You are on page 1of 18

Science 3

Science 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Katangian ng mga Karaniwang Solid – Tekstura at Bigat
Agham – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 5: Katangian ng mga Karaniwang Solid
Unang Edisyon, 2020 -Tekstura at Bigat-

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marlie B. Abiera
Editor: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Liza A. Alvarez, Vic Marie I. Camacho, Crist John M. Apostol
Tagaguhit: Emmerando Martin P. Cruz at Lovely Rollaine B. Cruz
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara at Lovely Rollaine B. Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang
ng Modyul para sa araling Katangian ng mga Karaniwang Solid – Tekstura
at Bigat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan
sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo
na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol sa
Katangian ng mga Karaniwang Solid – Tekstura at Bigat!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Ang mga bagay na solid, liquid, at gas ay may kani-
kaniyang katangian. Sa pagkakataong ito, tatalakayin natin
ang mga katangiang taglay ng mga bagay o materyal na
solid. Aalamin natin ang mga uri ng solid batay sa mga
katangian nito.
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may
kakayahan ka nang:
1. mauri ang mga karaniwang solid batay sa
tekstura – malambot, matigas, magaspang at
makinis (hal. Bulak, mga damit, tuwalya, kahoy,
bato at iba pa).
2. mauri ang mga karaniwang solid batay sa bigat -
mabigat at magaan (hal. Bulak, keyk, bato, kahoy
at iba pa); at
3. magpahalaga sa mga gawaing may kinalaman
sa katangian ng mga bagay na solid.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul na ito,


sagutin muna ang sumusunod na pagsubok upang
malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman ukol
sa paksa.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa papel.

1. Alin sa mga sumusunod na bagay ang magaan?


A. bato B. espongha

C. kabinet D. mesa

1
2. Ang malaking bato, telebisyon, at mesa ay _________.
A. mabigat B. magaan
C. malambot D. maamoy

3. Ang tuwalya, unan at bulak ay ___________.


A. mabigat B. magaan
C. matigas D. makinis

4. Ang guro mo sa Science ay nagpapadala ng bagay na


malambot at magaan. Alin sa mga sumusunod ang
dadalhin mo?
A. bato B. espongha
C. kama D. upuan

5. Ang tuwalya ay bagay na ginagamit mong pamunas


pagkatapos maligo, ano ang dapat mong gawin
pagkatapos
mo itong gamitin?
A. Pabayaan lamang ito.
B. Ilagay kung saan-saan.
C. Utusan ang nanay na isampay ito.
D. Isampay nang maayos upang ito ay matuyo.

BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin, napag aralan mo ang mga bagay


na solid, liquid at gas na nakikita sa tahanan at sa paligid mo.
Ano ang mga bagay na solid, liquid, at gas na nakikita sa
tahanan at sa paligid mo? Magkakaroon ka ng simpleng
gawain kung naaalala mo pa ang nakaraang aralin.
Kumpletuhin ang talahanayan ng mga bagay na solid, liquid,
at gas na makikita sa iyong tahanan.

2
SOLID LIQUID GAS

ARALIN

Sa loob ng tahanan marami kang mga bagay na


nakikita. May mga bagay na magaan o mabigat, malambot
o matigas at magaspang o makinis.

Ang tekstura ay naglalarawan kung ang isang bagay ay


matigas o malambot at magaspang o makinis. Ang bigat
naman ng isang bagay ay mailalrawan bilang magaan o
mabigat.

Pagmasdan ang mga larawan. Ano ba ang katangian


ng solid na ito? Upang malaman kung ang mga bagay na ito
ay magaan o mabigat, maaari kang magpatulong sa iyong
nakatatandang kasama sa bahay sa pagbuhat nito.
Tandaan: Huwag magbubuhat ng mga bagay na hindi ka
tinutulungan ng iyong nakatatandang kasama sa bahay.
Katulong ang iyong nakatatandang kasama sa bahay,
subukin mong buhatin ang mga bagay na ito. Ito ba ay
mabigat o magaan?

3
1. unan 2. kabinet

3. mesa 4. tuwalya

5. styrofoam box 6. telebisyon

Tama! Ang kabinet, mesa, at telebisyon ay mabigat


samantalang ang unan, tuwalya, at styrofoam box ay
magaan. Paano bang nasasabi kung ang isang bagay ay
mabigat o magaan? Bilang isang bata, alin ang mas kaya
mong buhatin ang bagay na mabigat o ang bagay na
magaan?

Maraming mga solid na bagay ang mabigat tulad ng


upuan, mesa, refrigerator, telebisyon, at marami pang iba.
Maraming mga bagay rin naman ang magaan tulad kumot,
papel, bolpen, lapis, damit, at marami pang iba.

Sa mga sitwasyong kailangang sukatin ang bigat o


mass, kinakailangan gumamit ng timbangan. Ang yunit ng

4
bigat na madalas na ginagamit ay grams at kilograms. Ang
mga nabibili natin sa tindahan at grocery ay may nakasaad
ng timbang tulad ng de lata, biskuwit, kap keyk, at iba pa.

