You are on page 1of 12

f

Araling Panlipunan – Ika-Pito na Baitang


Unang Markahan – Modyul 10: Ugnayan ng Tao sa Kaniyang Kapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jennifer M. Cotchay
Editor: Allan P. Ulep
Tagasuri: Rowena D. Roxas
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
Unang Markahan
7
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ugnayan ng Tao sa Kaniyang Kapaligiran
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Modyul
para sa araling Ugnayan ng Tao sa kaniyang Kapaligiran!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 Modyul ukol sa Ugnayan ng


Tao sa Kaniyang Kapaligiran!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag - aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:

Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang


ekolohiko ng rehiyon

MGA INAASAHANG LAYUNIN:

1. nasusuri ang larawan tungkol sa kapakinabangan ng tao sa kanyang


kapaligiran
2. natutukoy ang ugnayan at kapakinabangan ng tao at iba pang may buhay na
organismo sa kaniyang kapaligiran
3. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pakinabang ng tao sa kaniyang
kapaligiran

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin
mula sa binigay na pagpipilian ang tamang sagot.

1. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Para makuha ang sukat nito
ay pagsasama-samahin ang mga kontinente. Anong mga kontinente na kapg
pinagsama ay katumbas ng isang Asya?

A. Africa, Australia, at Antarctica


B. Europe, Australia, at Africa
C. North America, Africa, at Europe
D. North America, South America, at Australia

2. Ang kapuluan o arkipelago ay pangkat ng mga pulo na marami sa Asya. Anong


bansa sa Asya ang itinuturing na pinakamalaking arkipelago sa buong mundo na
binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo?
A. India C. Iran
B. Israel D. Indonesia

3. Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa uri ng vegetation cover sa mga rehiyon ng Asya


dahil sa epekto ng mga sumusunod maliban sa_______.
A. klima C. monsoon
B. hugis ng bansa D. paggalaw ng lupa
4. Ang Asya ay nakakaranas ng iba-ibang klima at panahon. Anong tawag sa klima
na mayroon sa Timog-silangang Asya na kung saan nakararanas ng tag – ulan,
taglamig, tag-init, at tag-araw ang mga bansang kabilang dito?

A. tropical climate C. polar climate


B. monsoon climate D. desert climate

5. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakakaranas ng malalakas na bagyo at ulan.


Anong ahensiya ng pamahalaan ang sumusubaybay, namamahala, at nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa kalagayan ng panahon sa buong Pilipinas?
A. PCSO C. PAGASA
B. PAGCOR D. DENR

BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay isang sanhi o bunga ng pagkasira ng ating
kalikasan.
________1. pagtatapon ng mga plastik at styrofoam sa mga ilog
________2. nagkakasakit ang mga tao at hayop at nasisira ang kagandahan
ng mga halaman
________3. nawawalan ng tirahan ang mga hayop
________4. pagputol sa mga puno
________5. pagkamatay ng mga corals at iba pang yamang dagat

ARALIN

Binabati kita sa matagumpay mong pagkakamit ng mahahalagang kaalaman


tungkol sa katangiang pisikal ng Asya. Ngayon ay mas papaunlarin mo pa ang iyong
pang-unawa hinggil sa ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran sa pamamagitan ng
paglinang nito tungo sa pagtugon sa kaniyang pangangailangan.
Suri-Larawan

Pamprosesong Tanong:
1. Saan mo madalas makita ang mga nasa larawan?

2. Isa-isahin ang mga pinanggagalingan ng mga ito.

3. Ano ang silbi o halaga ng mga ito sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga
tao?

4. Ipaliwanag ang ugnayan ng tao sa kapaligiran mula noon hanggang sa


kasalukuyan.

Ugnayan ng Tao sa Kaniyang Kapaligiran

Ang tao ay tumutukoy sa mga nilalang na nilikha ng Diyos na iba sa iba pang
likha. Tayo ang tinuturing na pinakamataas na nilalang sa lahat ng may buhay dahil
sa kakayahan nating mag – isip. Samantala, ang kapaligiran naman ay tumutukoy
sa isang lugar na kinabibilangan o tinitirhan ng mga tao.

Bilang natatanging likha, tayo lamang ang may kakayahan upang


pagyamanin ang mayroon sa ating kapaligiran. Kailangan natin na alagaan at
pagyamanin ang kapaligiran sapagkat nasa kpaligiran ang ating mga kailangan
upang mabuhay. Ibig sabihin, kailangan ng kapaligiran ang tao upang mapahaba
ang kapakinabangan dito at manatili sapagkat hindi kaya ng kapaligiran na mag –
isa lamang at kailangan naman ng tao ang kapaligiran sapagkat nasa kapaligiran
ang kaniyang mga pangangailangan.

