You are on page 1of 8

School: PANIPUAN HIGH SCHOOL Grade Level: 10

Teacher: BELINDA MARJORIE L. PELAYO Learning Area: ARALING PANLIPUNAN


Observation Date: Quarter: Observation: 1 2 3 4

Semi-Detailed Lesson Plan in ARALING PANLIPUNAN Grade 10


(Scheduled Classroom Observation)

I. OBJECTIVES (Layunin)
A. Content Standard Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
(Pamantayang Pangnilalaman) nagsusulong ng pagtanggap atpaggalang sa iba’t ibang kasarian
upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi
ng pamayanan.

B. Performance Standard Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at
(Pamantayan sa Pagganap) hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

C. Learning Competencies Ikatlong Markahan


(Pamantayan sa Pagkatuto) MELC No. 1: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at
gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

D. Objectives 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng gender at sex;


(Mga Layunin) 2. Nasusuri ang pagkakaiba ng gender at sex;
3. Nailalarawan ang pagkakaiba ng sexual orientation at
gender identity.

II.CONTENT (Nilalaman)
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
(Uri ng kasarian o gender at sex)

III.LEARNING RESOURCES
(Kagamitang Panturo)
A. References (Sanggunian)
1. Teacher’s Guide pages

2. Learner’s Materials pages Department of Education, Araling Panlipunan - Grade 10 Learner’s Material,
pp.257-283.

3. Textbook pages Kayamanan (Rex Bookstore) Mga Kontemporaryong Isyu


p. 227-229
4. Additional materials from Department of Education – Commons, K to 12 Most Essential Learning
Learning Resource (LR) portal Competencies with Corresponding CG
Codes, p. 57. https://commons.deped.gov.ph/melc
B. Other Learning https://www.slideshare.net/mylenepilongo7/ap10-ibat-ibang-kasarian-sa-
Resources lipunan?from_action=save
(Iba pang Kagamitang Pnturo)

IV.PROCEDURES (Pamamaraan)
A. Reviewing previous lesson Gawain 1: Larawan Suri
or presenting the new Suriin mo ang larawan na nasa ibaba. Ibigay mo ang sariling
lesson pananaw mo dito.
(Balik-aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong
aralin)
Pamprosesong Tanong:
B. Establishing a purpose for
the lesson 1. Ano ang pagkakapareho ng dalawa na nasa larawan?
(Paghahabi sa layunin ng
aralin)
2. Ano naman ang kanilang pagkakaiba?
Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at
C. Presenting sekswalidad. Ito ay epekto sa kanyang buong pagkatao. Subalit dahil
examples/instances of the sa iba’t-ibang paniniwala at pananaw, hindi maiiwasang magkaroon
new lesson ng malubhang isyu tungkol dito.
(Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin)
May mga isyu ka na bang narinig o nabalitaan na may kinalaman sa
seksuwalidad?

Paano kaya natin maipapakita ang paggalang sa karapatan ng bawat


mamamayan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad?

Kasarian at Seksuwalidad, pareho lang ba ang kahulugan at konsepto


D. Discussing new concepts nito?
and practicing new skills #1
(Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
Madalas napagpapalit natin ang kahulugan ng mga ito o pag
bagong kasanayan #1) tinatanong tayo palagi nating sinasabi, “ pareho lang naman sila”

Bagaman magkaugnay ang dalawang konseptong ito, natatangi ang


kahulugan ng bawat isa.

A. Sex o Seksuwalidad
 tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang
lalaki o babae

Katangian ng seksuwalidad:

 Ang babae ay may buwanang regla


 May bayag o testicle ang lalake
 Ang babae ay may suso at ang suso nila ay
nagkakaroon ng gatas kapag sila ay nanganak
 mas Malaki ang buto (bones) ng lalaki

 Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng ating


generic inheritance o ang pinagmulan ng ating lahi.

 Maaari itong mapalitan, ngunit may kahirapan, sa pamamagitan


ng
operasyon, pag-inom ng iba’t ibang gamut at iba pang mga pisikal
na pamamaraan.

 Ang ating genes na nagtataglay ng ating mga biyolohikal na


katangian ay ating namamana at naipapasa sa mga salinlahi sa
pamamagitan ng pagsusupling.

