aspekto.

1. naglaro 2. nagsulat 3. nagwalis

naghahabulan magbabasa naglilinis

nagtago magbibilang nagpupunas


4. kakanta. 5. tatakbo

umaawit humahabol

sasayaw sumisigaw

V.Takdang Aralin

Panuto: Sagutan ang Gawin A sa pahina 228 sa inyong libro. Kompletuhin ang

talahanayan ng mga pandiwa sa tatlong aspekto.

Mga Pandiwa

Naganap Nagaganap Magaganap

Nag-aral

namamasyal

nakikiisa

magtatanim

Nag-usap

Inihanda ni:

SHANE Z. MARQUEZ

BEED-2B

You might also like