Ang pangangailangan natin lalo na sa pangangailangan sa pagkain ay isa sa


mga pangunahing pakinabang ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang iba pang
organismo na may buhay katulad ng mga hayop at halaman ay nakikinabang din sa
kung ano ang mayroon sa kanilang kapaligiran. Dito rin nanggagaling ang ating
kaalaman na dahil sa kyuryosidad sa mga nakapaligid sa atin ay nasusubok natin
ang hangganan ng ating kaalaman.
Dito sa Asya, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga tourist
spots na mapapakinabangan para lumago at lumawak ang turismo sa Asya para
makilala at mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan. Biniyayaan din ang
Asya ng likas na yaman na kung saan ang ilan sa mga ito ay hindi pa natin alam
kung paano gamitin at ang ilan ay di parin natutuklasan. Maipagmamalaki ng Asya
ang mayamang kapaligiran at likas na yaman nito. Ito ang dahilan kung bakit dito
nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakasapat ito sa
pangangailangan ng mga sinaunang mamamayan at nagamit sa pagpapaunlad ng
kanilang pamumuhay. Ito rin ang dahilan kung bakit ninais ng mga taga-kanluran
na masakop ang mayayamang lupain dito. Malaking bahagi na ng mga likas na
yaman ang nalinang at marami pa ang maaaring pakinabangan. Sa tulong nga
teknolohiya at pagkamalikhain ng mga Asyano, maaari pang mapaunlad ang mga
ito.

Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan na kalikasan, abusadong


paggamit nito at kawalan ng disiplina at limitasyon sa pagpapatayo ng mga
imprastraktura, maling paraan ng pagtatapon ng mga basura, maling paraan ng
pangingisda ay ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga di – inaasahang
sakuna. Halos taon – taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, pagguho ng
lupa, phenomenon, at pagbabago ng klima. Tayong mga tao at lahat ng mga may
buhay ang siyang pangunahing naaapektuhan ng mga sakunang ito.

Isang malaking hamon


Dahil sa marami tayong mga
ang kinakaharap natin
kababayan ang apektado ng lockdown na
ngayong panahon ng
kung saan napasara ang ilang mga
pandemya banta ng sakit
establisiyemento, napatigil ang ilan sa mga
na COVID – 19. Naging
manggagawa sa kanilang trabaho, at nawalan
sandalan natin ang mga ng hanapbuhay, ang kapaligiran ang isa sa
biyayang kaloob ng mga naging sandalan ng mga tao. Nagtatanim
ating kalikasan. ng mga gulay, at inaalagaan ang mga hayop
ng sagayon sa paglipas ng ilang buwan ay
kanilang mapakinabangan.
MGA PAGSASANAY

Gawain Bilang 1: Iguhit Mo Ako!


Panuto: Gumuhit ng isang halimbawa ng likas na yaman at sumulat ng maikling
paliwanag tungkol sa kapakinabangan ng tao dito.

Gawain Bilang 2: (Hanap Salita)


Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang 10 salitang may kaugnayan sa paksang
binasa. Maaring gumamit ng iba’t ibang pangkulay sa paghahanap. Isulat sa patlang
ang salitang nahanap. Pagkatapos, bumuo ng isang pangungusap gamit ang mga
salitang iyong nahanap.

1.___________ 6. ____________ T S K R B D Y P P
2.___________ 7. ____________ A G A M O T A A A
3.___________ 8. ____________ O L P Q G W M N K
S H A Y O P A G I
4.___________ 9. ____________
H A L A M A N A N
5.___________ 10. ___________
I W I A S F D L A
____________________________________ P A G K A I N A B
____________________________________
____________________________________ O U I L K J H G A
____________________________________ T U R I S M O A N
____________________________________ T R A E W I H A G
M P N O D G F N J

Gawain Bilang 3: Slogan

Panuto: Gamit ang isang malinis na short bond paper, bumuo ng isang slogan
tungkol sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran.
PAGLALAHAT

Panuto: Tapusin ang pangungusap sa ibaba. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Mula sa araling ito, natutunan ko na


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Bilang isang mamamayan na kabilang sa inyong komunidad, paano mo


pinahahalagahan ang mga bagay - bagay na nakukuha o napapakinabangan mo sa
iyong kapaligiran? Sumulat ng lima (5).

1.________________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________________

3.________________________________________________________________________________

4.________________________________________________________________________________

5.________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: TAMA o MALI. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
M naman kapag ito ay mali.

_____________1. Walang epekto sa kapaligiran kapag dumami ang populasyon sa


isang lugar.
_____________2. Ang kapaligiran ang pangunahing pinagkukunan ng
pangangailangan ng mga tao.
_____________3. Ang tao ang pangunahing tagapangalaga sa ating kapaligiran.

_____________4. Ang mga hayop at halaman ay hindi kabilang sa mga nakikinabang


sa ating kapaligiran.

_____________5. Dahil sa kakayahang mag – isip ng tao nagagawa nitong alagaan at


gamitin ang mga likas na yaman.

SUSI SA PAGWAWASTO

5. Tama
4. M
3. Tama
2. Tama
1. M
Panapos na Pagsusulit
(Nakadepende ang sagot sa output ng mag – aaral)
Gawain Bilang 3: Slogan

kapaligiran, turismo, pangalagaan, yaman D 5.


pagkain, tao, pakinabang, hayop, halaman,gamot, A 4.
(walang pagkakaayos) B 3.
Gawain Bilang 2: Hanap Salita D 2.
D 1.
(Nakadepende ang sagot sa output ng mag - aaral)
Gawain Bilang 1: Iguhit Mo Ako!
Mga Pagsasanay Paunang Pagsubok

Sanggunian
Aklat
Patrick Anthony S. De Castro, Marie Ann G. Anduyon, Rubilita A. Vasco, Aurelia T.
Molave, Evangeline S. Panganiban, PhD Araling Asyano Sibs Publishing Hoouse Inc.,
Quezon City, Philippines. pp. 44

Mga Larawan
Department of Education image bank

You might also like