Suriin ang nasa larawan. Kung mayroon ka nito sa iyong


tahanan subukin mo itong hawakan.

7. bato 8. espongha

9. bulak 10. kahoy

11. upuan 12. damit

Ang bato, kahoy at upuan ay mga matitigas na bagay


samantalang ang espongha, bulak, at damit ay malalambot
na mga bagay.

5
Marami pa ang mga bagay na matitigas at malalambot
ang matatagpuan sa iyong tahanan at sa iyong paligid. Ito
pa ang ilan sa mga halimbawa ng mga bagay na matigas
na mankikita ko sa aking bahay: kutsara, pinggan, baso,
salamin, at suklay. Ang mga bagay naman na malalambot
na matatagpuan sa aking bahay ay panyo, stuffed toys,
unan, at kumot.

Tingnan maigi ang nasa larawan. Mayroon ba kayo nito


sa bahay. Kung mayroon ay subukin mo rin itong hawakan.

13. kutsara 14. eskoba

15. bunot 16. salamin

Ang kutsara at salamin ay makikinis na bagay.


Samantala ang bunot at eskoba ay magagaspang na
bagay. Maaari ka pa ba magbigay ng mga bagay na
makikinis at magagaspang?

Ang plato at baso ay mga halimbawa pa ng bagay na


makikinis. Samantala ang pader ng bahay at hasaan ng
kutsilyo ay ilan pa sa mga bagay na magagaspang.

6
Maari ka bang magbigay ng iba pang halimbawa ng
solid na may magkakaibang tekstura at bigat?

MGA PAGSASANAY

Gawain 1:
Panuto: Isulat sa talahanayan ang mga solid na bagay na
sa loob ng iyong tahanan. Ilista ito ayon sa tekstura at bigat.

Magaan Mabigat

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Malambot Matigas

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Makinis Magaspang

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Gawain 2:
Panuto: Uriin ang mga bagay na solid. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa loob ng kahon.

A. bato B. bulak C. foam


D. kahoy E. kumot
7
Malambot Mga Matigas
Bagay
na
SOLID

A. . pader B. eskuba C. pakwan


D. salamin E. langka

Makinis Mga Magaspang


Bagay
na
SOLID

Gawain 3: Iguhit ang ( ) sa sagutang papel kung ang


bagay na tinutukoy ay magaan at ( ) naman kung ito ay
mabigat.

_____1. _____2. _____3.

_____4. _____5. _____6.

8
_____7. _____8. _____9.

_____10.

PAGLALAHAT

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel


Pagsunod-sunorin ang mga pangungusap para mabuod
ang aralin sa araw na ito. Lagyan ng bilang 1-4 at muling
isulat ng patalata ang iyong sagot.
_____A. Ang mga katangiang ito ay ang bigat at tekstura.
_____B. Ang mga bagay na solid ay may sariling katangian.
_____C. Ang tekstura naman ay naglalarawan kung ang
isang bagay ay malambot o matigas at makinis o
magaspang.
_____D. Ang bigat ng isang bagay ay mailalarawan bilang
magaan o mabigat.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

9
PAGPAPAHALAGA

Matapos na malaman ang katangian ng mga solid na


bagay, alamin kung paano nakatutulong sa iyo ang mga
katangian ng solid na matter. Paano mo ginagamit ang mga
bagay na matigas at malambot, magaspang at makinis, at
magaan at mabigat?
Lagyan ng tsek (√) ang hanay na naglalarawan sa
katangian ng solid at isulat ang gamit nito.

Magaspang
Malambot

Magaan

Mabigat
Matigas

Makinis

Mga Solid Gamit

Halimbawa: ginagamit sa
kutsara pagkuha ng
√ √ √
pagkain

damit

espongha

kabinet

kumot

mesa

10
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang


sagot at isulat ito sa papel.

1. Ano ang katangian ng bulak at espongha?


A. mabigat B. magaan
C. katamtaman D. lumulutang

2. Alin sa mga sumusunod na bagay ang mabigat?

A. B.

C. D.
3. Alin ang magaan?

A. B.

C. D.

11
4. Ang guro mo sa Science ay nagpapadala ng
bagay na matigas at mabigat. Alin sa mga sumusunod
ang dadalhin mo?
A. bulak B. malaking bato

C. espongha D. stuffed toys

5. Ang plato, baso, kutsara at tinidor ay mga bagay na


magaan at ginagamit mo sa pagkain, ano ang dapat
mong gawin pagkatapos mong gamitin ang mga ito?

A. Hugasan nang maayos at ilagay sa tamang


lagayan.
B. Pabayaan itong nakakalat sa lababo.
C. Iwanan lamang ang mga ito sa mesa.
D. Pahugasan sa kapitbahay.

SUSI SA PAGWAWASTO

12
Sanggunian
A. Aklat

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learner’s Material 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014.

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Teacher’s Guide 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014.

B. Pampamahalaang Publikasyon

Dep Ed Most Essential Learning Competencies

13

You might also like