You are on page 1of 14

Mathematics 1

Kuwarter 4
Modyul 1
Nasasabi ang mga ngalan ng araw
isang linggo sa tamang
pagkakasunod-sunod
Mathematics – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Nasasabi ang mga ngalan ng araw sa isang linggo sa
tamang pagkakasunod-sunod
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Leah N. Montero
Editor: Rhea C.Bucayan
Tagasuri: Wilma P. Soriano at Vivian U. Bantigue
Tagaguhit:
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Mathematics 1
Kuwarter 1
Modyul 1
Nasasabi ang mga ngalan ng araw sa isang linggo sa
tamang pagkakasunod-sunod
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul para
sa araling Nasasabi ang mga ngalan ng araw sa isang linggo sa tamang
pagkakasunod-sunod.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 1 ng Modyul para sa araling


Nasasabi ang mga ngalan ng araw sa isang linggo sa tamang pagkakasunod-sunod

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang nasasabi


ang mga ngalan ng araw sa isang linggo sa tamang
pagkakasunod-sunod.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ilang araw mayroon sa loob ng isang linggo?
A. Anim B. pito C. walo D. siyam

2. Ano ang unang araw ng pasok sa paaralan?


A.Lunes B. Miyerkules
C. Martes D. Biyernes

3. Ilang araw ka nag-aaral sa paaralan?


A.3 B. 4 C. 5 D.6
4. Kung kahapon ay Lunes, anong araw naman bukas?
A. Martes B. Huwebes
C. Miyerkules D. Biyernes

5. Kung bukas ay Sabado, anong araw ngayon?


A. Martes B. Miyerkules
B. Huwebes D. Biyernes
BALIK-ARAL

Ibig ni Nico na lumahok sa camping bukas. Inihanda


niya kahapon ang bag na gagamitin sa camping.

Kung ngayon ay Biyernes,


 anong araw niya inimpake ang kaniyang bag at
mga gagamitin sa camping? _________________
 anong araw ang camping nila?
______________________________________
ARALIN

Pitong araw sa isang Linggo


Seven days in a Week

Linggo Lunes Martes Miyerkules


Sunday Monday Linggo
Tuesday Linggo
Wednesday

Huwebes Biyernes Sabado


Thursday Friday Saturday

May pitong araw sa isang lingo:


1. Linggo
2. Lunes
3. Martes
4. Miyerkules
5. Huwebes
6. Biyernes
7. Sabado
 Ano ang unang araw sa isang lingo? ___________
 Ano ang kasunod ng Linggo? __________________
 Kung ngayon ay Lunes, anong araw bukas?
_______________________________________________
 Kung kahapon ay Biyernes, anong araw
ngayon? ______________________________________
 Pang ilang araw ang Miyerkules? ______________
 Kung ngayon ay Martes, anong araw
pagkalipas ng dalawang araw? _______________
 Ilang araw mayroon sa isang lingo? ____________
MGA PAGSASANAY

Gawain 1

Panuto: Piliin ang ngalan ng araw pagkatapos ng


sumusunod na araw.

1. Miyerkules
A. Martes B.Biyernes
C. Huwebes D. Sabado
2. Linggo
A. Biyernes B. Lunes
C. Sabado D. Martes
3. Biyernes
A. Sabado B. Lunes
C. Linggo D. Martes
4. Martes
A. Lunes B. Huwebes
C.Miyerkules D. Biyernes
5. Huwebes
A. Martes B. Biyernes
C.Miyerkules D. Sabado
6. Sabado
A. Linggo B. Martes
C.Lunes D. Miyerkules
7. Lunes
A. Sabado B. Martes
C.Linggo D. Miyerkules
Gawain 2

Panuto: Piliin ang ngalan ng araw bago ang sumusunod


na araw.
1. __________ Sabado
A. Miyerkules B. Biyernes
C.Huwebes D. Linggo
2. __________ Miyerkules
A. Lunes B. Huwebes
C.Martes D. Biyernes
3. __________ Biyernes
A. Martes B. Huwebes
C.Miyerkules D. Sabado
4. __________ Linggo
A. Sabado B. Martes
C. Lunes D. Miyerkules
5. __________ Martes
A. Linggo B. Miyerkules
C.Lunes D. Huwebes
6. __________ Huwebes
A. Miyerkules B. Sabado
C.Biyernes D. Linggo
7. __________ Lunes
A. Biyernes B. Linggo
C.Sabado D. Martes
Gawain 3

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong araw pagkatapos ng Martes?


A. Linggo B. Miyerkules
C.Lunes D. Huwebes
2. Anong araw bago Linggo?
A. MIyerkules B. Biyernes
C. Huwebes D. Sabado
3. Anong araw ang nasa pagitan ng Huwebes at
Sabado?
A. Lunes B. Biyernes
C. Martes D. Linggo
4. Naglaro kami ng mga pinsan ko kahapon sa
Palaruan ng Rainforest. Kung ngayon ay Linggo.
Anong araw kami naglaro?
A. Sabado B. Lunes
C. Linggo D. Martes
5. Sa Linggo ay darating ang lolo at lola ko galing
probinsya. Anong araw bago sila dumating?
A. Huwebes B. Sabado
C. Biyernes D. LInggo
PAGLALAHAT

May pitong araw sa isang Linggo. Ano-ano ang


mga ito?
1. ___________
2. ___________
3. ___________
4. ___________
5. ___________
6. ___________
7. ___________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.


Kaarawan ni Liza sa Sabado. Inimbitahan ka niya na
pumunta sa bahay nila dahil maghahanda sila para sa
kaniyang kaarawan. Inimbitahan din ang ilan sa iyong
mga kaklase. Nagpaalam ka sa iyong nanay ngunit hindi
ka pinayagan dahil walang magbabantay sa maliit mong
kapatid at dahil sa Covid, bawal lumabas mga bata.
 Pupunta ka pa rin ba sa kaarawan ni Liza?
 Bakit kailangang sumunod sa utos ng mga
magulang?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong araw bago ang Biyernes?


A. Martes B. Huwebes
C. Miyerkules D. Sabado
2. Anong araw sa pagitan ng Martes at Huwebes?
A. Lunes B. Biyernes
C. Miyerkules D. Sabado
3. Anong araw pagkatapos ng Miyerkules?
A. Lunes B. Huwebes
C.Martes D. Biyernes
4. Kung Huwebes ngayon, anong araw bago ang
kahapon?
A. Lunes B. Biyernes
C.Martes D. Sabado
5. Kung ngayon ay Miyerkules, anong araw pagkalipas
ng dalawang araw?
A. Sabado B. Lunes
C.Linggo D. Martes
SUSI SA PAGWAWASTO
7. B 7. B
6. A 6. A
5. A 5. B 5. C 5. B D 5.
4. C 4. A 4. A 4. C C 4.
3. B 3. B 3. B 3. A C 3.
2. C 2. D 2. C 2. B A 2.
1. B 1. B 1. B 1. C B 1.

Pagsusulit Pagsusulit
Panapos na Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1 Paunang

SANGGUNIAN
Padilla, Danilo S., et al. Mathematics-Unang Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral sa
Tagalog, Binagong Edisyon 2017

Castillo, Balmera (2008)


Let’s Work, Learn and have Fun with Math Skillbook

You might also like