You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino ī

ī. Layunin

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

•Natutukoy ang gamit ng malaki at maliit na letra sa pagsulat.


• Napapahalagahan ang paggamit ng malaki at maliit na letra.
•Nakikilahok sa mga gawain na may kasiglahan.

īī. Paksang Aralin

Paksa: Pagtukoy sa Wastong Gamit ng Malaki at Maliit na letra sa Pangungusap.


Sanggunian: Curriculum Guide 4th quarter (MELC)
LAS Filipino Week 3 pp. 41-45
Mga kagamitan: Manila paper at Colored Paper
Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pag-unawa sa wastong gamit ng malaki at maliit na letra
sa salita.

īīī. Pamamaraan

A. Gawain
Itanong:
Mga bata alam nyo ba kung pano kumimbot ng mga malalaking at maliliit na letra gamit ang
ating beywang? Ngayon magsitayo tayong lahat. (Pangungunahan ng guro ang pagkembot ng
mga letra at sasabayan naman ito ng mga magaaral).
B. Pagsusuri
Tamang Paggamit ng Malaking Titik

1. Sa unahan ng tiyak na pangalang pantangi

A. Pangalan ng tao/dinaglat na pangalan ng tao

Halimbawa: Maria, Luis, Benito

B. Pangalan ng pook o lugar

Halimbawa: Infanta, Nakar, Quezon

C. Pangalan ng Araw

Halimbawa: Lunes, Martes, Miyerkules

D. Pangalan ng Buwan

Halimbawa: Enero, Hunyo, Marso

E. Pangalan ng bagay

Halimbawa: Bag–Hawk, Sapatos– Adidas


F. Pangalan ng pagdiriwang o pangyayari

Halimbawa: Pasko, Kaarawan

2. Magagalang na katawagan kapag ito‘y sinusundan ng pangalang pantangi.


Halimbawa:
— Si Ninong Jose Marie ay galante magbigay ng reagalo tuwing Pasko.
— Si Ingkong Sela ay masarap magluto.

3. Pagsulat sa unang salita sa bating panimulaat bating pangwakas

Halimbawa:

— Mahal kong Inay

— Laging Nagmamahal

— Ang Inyong Anak

4. Sa pangalang pantangi ng mga lugar, samahan, simbahan, daan.

Halimba:

— Kamiy kumain sa Grand Hotel.

— Sa Sitio kagandahan kami nakatira.

5. Sa pagsulat ng araw, buwan at mga pista, ngunit hindi ngalan ng panahon.


Halimbawa:
— Taglamig ang buwan ng Disyembre.
— Sa Lunes ang kanyang magiging kaarawan.

6. Sa simula ng bawat pangungusap/o unang letra sa bawat taludtod ng tula.

Halimbawa:

— Sila ay mahuhisay na magaaral.

— Ang kaligayahan ay matatagpuan sa mga taong hindi ka iiwan at pababayaan.

Tula:

Sa aking pangarap, samahan mo ako

Maglakbay, tumuklas ng bagong talino:

Bumuo ng tulay sa kabilang ibayo,

Upang marating sa daan ng pag-asenso.


7. Unang salita ng pangungusap na nasa loob ng panipi (“ ”).
Halimbawa:
— “ Mag-aral kang mabuti”, ang sabi ng guro.

8. Sa mga pampaaralan na hango sa pangalang pantangi.

Halimbawa:

— Ako'y nag-aaral ng Filipino at Araling Panlipunan para sa pagsusulit bukas.

9. Sa mga pamagat ng akda, libro o palabas maliban na lamang sa mga pantukoy, pang-ukol o
pangatnig.
Halimbawa:
— Ang paglalakbay sa kaharian ng Berbanya.
— Going Bulilit
— Eat Bulaga

10. Iba pang salitang ginagamitan ng malaking titik.

Halimbawa:

— Pilipinas

— Diyos (panghalip)

11. Gumagamit din ng pagpapalaki ng mga titik kapag may gustong bigyan-diin sa isang
pangungusap.
Halimbawa:
— Ang pakikipagtalastasan ay bahagi nang buhay ng tao. Nagpapahayag tayo ng mga kaisipan at
saloobin sa mga taong nakakasalamuha natin sa bawat araw at nagagawa natin ito sa
pamamagitan ng tinatawag nating WIKA. Ito ay katipunan ng mga simbolo o tunog na siyang
sinasalita ng tao.

12. Gumagamit pa nito kapag dinaglat ang maaaring pangalan ng isang organisasyon o kaganapan.

Halimbawa:

SONA, PAG-ASA, DENR

Pagsasanay:

Panuto: Bilugan mo ang mga salitang nagsisimula sa malaking letra.

1. bola Manila guro


2. Albay talong paaralan
3. piso manok Lunes
4. Linggo araw buwan
5. pulis Santos doktor

C. Paglalahad
Gabay na tanong: Saan ginagamit ang malaki at maliit na letra sa pagsulat?
1.Ang malaking letra ay ginagamit sa simulang letra ng pangungusap, at ang ibang letra ay
sinusulat sa maliit na letra. ( Ipakita ang pangungusap sa ibaba na nakasulat sa strip at idikit sa
pisara.)
Maglalaro kmi sa labas mamaya.
Ang bata ay masayang umaawit.

2.Ang tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari ay nagsisimula sa malaking
letra.

Halimbawa:

* Guro para sa tao – Ms. Jaycel Ann

* Lapis para sa bagay– Mongol 1

* Paaralan para sa lugar– San Marcelino Elementary school

* Pusa para sa hayop– Kitty

* Isang Pangyayari– Birthday/kaarawan

3. Ginagamit ang malaking letra sa araw at buwan.

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes

Hunyo Setyembre Oktubre Marso Agosto

D. Paglalapat
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang salita o mga salita ay nagsisimula sa malaking
letra, at ekis (×) kung nagsisimula sa maliit na letra.
___1. Aklat
___2. g. francisco
___3. Quezon
___4. Bulkan Mayon
___5. Nobyembre
īV. Pagtataya

Panuto: Isulat na muli ang mga pangungusap sa kulay ayon sa tamang gamit ng malaki at maliit na letra.

1. Ako ay si ana Gomez.

2. Ang kaarawan ko ay sa enero 24, 2002

3. Ang aking kapatid ay si ben.

4. Sina Marilou at mario gomez ang mga magulang ko.

5. kumain kami sa jollibee.

v. Takdang Aralin
Punan ang tsart. Gamitin ang malaki at maliit na titik sa pagsulat.

Ang pangalan ko ay

Nakatira ako sa

Akoy ilang taong gulang

Ang pangalan ng tatay ko ay si

Ang pangalan ng nanay ko ay si

You might also like