You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino I

I. Layunin

Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Natutukoy ng mga bata ang mga araw sa isang Linggo.


 Napapahalagahan ng mga bata ang mga araw sa isang Linggo.
 Nakikilahok ng aktibo sa mga gawaing pangklase.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga araw sa isang Linggo.

Sanggunian: https://www.slideshare.net

Mga kagamitan: Makulay na papel, Manila paper, pangdikit at visual aids

Pagpapahalaga: Malalaman ang halaga ng mga araw sa isang Linggo

III. Pamamaraan

A. Gawain

Tatayo ang mga bata, kakanta at sasabay ng sayaw na Pito-Pito song na ipapanood ng
guro.

B. Pagsusuri

Magtatanong ang guro kung may ideya na ang mga bata sa pag-aaralan nila ngayong
araw.

Magtatanong ang guro basi sa ginawa nilang gawain kanina kung ilang araw ang
mayroon sa isang linggo.

May Pitong araw sa isang Linggo.

Linggo- ang unang araw sa isang Linggo. Nagsisimba o


sumasamba ang karamihan tuwing araw ng Linggo.
Lunes- ang ikalawang araw sa isang Linggo. Ang unang araw ng
pagpasok sa paaralan.

Martes- ang ikatlong araw sa isang Linggo. Ang ikalawang araw ng


pagpasok sa paaralan.

Miyerkules- ang ika-apat na araw sa isang Linggo. Ang ikatlong


araw ng pagpasok sa paaralan.

Huwebes- ang ika-lima na araw sa isang Linggo. Ang ika-apat na


araw ng pagpasok sa paaralan.

Biyernes- ang ika-anim na araw sa isang Linggo. Ang huling araw


ng pagpasok sa paaralan.

Sabado- ang ika-pitong araw sa isang Linggo. Ang araw ng


paglalaro ng mga bata at araw ng paglalaba at paglilinis ng bahay
nila Nanay.
C. Paglalahat

Magtatawag ang guro ng pitong bata na maglalagay ng bilang mula isa hanggang pito sa
loob ng kahon ng maipakita ang pagkasunod-sunod ng araw sa isang Linggo

1 2 3 4 5 6 7

Sabado Linggo Martes

D. Paglalapat Huwebes
Lunes Miyerkules Biyernes
Hahatiin ng guro ang
mga bata sa pitong grupo.

Sa bawat grupo mag bibigay ang guro ng isang envelop na nakalagay ang iba’t ibang
tanong kung anong araw sa isang linggo ang tinutukoy sa tanong na nakapaloob.

Mga tanong na nakapaloob sa envelop;

Envelop #1- Ito ang ikapito na araw sa isang Linggo?

Envelop #2- Ito ang ikatatlong araw sa isang Linggo?

Envelop #3- Ito ang ikalawang araw sa isang Linggo?

Envelop #4- Ito ang ika-unang araw sa isang Linggo?

Envelop #5- Ito ang ika-apat na araw sa isang Linggo?

Envelop #6- Ito ang ikalima na araw sa isang Linggo?

Envelop #7- Ito ang ikaanim na araw sa isang Linggo?

Bawat grupo ipapakita ito sa unahan ng klasi at sasabehin ng kaklasi kung tama ba ito o
mali.

IV. Pagtataya

Ilagay sa malinis na papel ang tamang sagot sa sumusunod.

1. Ito ang ikalimang araw sa isang linggo.


a. Lunes c. Huwebes
b. Miyerkules d. Sabado
2. Ito ang ikaunang araw sa isang linggo.
a. Linggo c. Huwebes
b. Biyernes d. Sabado
3. Ito ang ikatatlong araw sa isang linggo.
a.Sabado c. Lunes
b. Miyerkules d. Martes
4. Ito ang ika-anim na araw sa isang linggo.
a. Lunes c. Huwebes
b. Biyernes d. Sabado
5. Ito ang ika-apat na araw sa isang linggo.
a. Lunes c. Huwebes
b. Miyerkules d. Sabado

V. Takdang Aralin

Sa isang malinis na papel ilagay kung anong araw ang pinaka-paborito mo sa isang
Linggo. Bakit?

INIHANDA NI:

YNNARI F. PECONADA

BEED-2B

You might also like