 Ayon sa pagsasaliksik, ang tao ay maaaring magkaroon ng


mahigit sa isang sex, depende sa kombinasyon ng kanyang mga
chromosome, isang yunit ng biyolohikal. Subalit ito ay itinuturing
na rare case lamang.

B. Gender o Kasarian
 tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa
seksuwalidad
 tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain
na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. (WHO,
2014)
Katangian ng kasarian:

 Sa Amerika, mas mababa ang kita ng babae kaysa lalaki


 Sa Vietnam mas marami ang mga lalaking naninigarilyo
 Sa maraming bansa, halos ng mga gawaing bahay ay sa
babae

 Kung seksuwalidad ang tutukuyin, pinapangkat ang mga tao


bilang “babae at lalaki.”

 Kung kasarian naman ang usapan, ang ginagamit na termino ay


“pambabae at panlalaki.”

 Ang pagtatalaga ng kung ano ang pambabae at panlalaki ay


pabago-bago sa paglipas ng panahon.

 Sa ating kasaysayan, halimbawa, may mga uri ng kasuotan at


hanapbuhay na dati’y panlalaki lamang ngunit sa kasalukuyang
panahon ay maaari ring maging pambabae.

 Gayundin, maaaring magkaiba ang mga kultura sa kanilang


paniniwala tungkol sa kung ano ang pambabae at kung ano ang
panlalaki.

 Ipinahihiwatig lamang nito ang katotohanang ang ideya ng


kasarian ay nakatali sa paniniwalang panlipunan at maaaring
mabago bunsod ng mga pagsusulong at pagbabagong
panlipunan.

E. Discussing new concepts Oryentasyong Seksuwal


and practicing new skills #2
(Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
 Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal
bagong kasanayan #2) (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao
na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa
taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa
kanya, o kasariang higit sa isa.

 Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal


ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya
ay lalaki o babae o pareho.

 Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang


heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.

1. Heterosexual
 mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang
kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga
babaeng gusto naman ay lalaki

2. Homosexual
 mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong
nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong
lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha

3. Lesbian (tomboy)
 sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki;
 mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
4. Gay (bakla)
 mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa
lalaki;

 may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang


babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki,
at bayot)

5. Bisexual
 mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

6. Asexual
 mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal
sa anumang kasarian

7. Transgender
 kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay
sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may
transgender na katauhan.

 Siya ay nagdadamit o nag-aanyo na para sa ibang kasarian


(cross-dresser)

8. Trans-sexual
 kung ang isang tao ay dumaan sa isang medical na diyagnosis
kung saan ang isang indibidwal ay may pagkakakilanlang
kasarian na kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian

9. Queer
 mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang
sekswal na pagkakakilanlan

Pagkakakilanlang Pangkasarian

 samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender


identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal
na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak

 kabilang ang personal napagtuturing niya sa sariling katawan


(na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng
anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at

 iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,


pagsasalita,at pagkilos

Jumbled Letters
F. Developing mastery (Leads Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang
to Formative assessment) salitang binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap.
(Paglinang sa kabihasnan)

1. (EERUQ) Mga indibiduwal na hindi sang-ayong mapasailalim sa


anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang
pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong
kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.
2. (RNGEED DITINETY) Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin
at personal na Karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak

3. (YGA) Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang


kapwa lalaki.

4. (RNESNTERGAD) Tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam


na siya ay nabubuhay sa maling katawan.

5. (ESX) Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian


na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

6. (SUELXA REAOINITOIN) tumutukoy sa iyong pagpili ng


makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.

7. (LOSHOXAMEU) nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga


taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong
lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang
sekswal na kapareha.

8. (SEDCREIGN) ang tawag sa isang indibidwal kung nagtutugma


ang sex sa kanyang gender identity

9. (ROSMATANWN) isang dating lalaki na nagpalit ng kasarian

10. (SULBAIEX) mga taong nakararamdam ng atraksyon sa


dalawang kasarian.

G. Finding practical Lumikha ng isang poster na may slogan na tungkol sa paggalang sa


applications of concepts karapatan ng bawat mamamayan sa pagpili ng kasarian at
and skills in daily living seksuwalidad. Ilagay ito sa isang bond paper.
(Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay)
Ano ang iyong mga natutuhan sa araling ito? Gawin ito nang pasalita.
H. Making generalizations and
abstractions about the Ang aking natuklasan mula sa aralin:
lesson _______________________________________________________
(Paglalahat ng aralin)
________________
_______________________________________________________

Mga saloobin ko tungkol dito:


_______________________________________________________

_______________________________________________________
________________
Mga aral na natutuhan ko:
_______________________________________________________

_______________________________________________________

Basahin at unawain ang bawat pahayag, sitwasyon, o tanong. Piliin at


I. Evaluating learning isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.
(Pagtataya ng aralin)
1. Ito ay tumutukoy sa nararamdaman at pinaniniwalaang kasarian ng
isang tao na maaaring tugma o hindi tugma sa kaniyang
seksuwalidad.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
2. Anong oryentasyon mayroon si Erica kung siya ay nakararamdam
ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa niya babae?
A. asexual C. lesbian
B. gay D. transgender

3. Anong oryentasyon mayroon si Paolo kung siya ay nakararamdam


ng atraksyon sa dalawang kasarian?
A. bisexual C. heterosexual
B. gay D. intersexual

4. Si Ana ay ipinanganak na babae ngunit sa kaniyang pakiramdam


ang kaniyang pangangatawan at pangkaisipan ay hindi magkatugma.
Anong oryentasyon mayroon si Ana?
A. asexual C. heterosexual
B. bisexual D. transgender

5. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng sex?


A. Ang mga lalaki ay may testicle, ang babae ay hindi nagtataglay
nito.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla, ang mga
lalaki ay hindi.
C. Batay sa biyolohikal na katangian ng tao, ang pribadong bahagi ng
katawan ng babae ay iba sa pribadong bahagi ng katawan ng lalaki.
D. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang
mga babae ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.

6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag


sa pagkakaiba ng sex at gender?
A. Ang sex ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samantalang
ang gender ay inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki sa
lipunan.
B. Ang gender ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae,
samantalang ang sex ay role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa
inaasahan ng lipunan.
C. Ang gender ay biyolohikal na katangian ng lalaki at babae,
samantalang ang sex ay ang inaasahang role o gampanin ng babae
at lalaki ayon sa itinakda ng lipunan.
D. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian
ng babae at lalaki, ang gender naman ay ang inaasahang role o
gampanin ng babae at lalaki ayon sa kultural at panlipunang
alituntunin.

(Para sa bilang 7-10, sabihin kung ang tinutukoy ay SEX or


GENDER)
7. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang
ang mga lalaki ay hindi.

8. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay


hindi nagtataglay nito.

9. Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang


hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.

10. Ang mga lalaki ang inaasahang magtataguyod ng kanyang


pamilya samantalang ang mga babae ay sa bahay lamang upang
alagaan ang mga anak.
Sentence Analysis: Basahin at suriin ang dalawang pangungusap sa
J. Additional activities for bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot gamit ang sumusunod
application or remediation na batayan sa loob ng kahon sa ibaba.
(Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation)

1. (A) Ang sekswalidad ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na


katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

(B) Ang gender ay isang sosyo-kultural na konsepto na tumutukoy sa


estado ng pagiging babae o lalaki.

2. (A) Ang oryentasyong sexual ay pagkakaroon ng malalim na


atraksyong apeksyonal, emosyonal at sekswal.

(B) Cisgender ang tawag sa isang indibidwal kapag hindi nagtutugma


ang kanyang sex sa kanyang gender identity.

3. (A) Lesbian ang tawag sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa


miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik
ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki

(B) Gay ang tawag sa mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa


sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas
gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha.

4. (A) Intersex ang tawag sa mga transgender na nagpapalit ng


kanilang ari sa pamamagitan ng hormone therapy, operasyong
medikal (sexreassignment surgery) o iba pang pamamaraan na
nagnanais na
patugmain ang kanilang sex at gender identity.

(B) Transman ang tawag sa isang dating babae na nagpalit ng


kasarian

5. (A) Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy


sa iyong pagpili ng makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.

(B) Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala


bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.

Prepared by: (Inihanda ni) Noted: (Binigyan Pansin ni)


BELINDA MARJORIE L. PELAYO _____________________________________
Name and Signature of Teacher Name and Signature of Observer
(Pangalan at Lagda ng Guro) (Pangalan at Lagda ng Nagmasid)

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)

You might also like